SL 24: Galit

22 2 0
                                    

Dein's P.O.V.

"Riel, galit ka ba sa'kin?" nakanguso kong tanong kay Riel na nauna sa pagpasok sa elevator patungo sa ground floor na agad naman naming sinundan.

"Hindi naman, naiirita lang. Doon lang talaga sa putang lalaking 'yun. Jeez! Sarap ihulog sa building," nanggigigil na sambit nitong si Riel.

Nang tumunog ang elevator at bumukas na ay nakita kong madami na ang mga estudyante na narito sa ground floor at nag aabang na sa pag-alis.

Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang 6:15 A.M. na.

Ba't ba hindi pa kami umaalis, eh, 6:30 ang umpisa ng misa!?

"Hindi pa ba daw aalis?" naiiritang tanong ni MJ na mukhang nabasa ang naiisip ko.

"Nasaan ba naman kasi ang tour guide na 'yon?" iritadong tanong ni Ellie na kung saan-saan tinutungo ang mata para hanapin ang tour guide namin.

Habang naghahanap din ako ay nakita ko si Gelay na palapit sa amin na kasama si Andrei.

Nakabusangot na naman ang mukha ng gaga na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Nang makadating si Gelay at Andrei ay napatingin sa'kin si bakla na siguro'y nagtataka sa nangyayari.

"Mga bakla! Ba't naman ganan ang mga mukha niyo? Time of the month ba?" pang-eenlighten up ni Andrei sa tatlo na ang mga mukha ay nakabusangot na pero imbis na matawa ay tinitigan ng mga ito si Andrei nang napakatalim.

"Sabi ko nga, bad idea 'yon." tsaka ito lumapit sa akin.

"Anong meron sa tatlong bakla? Ba't puro mga parang binagsakan ng kamalasan at ganyan ang mga mukha?" untag nito sa akin.

"Ewan ko nga ba kung anong nangyari kay MJ. Si Riel naman may nakaencounter lang na lalaki, samantalang si Gelay.. basta! Hindi ko kayang iexplain!" sabi ko rito.

Magsasalita pa sanang muli si Andrei nang pinukaw ng tour guide namin ang atensyon ng bawat isa. Syempre yung ibang grade may sarili ring tour guide 'noh.

"OH, BILIS NA ANG LAKAD MGA KIDS! 6:18 A.M. NA! KAILANGAN NA NATING MAKARATING SA CATHEDRAL BAGO MAG 6:30! GO! GO! GO! BILISAN ANG KILOS!" sa bawat pagsasalita nito ay unti-unting kumukulo ang dugo ko.

Bakit ba laging kami ang sisisihin nito!? Eh, kung pinaaga niya ang time limit lang ng bawat estudyante, eh di mas mabilis kami! Pisteng yawa.

Matalim kong tiningnan ang tour guide namin habang pasakay kami sa bus na mukhang naramdaman naman nito kaya napalihis ang tingin nito sa akin.

"May problema ka ba, kiddo?" nakangiti nitong tanong sa akin na mas lalo kong ikinairita.

Kiddo? Tanga ba siya? 16 na ako sa November tapos tatawagin niya pa akong kiddo?

Sasagot na sana ako nang pabalang sa tour guide nang may pumulupot na mga bisig sa aking baywang at tsaka ako ipinatianod patungo sa likod na bahagi ng bus. Bwiset, sino ba ito!?

Agad kong siniko ang tyan nito kaya naman bigla ako nitong nabitawan na tyansa ko na para makita ang mukha nito.

Nang ibinaling ko ang aking katawan para harapin ito ay mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Ano ba'ng trip mo ha?!" sigaw ko dito ngunit hindi naman kalakasan para hindi maistorbo ang iba kong kaklase ngunit ang inaakala kong matatakot sa ginawa ko ay mas lalo lamang napangisi.

Tao pa ba talaga ang gagong ito?

Dein, mas mabuti pang 'wag mo na lang pansinin ang gagong 'yan.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now