SL 23: When in Baguio

22 1 0
                                    

Ysha's P.O.V.

"Ellie, sino bang kasama natin dito sa room natin?" sigaw ko kay Ellie na nasa may banyo ngayon at naghihilamos ata tsaka nagto-toothbrush. Katatapos ko lang kaya sumunod naman kaagad s'ya.

Nandito ako ngayon sa may balkonahe ng room namin ni Ellie, may isa pa raw kaming makakasama dito ngunit hindi ko alam kung sino.

Ang alam ko'y kasunod lang naman namin kanina si Riel na baka ngayon ay nasa kabilang room na namin ngunit hindi ko alam kung sino ang kasama. Baka 'yung syota? Charot lang, wala nga pala s'ya noon.

Narinig ko ang pagclick ng lock sa bathroom at nang lumingon ako ay nakita ko ang palabas na si Ellie na kaagad din naman akong nahagilap.

"Ahh, si MJ daw." nangunot naman kaagad ang noo ko nang banggitin nito ang pangalan ni MJ.

"Oh, kung si MJ pala, nasaan s'ya ngayon?" sabay lapit ko pa sa kinaroroonan nito.

"Nagsabi sya kanina sa'kin na may kakausapin lang daw s'ya. Hindi ko nga lang alam kung sino. Basta ang sabi niya, susunod din kaagad daw siya. Edi pinabayaan ko na." paliwanag pa niya habang naglalagay ng sunblock sa mukha at mga braso.

"Eh, parang ang tagal na niyang nasa baba, ah?" nag-aalala kong tanong dito.

"Aba, ewan ko. Sabi naman kasi niya 'mabilis' lang daw s'ya, kaya hinayaan ko na. Malay ko bang magtatagal siya ng ganito." paliwanag muli ni Ellie.

Napagdesisyunan ko kaagad na pumunta sa baba para hanapin si MJ.

Saktong binuksan ko ang pinto papunta sa labas ng hotel room ay nakita ko si MJ na nakabusangot ang mukha.

Ano na naman bang nangyari dito?

Magtatanong na sana ako sa kanya nang pigilan niya ako at tsaka s'ya nagsalita.

"Mamaya na'ko magkukwento. Kailangan ko munang maghilamos at magtoothbrush, baka maiwanan ako. Nasa baba na ang iba," sabay lakad nito papasok ng room namin.

Sumunod naman ako dito na kaagad ibinaba ang backpack at padabog na nagpunta sa may bathroom.

Napatingin naman ako kay Ellie na ngayo'y nagsasalita ngunit walang nalabas na anumang ingay sa bunganga nito.

"Anong nangyari doon?"

"Ewan ko?" mahinang tugon ko kasabay ng pagkibit-balikat ko.

"Ysha," pukaw ni Ellie sa akin ngunit may boses ng nalabas sa bibig nito.

"Oh?" maiksi kong tugon.

"Si Riel ba, Dein at Gelay ang magkakasama sa kabilang room?" she said while having a confused expression in her face.

Oh, english yun. Laban? Charot.

"Ang alam ko. Ba't mo natanong?" pabalik kong tanong dito.

"Kaya naman pala. Rinig na rinig ang ingay nilang tatlo dito, eh. Nagsama-sama ang mga bungangera. Nagtataka lang talaga ako kung ba't hindi ka pa sumama sa tatlong 'yun?" tsaka ko lamang na-realize ang mga nabanggit nito sa huling pangungusap.

"Gago ka, ah!" sigaw ko rito na akma pang susuntukin ito.

Si luka naman ay humahagikhik lamang sa isang tabi na animo'y baliw.

"Paano mo naman nalaman na magkakasama ang tatlong 'yun? Aber?" tanong ko dito.

"Bingi ka ba Ysha o nagbibingi-bingihan? Magcotton buds ka kaya muna? Hindi mo ba naririnig 'yun?" sasagot pa sana ako ng pabalang dito nang takpan nito ang aking bibig at unti-unti ay naririnig ko ang mga sigawan sa tabi naming kwarto.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now