SL 18: Birthday Party

47 4 0
                                    

[Masyadong mahaba ang chapter na ito. Kung hindi niyo kayang basahin, it's okay. But, it'll be worth it. Promise. :*]

Lei's P.O.V.

Katatapos ko lamang mag half-bath. Duh, hindi naman ako magpupunta doon sa party na amoy-pawis 'noh. Eww. Turn-off.

I'm now wearing a spaghetti strap off the shoulder romper. Don't worry, ukay lang din ito, hihi! I'm also wearing a white Adidas sneakers.

Hindi na ako nag kuwintas at earrings. 'Yung bracelet is enough na.. Ibabalik ko na ba ito sa kanya?

Nah, actually gusto ko ng makipag-ayos ulit sa kanya. Ayoko naman na puro away-bati na lang kami. Ano kami, mga aso't pusa?

Ayoko lang masaktan ang pride ko.. kaya hindi ko pa siya kinakausap o pinapatawad. Ang taas naman kasi ng pride ko, nakakayamot.

Oh, nga pala, okay na kami ng mga ate ko. Nag-aalala lang daw sila kasi baka lumaki akong katulad nila na mga spoiled brat. Tsk. Mga palusot din nila, 'oy. Masyadong bulok.

Napagalitan sila nina Mommy at Daddy, kaya pinauwi na ulit sila sa States kasi nanggugulo lang daw sila dito sabi ni Mommy, which is true naman.

Tignan mo ang dalawang 'yun, napakagastusera. Akala mo sobrang cheap lang ng price ng pagluwas sa ibang bansa. Mga 'langhiyang 'yon.

Bago pa ako makapag-isip ng bagong topic na sasabihin sa inyo ay nag-vibrate bigla ang aking cellphone.

Mukhang sila Ysha na ito. Tamang-tama..

From: Kupal na President

Pupunta ka ba sa party mamaya? Pwede ba tayong mag-usap? Ayoko ng patagalin ang away natin, Gelay. I want to talk with you later if you're going. If not.. that's fine, pwede naman sa Lunes, 'di ba?

Gusto kong makipagbati sa'yo.. ayaw lang ng pride ko. Ang tibay ko, 'noh?

--

Puta, magseseven-thirty na yata ng gabi, wala pa din ang mga kaibigan ko! Pati tuloy si Mommy tumawag sa'kin at itinatanong kung bakit hindi daw ako magpunta sa birthday ng anak ng kaibigan niya.

Hindi ko lang masabi na, "Mommy, naebak pa si MJ, baka mamaya pa po." Edi hinambalos naman ako nitong si MJ? Isang kahihiyan din naman kasi kapag ginawa ko 'yon.

Ilang beses ko nang sinubukang tawagan ulit si Ysha, pero cannot be reached! 'Langhiya!

'Pag napuno talaga ako, susugudin ko mga 'yun sa kung nasaan man sila.

Aba, sayang ang OOTD ko, 'noh!

Nang susubukan ko na sana muling tawagan si Ysha ay bigla namang may tumawag na unregistered no. dito sa phone ko. At sino ang pukneneng na 'toh?

Agad ko din naman itong sinagot.

[Gelay!]

'Riel?'

[Yeah, it's me. Labas ka na dyan sa bahay niyo, andito na kami sa subdivision niyo. Papunta na sa'nyo.]

'Ba't ba ang tagal-tagal niyo!?'

[Aba! It's not my freaking fault! Si MJ at Ysha!]

'Ysha?'

[Oo! Silang dalawa! Aba, akalain mo ba namang tapos na si MJ at nakasakay na kami sa sasakyan tapos bigla namang nagtatakbo itong si Ysha papuntang CR! Nakakain din pala nung spaghetti na nag-halumanis! Por Dios por Santo!]

'Tsk, kung siguro andyan lang din ako, baka nanakit na din ang tiyan ko. Imposibleng hindi ako aalukin ng mga 'yan eh, at imposibleng tumanggi ako. Buti na lang talaga at hindi ako sumama dyan sa inyo.'

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now