SL 25: Numb

27 0 0
                                    

Lei's P.O.V.

"Nasaan na ba naman kasi ang mga 'yon?" kanina pa kami naghahanap ni Kendrick dito sa mga tindahan ngunit ni isa, walang senyales ng aming barkada.

"Baka iniwanan na tayo?" napaparanoid kong banggit kay Kendrick.

"Gelay, may 30 mins. pa tayo. Kaya imposible 'yang sinasabi mo." seryosong puna ni Kendrick sa akin.

"Sabi ko nga," tangi kong naisagot dito.

Patuloy pa rin kami sa paghahanap kung nasaan ang aming barkada nang biglang tumunog ang aking kalamnan.

Shet, sana hindi niya narinig, sana hindi niya nari--

"Tara," panganganyaya nito.

"Saan?"

"Darating," sabay ngisi ng nakakaloko ni Kendrick.

"Parang ewan 'toh." sambit ko tsaka umirap pa.

"Baka mangain na 'yang buwaya sa tiyan mo. Tara na nga."

"Hindi pa'ko gutom! Hanapin muna natin yung walong mga shunga, kung saan-saan nagpupunta, eh. Parang ewan."

Nagsisimula na akong mairita. Dalawang bagay lang naman 'yan eh.

Una, nagugutom na ako. Pangalawa, patanga-tanga ang mga nasa paligid ko.

"Hindi pa ba gutom ang lagay na 'yan?" tinignan ko ng matalim si Kendrick, kaya naman tumingin ito sa kabilang direksyon.

"Isa pa Kendrick, makikita mo hinahanap mo." pambabanta ko pa rito.

"Oh edi magaling, makikita na natin sina Carlos. Sila hinahanap ko, eh." pigang-piga na ako nang mahagilap ng aking paningin ang sunud-sunod na tindahan ng mga kakanin na lalong nagpakalam ng aking sikmura.

"Ngayon sabihin mo na hindi ka pa gutom." nanunuksong tugon ni Kendrick habang hinihila ako patungo sa isang tindahan ng kakanin.

"Ate, pabili nga po ako ng isa nito. Tsaka po ganito at 'yung isa pa--"

"Ba't ang dami naman!?" gulat kong tanong kay Kendrick na halos bilhin na ata ang lahat ng paninda ng tindahan na ito.

"Sinabi ko ba na sa'yo lahat ng ito? Kakain rin ako tsaka baka 'di pa kumain mga kasamahan natin." pagkompronta sa'kin nito kaya napanguso na lang ako.

Sana pala hindi na lang ako nagsalita.

"Salamat po," sabay abot nito ng bayad sa aleng nagtitinda.

"Para ba 'yan lahat sa nobya mo, iho?" agad akong napangiwi sa sinabi ng ale.

Bwiset, bakit ba lahat na lang ng mga tao, laging sambit nobyo ko itong si Kendrick? Susmeyo, parang ewan naman, eh.

"Po? Hindi po, para po sa'min lahat magbabarkada ito." tanggi pa ni Kendrick sa ale na ikinatango na lamang nito.

Umuna na ako sa paglalakad at muling naghanap ng senyales nina Riel.

Hindi naman gaanong matao dito pero meron pa din.

Gutom ka na talaga, Gelay. Kung anu-ano na sinasabi mo.

"Hoy! Binibiro lang naman kita kanina. Ito naman, galit kaagad." sambit ni Kendrick na nakasunod lang sa akin.

Huminto naman ako para makasabay siya sa paglalakad.

Kinuha ko naman saglit ang wallet ko sa may bag ko para kumuha ng bente pesos para maipangbayad dito.

"Oh," sabay lahad ko dito ng bente pesos.

"Aanhin ko 'yan?" nakakaloko na naman nitong tanong sa'kin.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now