SL 16: Devilish Act

29 3 0
                                    

Lei's P.O.V.

Katatapos lang ng 2nd period namin at ngayon ay papunta ako ngayon sa cafeteria dahil breaktime na.

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko habang naglalakad kami ay puro na sila hagalpakan sa katatawa dahil sa sinabi ko kanina doon sa transferee na si Tamiyah.

"Hanep, Gelay! Alam mo bang kanina halos masamid na'ko kakatawa ng palihim? Yung pangbabara mo kay Tamiyah, iba eh! " sabay lapad pa sa'kin ni Ysha.

Abnormal talaga kahit kailan.

"Bad mood ka pa rin ba? Or mas lalo lang naging bad dahil nga sa nangyari kanina?" pangunguwestiyon ni Riel.

Ito ang gusto ko dito kay Riel.. whenever na nakakaramdam s'ya na parang kakaiba ang mood ng kanyang mga barkada, she's always here to the rescue.

And I actuall

"Nahh, actually dahil sa transferee gumaan ang mood ko, nahimasmasan ng kahit kapiranggot man lang. Tsk, leche paniguradong pag-uwi ko utos na naman ang bungad sakin nang babae na 'yon." umay kong pag-eexplain dito.

"Babae?" kaagad namang sali nito'ng si Ellie.

"Yahh, umuwi yung dalawa ko'ng lintek na kapatid eh." Maalala ko palang yung dalawang yun, nagtataasan na balahibo ko, putek.

"Wew, ano bang ginawa ng mga yun sa'yo at bad mood ka pag-pasok mo? Alam mo ba'ng ibang-iba ang aura mo kanina pagpasok? Para ka'ng may black aura na pumapalibot sa buo mong katawan nang makita ka namin kanina." pagtatanong nito'ng si Ysha.

"Mamaya ko nalang ikukwento, pumila na muna tayo." sabi ko sa mga ito.

Agad nagsi-pilahan ang mga kaibigan ko, pinauna ko na lamang sila at ako ang nasa pinakahuli.

Nang makatapos kami sa pagbili ng mga kakainin namin ay naglibot na kaagad kami ng tingin para makahanap ng upuan.

Masyadong crowded ang cafeteria ngayon kaya wala kami masyadong mahanap na masosolo namin maupuan.

"Mga beshibels, tara don! Andun sina Carlos, inaaya tayo sa pwesto nila." untag nito'ng si Ysha. Is she close to Carlos? Jeez.

Agad kaming nagsunuran kay Ysha patungo sa pwesto nila Kendrick. Pagkarating namin ay agad nagsi-upuan ang mga kaibigan ko sa gusto nilang pwesto para kumain.

Yung sa tabi na lamang ni Kendrick ang bakante, kaya no choice. Doon ako uupo.

Bago ako umupo ay tumingin muna ako sa kanang bahagi ng cafeteria at nahagilap ng aking mata ito'ng kababata ni Kendrick na nakatingin sa akin habang nakikipag-usap sa mga kakikilala pa lamang niya na mga kaibigan.

Wait-- sa'kin ba sya nakatingin or I'm just assuming?

Tumingin ako sa likudan ko kung may kausap ba sya ngunit wala naman dahil karamihan sa mga tao'ng aking nakikita ay maiingay at nakikipaghalak-hakan sa kani-kanilang mga kaibigan.

"Hoy Gelay? Tatayo ka na ang ba dyan hanggang Pasko?" sarkastikong tanong nito'ng si Dein.

Masyadong napreoccupied ang isip ko ah.

"Maganda namang idea tutal malapit na din naman ang Pasko, but nahh. Bat 'di mo subukan?" pikon kong sagot.

Umirap na lamang sya at nag-start na muling kumain.

Makakain na nga lang.

Nasa kalagitnaas ako ng pagkain ko nang maramdaman kong may nakatitig na naman sa akin. Yung totoo!? Kelan ba nila ako patatahimikin?!

Agad ko'ng sinulyapan itong si Kendrick na hindi nakatingin sa akin mismo. Kundi doon sa paso ko ibabang parte ng hinlalaki ko. Ibababa ko na sana ito para hindi na niya pakialaman pa ng kinuha niya ang kamay ko at sinuri ito.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now