Tumango ako at ngumiti, confused with him. Tumalikod na s'ya at naglakad paalis.

"Ang obvious masyado." Irap ni Ynna.

She flipped her long straight hair before she looked at me with her raised perfectly arched eyebrow.

"Are you taking what's mine now?" Iritado n'yang tanong.

"Oh please, Ynna." Irap ko at tinalikuran s'ya.

"Sabihin mo lang sa akin kung type mo si Lael." Sabi ni Ynna, nagsusungit pero sumasabay sa akin maglakad.

Magkasing tangkad kami ni Ynna. Parehas na balingkinitan. Mas maputi nga lang ako sa kan'ya. Minsan ay napagpapalit ang pangalan naming dalawa dahil halos magkamukha na lalo pa't parehas din kami ng ugali.

But I don't think she looks like me. Mas nanlilisik ang mga mata ni Ynna kaysa sa akin, while my eyes looks like it doesn't care. Many people say that my eyes lack emotion and it looks empty most of the time. Ibang-iba kay Ynna na laging mukhang iritado. Hers are upturned and mine are almond eyes. Parehas na matangos ang ilong naming dalawa. Her lips are thin and mine are a bit thicker.

Maybe it's the hair. Kaya nga madalas na nakatali sa mataas na pony tail ang sa akin habang laging nakalugay naman si Ynna.

"You know that I like somebody else." Malamig kong sinabi at hindi na tiningnan pa si Ynna.

"Who? Severiano na naman?" Irap ni Ynna. "Aren't you done with him already? It's been two years na pero you're still a sucker for that bastard." Maarteng sabi ni Ynna.

Kumuyom ang panga ko at hinayaan s'ya. Nagpunta kaming dalawa sa canteen. It wasn't hard to find Vaughn Savellano, ang ex fling ni Ynna pero naging kaibigan pa rin dahil maayos naman ito bilang kaibigan.

Vaughn Savellano is currently sitting on one of the largest tables in the cafeteria, may kasamang dalawang babae at kasama ang tatlong kaibigan, Tyrone, Allen, and Seve.

Agad na tumama ang tingin ko kay Seve at ang paraan n'ya ng paghawak sa baywang ng babaeng katabi. Kumibot ang kilay ko pero lumapit pa rin kahit nakakaramdam na ng iritasyon.

Ynna immediately went to Vaughn who was grinning already.

"Late dismissal?" Tanong ni Vaughn, inililipat ang tingin sa akin.

"Ynna flirted with Lael, eh." I shrugged and ignored Ynna's glare for me.

Natawa si Vaughn.

"Your famous class president?"

Tumango ako.

"Ynna's been flirting with him for quite a while now. Wala pa ring progress?" Tawa ni Tyrone.

"Hay, malapit na nga akong magsawa." Ynna flipped her hair and I rolled my eyes.

Talaga lang, ha?

Tumama ulit ang mga tingin ko kay Seve at nagtama ang mga tingin namin. I raised a brow at him and looked at the girl he's with.

Looks cheap. Like the other girls. Saang strand or track n'ya kaya napulot 'yan?

Ngumisi si Seve at nakita kong inangat n'ya pa nang kaunti ang hawak n'ya sa tagiliran ng babae, halos umabot na sa dibdib. Nagdilim ang paningin ko at nag-iwas ng tingin.

"Bibili na ako, Ynna." I told her and she looked at me with her knowing eyes.

Umirap ako at iniwan sila roon. Kumuyom ang panga ko at pumila sa isa sa mga food stalls na nandoon.

Bumuntong-hininga ako habang nakapila. Bigla kong naalala ang paraan ni Seve ng paghawak sa bago n'yang babae kanina. I felt a pang of pain in my chest and snorted when I realized that I'm hurt.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now