dieciséis

1.8K 55 5
                                    

Chapter 16


"Ate Mila, ano pong nangyayari? Bakit po kayo natataranta?" Tanong ko sa isang kasambahay na nagmamadaling pumunta sa kwarto nila ina at ama. May dala syang tubig sa isang palanggang gawa sa kahoy at telang puti na nakababad rito.

"Inaapoy ng lagnat ang Señora. Pinatawag na namin ang doktor at binibigyan ng paunang lunas sa pamamagitan ng malamig na tubig galing sa balon."

Nilalagnat si ina?

Good thing I brought my medicine kit with me! Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko at hinalungkat ang mga gamit ko sa maletang dala ko nang pumunta ako dito.

Tympanic Thermometer, Paracetamol at Cool Fever. Perfect.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto nila ina ay nakita kong pinupunasan nila manang ang buong katawan ni ina.

Lumapit ako at nakita ko si amang nag-aalala sa tabi ni ina.

"Ama, maaari ko po bang masuri si ina?" Namumutla si ina at parang hinang hina. Inuubo rin sya at sa tunog ng ubo niya ay mukhang mas matindi pa sa ordinaryong ubo ang sakit nya.

"Anak, may alam ka ba sa panggagamot?" Tanong ni ama sa akin.

"Mayroon po akong kaunting kaalaman, ama. Ginagawa po namin ito sa mga may sakit sa Inglatera." Pagsisinungaling ko pero sana ay gumaling nga si ina sa gamot na ito.

"Ano iyan, anak?" Tinatanong ni ama kung ano raw ang hawak kong ito sa kamay ko.

"Ito po ay ang thermometer. Sinusuri po nito kung gaano kainit ang temperatura ng katawan ng isang tao."

Parang mga batang excited na nakasunod ang mga mata nila sa kung ano ang ginagawa ko.

Okay, I feel so pressured right now na parang surgeon sa isang operating room. Though kinukuhanan ko lang naman si ina ng body temp. Hehe.

*Beep...beep...beep.*

Nagulat sila sa tunog ng thermometer. Halos buhusan pa nga ni manang ng isang palanggang tubig ito dahil sa nerbyos. Akala raw nila ay sasabog na ito.

Sa tunog pa lang ay alam ko nang mataas ang lagnat ni ina. Mapapansin mo kasing magkaiba ang nilalabas na tunog ng thermometer kapag hindi masyadong mataas ang lagnat ng isang tao. Tumutunog ito ng marahan kapag mababa at tumutunog ito ng mas mabilis kapag naman mataas ang lagnat ng isang tao.

"41.8°C."

Nagsimula nang mag-jerk ang katawan ni ina. She's having convulsions...or seizure?

I immediately turned her body to her side. Kaylangan iyon para hindi magbara sa laway ang airways nya.

Febrile seizure?

Tumingin ako sa wrist watch na suot ko. One minute has passed.

"Huwag nyo po syang pigilan sa panginginig. Doon muna po kayong lahat sa gilid." Pinaalis ko silang lahat na nakapaligid sa kama ni ina at pinipigilan kasi nila ang pagjerk at panginginig ng katawan niya.

"Baka makagat nya ang kaniyang dila, Señorita. Ilagay natin itong tela para kaniyang kagatin." Sabi ng isang kasambahay.

"Hindi po. Umuurong po ang dila ng isang tao kapag kinukombulsyon kaya hindi po nya ito makakagat. Manang, pakibukas po lahat ng bintana. At paypayan nyo po si ina rito sa may bandang mukha niya." May konti akong kaalaman sa mga ganitong klase ng seizures. Ang pamangkin ko kasi sa pinsan ay mayroong sakit na epilepsy at ilang beses ko ring nasaksihan ang episode nya dahil kalapit-bahay lang namin sila.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon