"Kainin mo, masarap 'yan. 'Di mo pa natatry? Tsk! Hindi ba obvious ha, kupal ka?" agad ko namang tinampal ang bibig ko nang mapagtantong nagmura ako.

Ayt! Ano ba 'yan, kanina pa pala ako nagmumura.

"Ba't ba galit na galit ka? Meron ka ba?" mahinahong tanong niya na ikinairap kong muli.

"Gutom ako, at kapag gutom ako nagbabago ang mood ko."

"Oh." kinuha nito ang kaliwa kong kamay at tsaka inilagay ang kakanin na kanyang binili. "Happy ka na?" halata sa tono ng boses nito ang panunukso.

"Edi wow," sabay belat ko pa dito.

Habang naglalakad kami ay nakita ko ang isang tindahan na kung saan ay punung-puno ng mga estudyante ng aming school.

Hmm, bakit feeling ko nandito ang mga kaibigan namin?

"Tara doon," panganganyaya ko kay Kendrick na sa kabilang direksyon nakatingin.

"Saan?" tanong nito sabay tingin sa akin.

"Darating.. doon, oh. Feeling ko naroon lahat sila. Tara--"

"Hindi diyan, doon." tsaka nito tinuro ang kabilang direksyon kung saan kaunti naman ang mga estudyanteng naroon.

Sa pagtitig ko roon ay nakita ko ang nakatalikod na pigura ng isang babaeng nakawhite Nike shoes.

Teka nga , parang may kilala akong babae na laging naka-Nike shoes.. Riel!

"Ang galing mo! Ayun si Riel, oh." kaagad kong hinawakan ang kamay nito tsaka namin tinahak ang daan patungo sa tindahan kung nasaan si Riel.

Nang makalapit kami ay mas lalo kong naaninag ang mga kaibigan namin dito sa tindahan ng mga.. kwintas at pulseras?

"Gelay, Kendrick! Akala namin, nagtanan na ka-- pakshet ka, masakit, ha!" bungad ni Ysha na agad namang naputol nang lapadin siya ni Dein.

Minsan talaga nakakatakot na ang mga 'toh.

"Baka hindi pa kayo nakain. Bumili kami ni Gelay ng kakanin doon." sabay lahad nito ng plastik na may mga lamang kakanin.

"Sakto! Gutom na ako!" sambit ni Carlos na kaagad lumapit kay Kendrick para kuhanin yung plastik na may lamang mga kakanin.

"Nga pala, ano'ng ginagawa niyo dito?" tanong ko kay Riel tsaka kumagat ng kakanin na hawak ko.

"Nagtitingin kami ng bracelet." giit nito habang nagtitingin ng kakanin na nasa loob ng plastik.

"Bibili ka ba?" tanong ko muli rito.

"Balak ko kasi bumili tayong lahat ng ganyan. Tapos bawal alisin 'yan sa palapulsuhan ng bawat isa." ooh, gandang idea, ah.

"Edi bumili ka na. Wala na namang magagawa ang mga 'yan kapag binili mo." tugon ko sa sinabi nito.

"Ano namang kulay?" tanong niya kaya napatingin ako sa mga pulseras na nakahilera sa lamesa dito.

May asul, pula, lila, luntian, dilaw at madami pa.

Asul at pula ang nakapukaw sa aking atensyon. Asul ang paborito kong kulay samantalang maganda naman ang pula katerno nito.

"Yung asul kaya at pula?" suhestiyon ko rito.

"Hmm.. sige. Ang ganda ng combination, eh." sagot niya.

"Kuya, pabili po ng anim na asul na pulseras at apat na pulang pulseras." tsaka ito nag-abala sa pagkuha ng wallet niya sa kanyang bag.

"Asul ang sa babae?" tanong ko sa kanya na sya nitong ikinatango.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now