quatro

2.2K 84 2
                                    

Chapter 4


"Huwag kang mag-alala, Binibini dahil binili ko na ang lahat ng klase ng sabon na naroon." Nakangiti niyang ipinakita sa akin yung supot na gawa sa papel na dala nya.
Dahan-dahan kong kinuha yung binibigay nya at nagpasalamat. Wala namang masama kung kunin ko diba?
Binibigay nya eh.
"Ako nga pala si Lorenzo." Sabi nya at ngumiti. "Magkakilala pala kayo ng aking kaibigang si Sebastián?"
Napatingin ako kay Sebastián na seryosong nakatingin kay Lorenzo.
"Kaibigan mo sya?" Tanong ko sa kanya.
"Oo." Tipid na sagot ni Sebastián.
"Ahh... It was nice to meet you, Sir Lorenzo. Actually, we have to go. Nagugutom na kasi ako." Sabi ko para makaalis na kami dito dahil 'di ko talaga bet na kausap si Lorenzo. Naaalala ko sa kanya si Louie na kaklase ko na mahilig akong asarin at inisin. Magkamukha kasi sila. At siguro ay ninuno ito ni Louie. At oo, in English ko talaga sya kinausap para tantanan na nya ako at syempre, bet kong magpasikat kay Sebastián ngayon. Hihi
"Nakakabighani naman ang iyong pagsasalita ng Ingles na may kahalong Tagalog."
Sabi naman ni Lorenzo habang nakangiti sa aming dalawa ni Sebastián. Minsan ay titingin sya sa akin at minsan naman ay titignan nya si Sebastián habang nagsasalita. "It was nice seeing you too. I like it how your face shine so bright while smelling the scent of the soaps inside the shop and I like it how your beauty stands in the crowd of this land. I am pretty sure that you and I will see each other again. So, see you. At magkita tayong muli, Sebastián." Ngumiti muna sya sa akin bago tumalikod na at naglakad palayo. May pagka-British accent ang pagsasalita nya kaya medyo naniwala ako na nag-aral nga sya sa ibang bansa. Medyo lang! Haha
Napansin kong nakatingin pa rin si Sebastián kay Lorenzo. Nag-away kaya sila noon? Pero sabi nila friends sila di ba? Hindi kaya gusto niya ring matuto na magsalita ng English language?
"Mayroon bang kainan man lang dito? Nagugutom na kasi ako."
Reklamo ko sa kanya dahilan para mapatingin sya sa akin.
"Oo, halika." Kinuha niya mula sa kamay ko yung supot ng mga sabon na hawak ko at naglakad na sya.
Nakarating kami sa isang kainan malapit sa plaza at umupo kami sa isang maliit na mesang gawa sa kahoy.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Sebastián sa akin.
"Kahit ano wag lang gulay." Sabi ko naman at narinig ko syang tumawa ng palihim. "Ayoko lang talaga kumain ng gulay ngayon dahil nagsasawa na ako." Paliwanag ko kaya natawa ulit sya at lumapit ang isang babaeng medyo may katabaan at maliit. Nasa edad na 50 na siguro ito at maamo ang kaniyang mukha.
"Señorito Sebastian! Magandang araw po. Narito po pala kayo." Yumuko ang babae at napatingin sa akin.
"Magandang araw rin sa iyo, Binibini." Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya. Yung parang sa peace be with you lang sa simbahan. Ang awkward ng ngiti ko. Kaloka!
"Magandang araw rin po." Sabi ko at napapalakpak pa ang ale at nagsalita ulit ito. "Napakaganda ng Binibining kasama mo Señorito. Ngayon ko lang siya nakita ngunit bagay na bagay kayo." Sabi pa nya na nakapagpalaki ng mata ko. "Siya po ba ang inyong nobya?"
Hirit pa nung ale.
Tatanggi na sana ako ngunit nagsalita na si Sebastián.
"Maaari nyo ho ba kaming bigyan ng dalawang plato ng kanin at kare-kareng baka?" Nakangiti nyang sabi sa ale.
"Oo naman, sandali lamang ha?" Excited na umalis ang ale at pumunta sa kusina.
Napapatingin naman ang lahat ng dumadaan sa amin ni Sebastián habang hinihintay namin ang inorder nya kanina na pagkain. Nasa labas kasi ng kainan ang mga mesa.
"Ano bang tinitignan nila rito? Bakit hindi sila kumain tutal mukhang gusto naman nilang pumasok?"
Kunot-noo kong sabi at pinaglaruan na lang ang lalagyan ng paminta at patis na nakalagay sa ibabaw ng mesa.
Kibit-balikat lang ang tanging isinagot nya at nakatanaw lang sya sa labas. Literal na nag-pout talaga ako para cute. Chos!
Natawa naman sya siguro dahil sa masagwang pag-pout ko kanina.
Hahaha

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon