veintitrés

889 37 17
                                    

1889 {veintitrés}


Nagising si Lara dahil naramdaman niyang parang may mabigat na nakadagan sa puson niya.

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ang pagluha nang makita niyang wala siyang suot na damit at nakatakip lamang ng puting kumot ang katawan niya mula sa kanyang dibdib. Inalis na ni Lorenzo ang damit na nakatali sa mga kamay niya. Nakayakap naman ang braso ni Lorenzo sa kanya.

Natutulog si Lorenzo kaya't naisip niyang tumakas. Naramdaman niya ang sakit sa kanyang ibaba at napahikbi. Ano bang kasalanan niya sa Diyos na hinayaan niyang mangyari ito sa kanya.

Aalisin na sana niya ang braso ni Lorenzo nang yakapin siyang muli palapit sa katawan nito. Ramdam niya ang pagdampi ng balat niya sa mainit na balat ni Lorenzo. At ramdam rin niya ang pagkalalaki nitong walang saplot. Tumindig ang kaniyang mga balahibo. Kinilabutan siya.

"At saan ka naman pupunta?" sabi ni Lorenzo saka siya hinigit pang lalo papunta sa katawan nito. "Dito ka lang."

"Bakit mo nagawa sa akin to?" hindi matigil sa paghikbi si Lara habang nagpupumilit na makalayo sa hubad na katawan ni Lorenzo.

Hinigpitang muli ni Lorenzo ang pagkakayakap niya kay Lara. Ngayong nakuha na niya ang babaeng pinakamamahal ay hindi na niya hahayaan pang makalayo ito sa kanya.

"Mahal na mahal kita Lara. Ikaw lamang ang babaeng nakapagpatibok ng puso ko ng walang ibang ginagawa kung hindi ang mabuhay lamang sa mundong ito. Hindi tulad ng ibang babaeng katulad ni Gracia." Si Gracia ay ang babaing nakatakdang magpakasal kay Lorenzo.

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo." Sabi ni Lara ng may blangkong ekspresyon. Hindi na niya magawang umiyak ngayon. Kailangan niyang umisip ng paraan para makaalis sa lugar na ito. Kailangan niyang makabalik sa kaniyang panahon. Kailangan niyang palakasin ang loob niya.

Wala siyang ibang kakampi kung hindi ang sarili niya.

"Matututunan mo rin akong mahalin, mahal ko." Sabi nito saka siya hinalikan sa gilid ng kaniyang batok.

Diring diri siya sa kaniyang sarili. Ni hindi niya magawang yumuko upang tignan ang kanyang katawang nakabalot sa kumot.

Nandidiri siya sa buo niyang pagkatao. Si Sebastian lamang ang lalaking mamahalin niya hanggang sa siya ay mamatay. Si Sebastian lamang ang nilalaman ng puso niya kahit paulit-ulit siyang mamatay at mabuhay muli. Matanggap pa kaya siya nito kahit nakuha nan i Lorenzo ang pagiging birhen niya?

"Hindi. Si Sebastian lamang ang lalaking mamahalin ko. Siya lang ang—"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang pumaibabaw na naman sa kaniya si Lorenzo at parang isang baliw na hayok na hayok sa laman siyang ginalaw nito.

Gusto ko nang mamatay. Patawarin mo ako Sebastian.

Matapos lamang ang gabing ito ay tatapusin na niya ang kaniyang buhay. Napagpasyahan niyang gawin ang binabalak kapag muling nakatulog ang manyak at baliw na si Lorenzo.

Nagising siya sa malamig na ihip ng hangin na nanggagaling sa bukas na bintana.

Hindi tulad kanina na nakabalot siya ng kumot, ngayon ay wala na. Wala na ang tanging telang bumabalot sa kaniyang balat. Sa kaniyang pagkatao.

Tinignan niya ang natutulog na si Lorenzo. Hinding hindi niya makakalimutan ang ginawa nito. Hinding hindi niya ito mapapatawad.

"Mamatay ka na." bulong niya rito. "Isinusumpa ko, na kahit na anong pagsisisi ang gawin mo, hinding hindi ka mapapanatag. Ilang daang taon ang dadaan at hindi mo pa rin makakamit ang kamatayang aasamin mo. Hinding hindi ka sasaya hangga't hindi mo pa napagbabayaran ang mga kasamaang ginawa mo!"

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon