SL 13: Pinky Promise

40 11 0
                                    

Lei's P.O.V.

"Kuya Anton, una na po ako. Ingat kayo." bumaba na ako sa kotse at akmang isasara na nang magsalita din si Kuya Anton.

"Sige Ma'am, ingat din po kayo." Ayt, sabi ng Gelay na lang, eh. Si Kuya Anton talaga. Tumango na lang ako at ngumiti dito bago isinarado ang pintuan ng backseat kung saan ako nakaupo kanina.

Hay pucha, parang hindi ko man lang naramdaman ang Linggo kahapon sa sobrang bilis ng oras. 'Langhiyang 'yan.

September na ngayon at nagsisimula ng lumamig! Parang s'ya.. charot! Tangina ka Gelay, parang may lablayp ka kung makabanat ka, ah?

Naglakad na ako papasok sa campus patungo sa 2nd floor ng building namin kung nasaan ang classroom namin.

Pagkapasok mo palang sa campus ay ang dere-deretsong hallway na ang bubungad sa'yo pero ang katabi ng hallway na ito ay ang 2 story campus building namin.

Ang 1st floor ay para sa Grade 9. Bawat grade dito sa aming campus ay tatlo ang sections. Samantalang ang 2nd floor naman ay para sa Grade 10, which is kami.

Anim ang rooms sa baba at itaas, ang dulong bahagi na room sa baba ay ang isa sa mga clinic ng campus. May isa pa kasing clinic ang campus, doon naman 'yon malapit sa court.

Tapos ang room sa gitna doon sa may 1st floor ay ang comfort room ng males and females. And then, yung unang room sa baba ay ang stock room. Magulo ba? Sorry na.

Ang pinagkaiba lang ng Grade 7-9 sa Grade 10 ay, ang Grade 10 lang ang may apat na sections. Kumpara sa Grade 7-9.

Kaya naman ang unang room sa 2nd floor ay hindi stock room, kundi room ng mga mag-aaral. Which is 'yung kabilang section namin.

Pangalawang room ay ang aming classroom. Ang ikatlo ay 'yung comfort room, ikaapat at ikalima ay room for students again. At ang pinakadulo ay ang Guidance Office.

Ang weird ng campus namin, 'noh? Ang nasa gitna ay ang comfort room tapos ang nasa dulo ang Guidance Office at Clinic. 'Langhiya.

Sa pagkukwento ko ay nakarating na ako ng 2nd floor nang hindi ko namamalayan. Effective pala naman kapag gano'n?

Nang makarating ako sa classroom ay nabigla ako nang magsitinginan ang mga tropa ko sa akin na kadarating lamang. Teka.. sa'kin nga ba?

Tumalikod ako para siguruhin nga kung ako nga ba ang kanilang tinitignan at nagulat na lang ako nang nasa likod ko pala si kupal. Tangina, nagte-teleport ba ang hanep na 'toh?

Ba't parang hindi ko man lang namalayan na nakasunod ang isang 'toh sa'kin? Sabagay, lumilipad na naman ang isip ko, eh.

Umuna na ito sa paglalakad sa akin, pero nang tumapat ito sa akin ay ngumiti muna ito ng bahagya.

Narinig ko ang pag-igik ng mga kaibigan ko. Puta, anong meron? Anong hindi ko alam?

Habang nangungunot ang kilay ko dahil sa ipinapakita ng mga kaibigan ko ay naglakad na ako patungo sa upuan ko.

Habol ang tingin sa akin ng ilan sa mga kaklase ko, ang ilan ay nakangiti at ang ilan ay matatalim ang tingin sa akin.

Isama niyo pa ang Sabog na naghahampasan pa. Ano bang meron, pucha!?

Nang makaupo ako sa aking upuan ang nagsidagsaan ang mga katropa ko sa aking gawi. Nagkumpulan ang mga ito sa palibot ko, maliban kay Ellie na naroon lang sa kanyang upuan na nakangisi.

Meron talaga akong hindi alam, eh!

"Anong meron, ha? Puta, hindi ko naman birthday, ah? Ang tagal pa no'n, 'oy!" aniko sa mga ito na ikinabulalas ng mga tawa nila.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora