cinco

1.9K 76 6
                                    

Chapter 5


Talagang na-weirduhan si Mama sa mga ikinilos ni Sebastian kahapon. Halos pagpawisan kami ng malapot nila Kuya para lang hindi kami mabuko. Hindi naman kasi marunong makisama itong si Sebastian! Pero sabagay, kahit naman siguro ako, kung nasa ibang panahon o mundo man ako ay ganito rin ang magiging reaksyon ko.


"Ma, kunin ko lang po yung unan at kumot ko sa kwarto." Sabi ko kay Mama habang inaayos nya ang higaan naming dalawa.


"O sige anak. Maki-abot mo na lang rin ito doon kay Sebastian." Sabi niya sabay abot sa akin ng kumot at naglakad na ako papunta sa kwarto namin nila Kuya.


Hindi ganoon kalaki ang kwarto namin pero mas malaki ito kaysa sa kwarto ni Mama. Sa kanang bahagi ng kwarto makikita ang kama ni Kuya at sa kaliwang kwarto naman ang bunk bed o double deck na higaan namin ni Lucas. Isa lang ang cabinet na meron kami dito sa kwarto pero may kalakihan ito dahil tatlo kaming naghahati dito kaya nasa gitna iyon ng kwarto. Tatlong pinto ang mayroon. Sa kaliwa ang kay Lucas, sa kanan ang kay Kuya at sa akin naman ang gitna.


Makikita sa paanan sa tapat ng bunk bed ang isang study table na may katabing bookshelf. Sa study table na iyon nakalagay ang isang computer, lamp, maliit na orasan, pencil holder, sticky notes, picture naming tatlong magkakapatid noong graduation ko na naka frame at picture nila mama at papa na naka-frame rin katabi ng sa amin, salamin, baby powder (dahil pawisin si Lucas), lip gloss (ko), lip tint (ko), mascara (ko), tatlong klase ng perfume ( sa akin, kay Lucas, at kay Kuya), at isang styling wax (ni Kuya at ni Lucas). O diba hindi lang tambakan ang study table namin, naging isang vanity pa! Charot!


Pagpasok ko sa loob ay nakita ko sila Kuya, Lucas, at Sebastian na nag-uusap. Hindi ko naman narinig kung anong pinag-uusapan nila dahil nahinto sila sa biglaang pagpasok ko.


"Kukunin ko lang yung isang unan at kumot ko." Sabi ko at iniabot na kay Sebastian ang kumot na pinapabigay ni Mama. "Ito raw ang kumot, pinapabigay ni Mama."


"Ah, salamat Binibini." Sabi naman niya, sabay ngiti at tingin ng matagal sa akin. Ito na ang pinaka-awkward na pangyayari sa buhay ko.


Mukha tuloy akong bibe na pilit inaabot yung unan at kumot ko doon sa taas ng bunk bed! Abot ko naman kaya lang eh nandoon kasi siya sa tapat ko nakaupo kaya nahihiya akong ipangalandakan ang kili-kili ko.


Na-sense niya yata na nahihirapan akong tumingkayad dahil sa kanya kaya tumayo sya mula sa pagkakaupo sa higaan ni Lucas. "Ako na lamang ang kukuha, Binibini." Sabi nya sabay abot sa unan ko at sa kumot na nakapatong doon.


"Salamat." Bakit namumula ang pisngi ko? Ang babaw mo teh!


"Hoy, Lara. Bukas na ang landi. Matulog ka na." Sabi ni Lucas at natawa naman si Kuya.


"Anong landi? Nababaliw ka ba? Kuya, si Lucas oh!" binato ko ng hawak kong unan si Lucas sabay takbo niya palabas ng kwarto.


Natawa na lang si Kuya. Aish! Bwisit ka talaga Lucas!!!


Padabog akong lumabas ng pinto habang pinupulot ang unan na ibinato ko kay Lucas kanina. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Sebastian kaya lalo akong nainis at tuluyan nang lumabas ng kwarto.


Kinabukasan...


"Ma! Si Lucas nakipag-unahan na naman sa banyo!" Inis na hiyaw ko kay Mama na nasa kusina at nagluluto ng agahan. Nakakainis talaga si Lucas! Sikuhin ba naman ako habang papasok ako ng CR. Bwisit! Ang sarap murahin sa iba't ibang lenggwahe! Kagigising ko pa naman.


"Anak, hayaan mo na ang kapatid mo. Baka hindi na niya mapigilan ang magbanyo." Sabi ni Mama ng natatawa. Sanay na sanay na siya sa pagbabangayan naming dalawa.


Inis na napaupo na lang ako sa sofa sa sala at hinintay na lumabas si Lucas doon.


Narinig kong tumatawa si Mama kaya pinuntahan ko sya sa kusina. Sino bang kausap niya?


"Diyos ko." Rinig kong sabi ni Mama, "Hindi mo alam kung paano gumamit ng kalan, anak?" Mahinahong sabi ni Mama.


Nakita kong napakamot ng ulo si Sebastian. "Wala po kasing ganyan sa amin." Nahihiyang sabi nito.


"Ayos lang yun." Ngiti ni Mama. Napatingin si Mama sa gawi ko at inaya akong tulungan sya sa pagluluto.


Nakatingin rin sa akin si Sebastian kaya naglakad na ako palapit sa kanila. Ewan ko ba pero parang biglang kumabog ang dibdib ko noong tumingin siya sa akin. At hanggang ngayon ay hindi nawawala ang kakaibang pakiramdam na iyon. Nalimutan ko tuloy na gusto kong magbanyo.


"Anak, ang aga nagising ni Sebastian. Nagulat nga ako kasi nakatulala sya sa labas kaninang alas-singko ng umaga." Natatawang sabi ni Mama habang inaabot sa akin ang platong puno ng cheese hotdog at itlog.


"Talaga?" Tanong ko habang nakatingin kay Sebastian. Napaiwas naman ako ng tingin dahil nakatitig rin pala ito sa akin.


"Hindi mo ba talaga ako matandaan?" Tanong nya sa akin habang nag-aayos ako ng lamesa at sya naman ay ang taga-lagay ng mga kubyertos at plato rito.


"Unti-unti kong naaalala ang mga pangyayari. Pero wag kang mag-alala at maaalala ko rin ang lahat." Paliwanag ko sa kanya.


Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin. "Ako ito, Binibini. Si Sebastian Alonzo na nakilala mo sa isang pagdiriwang sa bahay ng aking tiyo. Ipinakita mo pa nga sa akin ang kakaibang tsinelas na iyong suot noong una tayong nagkakilala. Ipinakilala kita sa mag-asawang walang anak at tinuring ka nilang kanila. Sina Domingo, Carlos, at Rodolfo? Hindi mo ba sila naaalala? Minahal kita, Binibini at minahal mo rin naman ako. Kaya ako naririto ay dahil sa iyo. Sinabi mong sundan kita rito sa iyong mundo. Mahal na mahal kita, Binibini. At nangangako akong hinding hindi na tayo muling magkakahiwalay pa." Sabi niya at sakto namang pagbalik ng alaala sa akin...

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon