SL 2: Oo!

76 27 0
                                    

Ysha's P.O.V.

"Hindi ba masakit?" untag ni Dein.

"Huh? Hindi naman. Maiksi naman kasi tsaka dahan-dahan siya sa paggalaw." tugon ni Gelay.

"Hindi ba masyadong mahaba para sayo?" sabat naman ni MJ.

"Sakto lang. Hindi ganoon kahaba, hindi rin naman ganoon kaiksi. It's my first time! And, I must say. It actually feels good pala." sagot muli niya habang nakalagay ang kamay sa may batok at hinahagod-hagod pa.

"Masarap ba sa feeling?" kuryoso kong tanong dito.

"Okay lang, medyo makati pala ito! Pero all in all, masaya at nanghihinayang din. First time ko eh!" saad muli nitong si Gelay.

"Buti naman kung ganuon. Sure kang okay kalang sa BANGS mo ngayon?" makulit din itong si Riel eh.

"Oo nga! Ang kulit mo ga?" nahihimigan sa tono nito sa umuusbong na naman na iritasyon. Kahit kelan talaga napakaiksi ng pasensya ng isang ito.

"Duh, nakakapanibago kasi! May nakaharang na dyan sa malapad mong noo. Eh parang dati ayaw na ayaw mong pagupitan. Ni kahit isang hibla ng buhok mo!" napahagikhik ako sa sinabi ni Riel. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ito o ano.

Kaagad ko rin naman pinigil ang pagtawa ko at napalitan na lamang ng ngisi nang makita ang matalim na titig ni Gelay sakin.

"Tanginang ito! Hindi ka ba naniniwala sa kasabihan na kapag malapad ang noo, malapad din ang kepya--"

Bago pa maituloy at matapos ni Gelay ang kanyang sasabihin ay tinakpan na ni MJ ang bibig ni Gelay. Nakakahiya naman kapag may nakarinig!

"Alam mo Gelay, baka mamaya palayasin tayo dito! Wala man lang kafilter-filter 'yang bibig mo!" kompronta ko rito. Mamaya kasi may nakarinig pala sa kanya, edi nagsitinginan sa amin?

Tinagtag na ni MJ ang kanyang kamay sa bibig ni Gelay. Samantalang napaismid na lamang ito at nagkibit balikat na parang walang nangyari.

Hanep na 'toh!

Narito kami ngayong anim sa mall. Hindi nakasama si Andrei kasi may family gathering daw sila ngayon. Okay lang naman.

Kaso ang bakla nag-insist pa na sumama, dahil magpapasalon din daw sya! Mas babae pa kay Dein, ampucha! Ginyera nga namin, mamaya kami pa murahin nina Tito at Tita kapag hindi sya nakaattend eh.

In the end, napapayag din naman namin sya. Magdadala daw sya ng cake bukas na matitira para may malamon daw kami habang nagkaklase! Nice talaga si baklita!

Galing kaming anim sa salon para samahan si Gelay na ipaayos ang kanyang bangs na ginupit kanina. Kumbaga'y moral support! Chos! para

Feeling ko nga naiiyak pa sya kanina habang pinapaayos niya yung bangs niya.

Hanep na yan. Bangs lang 'yon, uy! Kaunting hibla lang yun ng buhok. 'Kala mo naman ikamamatay niya!

Nakauniform pa kami ngayon. Masyado bang obvious? Kakaawas palang namin ngayon galing school.

Bumili lang kami saglit sa may DQ para kahit papaano ay may laman naman kahit konti ang mga tyan namin. Di pa din naman kasi kami nakakapag hapunan.

Eto namang si Gelay, nakakapanibago ngayon, may sandata ng nakaharang sa noo niya! Pero I admit! It suits her well. Akalain niyo yun? Mas lalo ngang nag glow-up ang ganda ng gaga na 'toh eh!

Naalala ko tuloy yung ginawa niyan kanina kay Kendrick. Bumawi ba naman si gaga! Hahaha!

"Gelay! San punta mo?" sigaw ni MJ na syang ikinalingon ni Gelay sa gawi nito.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now