ShexyEL

76 3 0
                                    

Hi there! Get to know the writer of Going Back to High School and Perfect, walang iba kundi si ShexyEL! Learn about her favorite books and her message to all her lovely fans. Only here on RomancePH.

 Only here on RomancePH

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Do you consider yourself as a successful writer? 

-Yes, though I'm not that famous or have a lot of followers but knowing there are few readers who appreciate my story, it is enough reason to consider myself as a successful writer.

2. Ano pa ang pangarap mong maabot bilang manunulat? 

-Tulad din ng ibang writer. Pangarap ko na makapag publish ng book. A book which will help readers to self relfect or realize something. Pangarap ko na makapagsulat pa ng maraming story upang maibahagi sa mambabasa ang kapangyarihan ng pagmamahal. Yung storya na tatatak sa puso at isip ng sino mang magbabasa nito.

3. Favorite food per category: appetizer, main course, dessert 

-Pork Siomai, Ginataang Tulingan, Ube.

4. Ano ang iyong pinaka hindi makakalimutang childhood memory? 

-Masarap balikan ang childhood memories. Isa sa di ko makakalimutan ay nung elementary ako. Nung, masyado kaming nag enjoy sa paglalaro kaya nalate kami, ang resulta napatayo kami sa harap ng black board ng nakaskwat pa.

5. Mayroon ka bang pets? Tell us about them! At kung wala naman, balak mo bang magkaroon ng pet soon? 

-Wala akong pets dahil wala akong hilig sa ganito pero madami kaming pusa at aso sa bahay, mahilig kasi ang papa at kapatid ko.

6. Paano ba mag sulat ng isang effective na love story? 

-Kailangan alam mo kung ano ang emosyon ang gusto mong ihatid sa mambabasa. Dapat ba kiligin o masaktan ang mababasa sa eksenang kanilang binabasa? Kailangan malinaw ito upang maging epektibo ang love story na sinusulat mo. Ang simpleng pagtikim, pagtingin o paggalaw ng tauhan ay importante upang maipahatid ang tunay na emosyon na gusto mong iparating.

7. Ano ang iyong paboritong pelikula? 

-Midnight sun. Sobrang deep kasi ng story na 'to. Kahit tragic ng ending.

8. Tell us a secret. 

-If I tell it to you guys, it will no longer be a secret. So, keep ko na lang. Hihi. ♥️ 

9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong sariling akda and tell us why we should read it. 

-Lahat ng akda na ginawa ko ay may espesyal na parte sa puso ko pero ang pinakapaborito ko ay ang 'Going back to High School' dahil ito ang kauna unahang fantasy lovestory na sinulat ko. I brought so much effort in this story, from the lines, facts, characters and all. Hindi ko akalain na makakaya kong gumawa ng isang story na fantasy ang genre. I highly recommend this because it will surely bring you back in your High School days. Ibabalik ka nito sa pinaka masayang yugto ng buhay mo. Mapapareminisce kang talaga sa taong 2008 up to 2012! Maalala mo lahat ng kajeje-an mo! Mapapangiti ka dahil maiisip mong minsan mo ding ginawa o naranasan ang ginawa ng mga pangunahing tauhan sa storyang ito. kikiligin ka ng sobra! Iyon ang maipapangako ko sayo kung babasahin mo ang Going Back to High School.

10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers?

-Sa mga readers, I can't thank you enough for reading my stories. Kayo ang dahilan kung bakit ginaganahan akong mag update o magsulat pa. Yung simpleng pag votes o comment, kinikilig ako sa mga iyon! Thank you so much! I hope you continue supporting my stories lalo na ang 2nd Best! I love you, lovelies.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now