nueve

1.9K 73 11
                                    

Chapter 9


Isang nakabibinging tunog ang aking narinig mula sa aking tainga. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa isang talahiban ako sa tabi ng mabatong daan.

Nasaan ako? Nakarating na ba ako? Tirik na tirik ang araw ngunit hindi ganoon kainit ang sikat nito na dumadampi sa balat ko.

Nakarating na nga yata ako. Nandito na ako.

Umupo ako mula sa pagkakahiga sa damuhan. Nakakainis naman si Kuya, di man lang ako nainform na sa talahib naman pala ako lalagpak. Edi sana eh nag-pantalon na lang ako.

Ilang minuto ang tinagal bago mag-adjust ang katawan ko dito sa mundong ito. Hindi ko maintindihan kung nasusuka ba ako o najejebs dahil sa sikmura ko at yung tunog... yung tunog sa tainga kong nakabibingi. Masakit sa tainga at sa ulo.

Maya-maya lang ay nasuka na ako. Ayun, kadiri mang tignan ay no-choice na ako. Nasuka ako right then and there. Kadiri, wala man lang pabaong tubig sila Kuya.

Nasaan kaya si Sebastian? Nandito kaya sya? Hala, baka naman sa magkaibang taon kami napunta? Patay na.

Pagtayo ko ay nandoon pala sa tabi ko ang bag na sinasabi ni Kuya na may lamang notebook at ballpen. Naroon din ang maleta ko na may lamang damit at ilang accessories pati na rin toiletries. Gigil na gigil sa akin sina Kuya Leandro at Lucas dahil sa dami ng dala ko. Pero wala na silang magagawa don kunwari nga pupunta sa Batangas eh.

Ang suot ko ngayon ay putting long sleeves na may ruffles sa cuff ng sleeves at nakabutones sa leeg at may ribbon na nakatali sa collar. Tinuck-in ko iyon at tinernuhan ng long pleated skirt na hanggang ankle ko.

Puro mahahabang damit ang dala ko at ilang pantulog. Yung iba eh binili pa ni Kuya. Yung mga pang matandang damit at mahahabang manggas talaga ang pinili namin. Okay lang kahit hindi pang 1880s ang itsura, at least mahaba di ba?

Ilang sandali pa akong naupo roon at napagpasyahan ko nang maglakad-lakad at baka gabi na ay hindi ko pa mahanap si Sebastian.

Pero pano ko naman sya hahanapin sa ganitong klaseng panahon? Walang cellphone at GPS dito! Wala ring mapa na magtuturo kung nasaang lugar ako.

Napakahabang lakaran naman pala ang tatahakin ko. Dios mio.

Lucas! Mag-drawing ka nga ng bike! Utos ko kay Lucas mula sa notebook na ipinadala ni Kuya.

Huwag mong sayangin ang pahina at tinta, Lara! Maglakad ka hangga't kaya mo! Reply nila Kuya. Kusang lumalabas ang mga letra sa pahina ng notebook. Parang magic! Humanda kayo sakin pagbalik ko!!! #beastmode

Nilabas ko ang cellphone ko at nagselfie. Kunwari eh nasa Batangas talaga ako at ipapakita ko kay Mama ito pag-uwi.

Ilang sandali pa ay may naririnig na akong tunog ng mga paa ng kabayo. Lord, sana naman po ay mabait ang taong nakasakay sa kalesa na ito.

"Por favor detenga el carro, Señor." (Pakihinto ang kalesa, Señor.) sabi ng isang boses ng lalaki sa kutsero ng kalesa at huminto ito sa tapat ko.

Bumaba ang lalaki na nakasakay sa kalesa at parang namumukhaan ko sya.

"O, Binibining Lara! Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ng lalaki sa akin na gulat na gulat at nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin. "Bakit ganyan ang kasuotan mo? Galing ka ba sa Inglaterra? Alam mo bang ilang buwan ka nang hinahanap nina Don Mariano. Pati na rin ni Sebastian."

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon