SL 1: C.K.B.

93 28 0
                                    

Gelay's P.O.V.

Ugh! My back hurts so bad! Mukhang masyadong nabigla again ang body ko sa mga ginawa ko. Ayt!

Ngayon lang kaya ulit ako nakapag linis ng ganoong karami? That freaking asshole! Tsk!

Akalain niyo ba naman? Nakaupo lang pagkadating ko sa DR! Tapos wag na wag daw ako magsusumbong na hindi sya gumagawa doon. Aba? Nanakot pa?! Sabihin niyo nga sakin? Gawain ba yun ng isang huwarang Presidente ng klase?

Well, hindi naman ako natakot at pinaglinis pa rin sya. Pero, walanghiya lang, akala mo ginto ang pawis! Kakapiranggot lang kung gumawa! Hindi ko nalang ulit pinansin at baka madoble pa detention ko. Edi 2nd penalty? Na-ah! Ayoko na, 'noh!

Grabe nga din ang taka ko at ito ang naging Class President namin. Wala namang silbi! Ni hindi nga man lang nagsasaway ng maiingay sa classroom namin eh? Guess what kung ano ang ginagawa? Ayun nakikisabay lamang sa kaingayan. Actually, scratch that! Sya ang nagpapasimula ng kaingayan!

Tapos kapag dadating yung adviser namin syempre ano ba ang mga gawain ng bida-bida, right? Mag-aact na nagpapatahimik at magsasaway ng mga kaklase. Sarap ihampas sa pader 'noh?

Kakauwi ko lang galing sa school at nagpapahingang kaunti at maya-maya ay magshoshower nadin.

Ako lang at ang mga maids and guards ang kasama ko dito sa bahay. Pati pala si Monami. My dog. Last year pa andito na si Monami. Regalo sakin ni Daddy. Para daw may makasama ako. Kasi... wala kasi ang mga yun palagi. Business here, business there. Business everywhere! Blah, blah, blah. All those shits. Tsk!

Minsan nga naiisip ko nalang bigla, ano kayang feeling ng isang buo at masayang pamilya? Yung sama-samang kumakain tuwing dinner. Tuwing sunday nagsisimba. Tapos nagkukulitan at nagkukwentuhan about sa studies namin at works nila.

Naisip ko na nga lang minsan bakit kaya ako naging mayaman pa? Buti pa nga yung mga may kaya lang eh. Kahit hindi sila sobrang yaman, atleast buo ang pamilya nila at laging sama-sama. Kaysa naman saking ganito, mayaman nga. Susko, 'kala mo naman walang nakatira sa bahay sa sorang tahimik.

Eto na naman ang luha kong nagbabadyang tumulo. Ganito ako kapag pagod at stress sa school. Minsan naiisip ko ang mga ganitong bagay.

Miss na miss na miss ko na sila! Sila kaya, miss na din kaya nila ako? How I wish!

Buti nalang talaga at may mga kaibigan ako na nandyan sa tuwing malungkot ako at down na down na ako. They're always there whenever I have problems and missing my family so damn much. Mayayaman din naman sila but... Ang kinaibahan namin ay nauwi ang mga magulang nila tuwing may family gatherings sila. Eh ako? Last pa yata na nakasama ko sila nang buo pa kami... I think...

10 years old palang ako?

Wow, so it's been 5 years? Wala eh. May pina-prioritize nila ang business instead of family. Wew.

I have two elder sisters. Yah, I know. I know. Tres Marias? Yes. It is. Tinatamad ako magkwento about sa kanila. Wala naman akong ikukwento sa kanila eh! Eh, nasa U.S.A. naman sila lagi kasama parents namin.

Ano ba naman yan? Ang layo na ng narating ng pagkukwento ko sa inyo. Kanina sa abnormal na yun tapos napunta dito. Anyways, sayang kanina. Makakatakas na ko e. Kung di lang ba ako nakita ni abnormal na yun. Edi sana sya lang maglilinis ng pisting DR na yun.

Anyways! Medyo nawala na naman ang pagod ko, so I guess, shower it is?

--
Narito ako ngayon sa library ng school para mag-aral at kasama ko ang isa sa mga kaibigan ko. Si Ellie. Kaibigan/pisan. Mag aaral kami para sa darating na exam. Nagtataka kayo kung asan yung lima? Ayun pachill-chill lang. Mamaya na daw sila susunod. Mga happy-go-lucky ang mga luka.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now