IamLaTigresa

87 10 5
                                    

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Kailan ba dapat isuko ang pangarap sa pagsusulat? 

-Ang alam ko ho kasi ang pangarap pinaghihirapan at pinagsusumikapan para maabot, hindi para igive up. Kung madali o naiisip mong sumuko na lang, then baka hindi talaga iyan ang totoo mong pangarap.

2. Ano ang bagay na nagmomotivate sa iyo para ikaw ay magsulat? 

-Bukod sa readers, si Mama. Gustong gusto kong makita 'yong excitement niya kapag inaabot ko 'yong bagong release na libro ko sa kanya.

3. Kapag ikaw ay nakaranas ng writer's block, ano ang iyong ginagawa? 

-I don't write kapag may writer's block ako. Alam ko kasi nabuburahin ko rin kasi mapapangitan ako. What I do is meditate, magkulong sa banyo for half an hour habang nakapikit lang sa ilalim ng shower. If hindi magwork, magkukulong ako sa room mag isa, magbabasa ng romance books o manonood ng romantic movies. 

4. Take us to that time na una mong nalaman na gusto mong magsulat? 

-Year 2000 ako nong magka interes ako sa romance books.. Nahawa kay Mama na adik sa pocketbooks. Same year, na encounter ko ang book ni Ms Martha Cecilia. Agad agad, naging instant fan niya ako. 'Yong mga story ni Ms Mc ang nagpush at nag inspire sa akin na magsulat.

5. Ano ang masasabi mo sa mga taong nais na magsulat pero nahihiya dahil takot sila na baka mabash lang sila? 

-Yong basher kasi hindi yan nawawala, nariyan lang. Writer ka man o ibang profession ang piliin mo palagi silang andyan. Kung ikaka grow ng career mo, tanggapin mo. Kung hindi naman, ignore mo.

At walang hiya hiya. Kapag pangarap mo ang nakataya alisin mo yan, hindi ka dadalhin niyan sa lugar na gusto mong puntahan. 

6. How did you discover Wattpad? 

-2014 dumaan siya newsfeed ko. I got curious kasi naghahanap ako ng site kung saan ako makakabasa ng books for free. Hehehe. Gumawa ako ng account. Hindi pa ako published author ng time na 'to. :)

7. What's the secret behind your success? 

-Parang hindi pa bagay sa' kin yong word na successful kasi alam ko sa sarili ko na maramo pa akong kailangang matutunan. But siguro para sa akin, naging open lang ako at willing to learn. Nakikinig ako sa mga advices ng editors ko at readers lalo kung alam kong constructive. And lastly at pinaka importante, kailangan lagi kang grateful sa readers at mga taong nagtitiwala sa talent mo gaano man sila kakaunti.

8. Top 3 places na gusto mong puntahan around the world? 

-Fordland National Park, New Zealand, Jeju Island and Eiffel Tower, Paris.

9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong sariling akda and tell us why we should read it. 

-Fragments of Memories I : Married at Seventeen. This is my favorite sa lahat ng kuwetong natapos ko, kasi naibuhos ko lahat ng tanong at emosyon ko sa kuwentong ito. Almost isang taon ko itong isinulat, 38 chapters lang. Hahah. 

This is my very first self redemption story, marami kang aral at hugot na mapupulot. Yong karamihan sa hugot ng heroine, hugot ko rin sa buhay noon. 70% ng personality niya, similar sa personality ko. Bale, mas makikilala ako ng reader kung mababasa nila ang kuwento.

10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers?

-I don't know what else to say maliban sa sobrang nagpapasalamat ako sa suporta ninyo, sa pang unawa at sa pag stay n'yo sa tabi ko kahit madalas mabagal ako mag update at pinapaiyak ko kayo. 

Thank you sa mga oras na ginugugol niya sa mga kuwento ko, sa mga comments, votes at pagbo boost ng confidence ko. ❤️ 

You know I'll always be grateful. Pipilitin kong makabawi sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng kuwentong mag - i - inspire sa inyo at kapupulutan n'yo ng aral. 

I love you. Always. 

La Tigresa

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now