quince

1.4K 55 6
                                    

Chapter 15


"Mayroon akong kutob na ang babaeng iyon ang may gawa ng lahat ng ito."

Ibinaling ko ang tingin ko kay Lorenzo dahil sa sinabi nya. Sino? Sinundan ko kung saan nakatingin ang mga mata nya...

Trinidad.

"Si Trinidad?" Tanong ko saka sya tumango ng marahan.

"Nakita ko syang kinakausap ang isa sa inyong mga kasambahay."

Nagsisimula nang dumami ang mga taong umuusyoso. Sina ama at ina ay nalungkot rin sa nangyari kay Lita. Isa kasi sya sa mga pinagkakatiwalaan ni ina dahil napaka-honest daw na bata ni Lita.

"Sino sa mga kasambahay ang kausap ng malditang yon?" Napatingin sya sa akin at natawa sa paraan ng pagsasalita ko. "Hindi ako nagbibiro, Lorenzo. Mahalaga si Lita sa pamilya ko."

"Paumanhin, Binibini sa aking ikinilos. Ako lamang ay namamangha sa tono at paraan ng iyong pagsasalita." Sinenyasan nya akong sumunod sa kanya at umusog lang kami sa isang gilid na walang gasinong tao. "Si Binibining Trinidad ay nakita ko isang umaga sa may tulay at mayroong kausap na isa sa inyong mga kasambahay. Hindi ko pa ito nasasabi sa aking Kuya Apollo kaya't sana ay iyo munang ilihim ang sasabihin ko."

"Alam mo, hindi ako naniniwala sa sabi-sabi lang." Kung may maipapakita lang sana syang litrato di ba? Kaso di pa uso digital camera dito, may camera nga kaso malaki at napakabigat. It also takes ages before you can take a picture with a bonus extra-super flash na akala mo eh tatamaan ka ng kidlat sa liwanag.

"Sinasabi ko na nga bang hindi ka maniniwala, Binibini." Nakangiti nyang saad. "Nakita nya ako noong araw na iyon at alam kong alam nilang naghihinala ako sa kanila. Alam nilang nagtataka ako kung bakit sila magkasama at nag-uusap na akala mo ay mayroong binabalak. Isa man akong el mujeriego (playboy) sa iyong paningin, ako naman ay isang tapat na ginoo sa kaniyang iniibig." Sabi nya sabay kindat sa akin. Uso pala kindat dito? Eh kidlat kaya uso rin? Sana tamaan ng kidlat 'to.

"Then, can you tell me who this lad is, Sir Lorenzo?" Sabi ko in a British accent. Nakakaintindi sya ng English di ba? Lumapit sa amin si Andeng mula sa tabi nina Ina at manang. Si ama naman ay nakikipag-usap kay Don Mauricio na ama nina Lorenzo.

Ngumiti sya ng matamis at hinawakan ang baba ko. "She is standing right beside you, my lady." Nakatingin lang sya sa mga mata ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwalang si Andeng ang kasabwat ni Trinidad.

Maya-maya pa ay naramdaman kong hinawakan ako ni Andeng sa may braso kaya natigilan ako sa pagtitig kay Lorenzo.

Nagulat pa nga ako ng biglang sumigaw si Lorenzo kasunod ng hiyawan ng mga tao at pagtakbo nina ama at ina sa kinatatayuan ko.

Naramdaman ko ang isang malamig ngunit makirot na sakit sa tagiliran ko. Napatingin ako kay Andeng na nasa tabi ko at ngayon ay hawak na ng mga guardia civil habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga ito.

"Hahaha! Yan ang nababagay sa mga atrimitidang tulad mo! Pagkakataon ko na sanang magtapat ng damdamin kay Apollo ngunit sinuportahan mo pa ang pag-iibigan nila ni Lita! Mamatay ka na Lara! Isa kang hangal. Ang buo ninyong akala ni Lita ay kaibigan ninyo ako! Pwes, nagkakamali kayo, mga bwisit!" Pagwawala ni Andeng habang nagpupumiglas sa hawak ng mga guardi civil.

Ramdam ko ang pagsalo ni Lorenzo sa katawan kong bigla na lang nanghina at hindi na makatayo.

Sinaksak ako ni Andeng gamit ang isang laseta na itinago pala nito sa may bewang ng kanyang saya.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon