selimwarrior

152 15 12
                                    

Get to know the author of Crush Kita! at Mahal Kita! on a deeper level. Curious ba kayo sa celebrity crush niya and her message to her fans? Then please read on this exclusive interview with selimwarrior!

 Curious ba kayo sa celebrity crush niya and her message to her fans? Then please read on this exclusive interview with selimwarrior!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. If magkakaroon ka ng librong na-publish, sino ang una mong bibigyan? 

-I'll give it to my Mom since sinususportahan niya ako sa pagsusulat ng stories. 

2. Kung maiiwan ka sa isang deserted island na isa lang ang pwedeng makasama, sino ang pipiliin mo

- My father. Iba kasi talaga kapag may kasama kang parent eh. Iyong presence nila hahanap-hanapin mo kahit saan ka magpunta. 

3. Saan ang iyong dream destination at bakit? 

-I want to go in Japan. Why? Because I'm really curious on how people live on that country. Napaka-organize kasi talaga and since I love anime, I also want to visit this country to get some anime mechandise lol. 

4. Tell us about your first celebrity crush. 

 -Jaeden Wesley Lieberher Martell. I discovered him in IT movie. Supposedly horror dapat iyon pero wala eh, kinilig ako sa kaniya hahaha 

5. Ano ang iyong mga goals para sa taong ito? 

- Sana makapublish ulit ng book at makapagtapos pa nang maraming libro. I also wish na sana magtapos ako with flying colours sa darating na school year. 

6. Ang sa tingin mo ang iyong biggest accomplishment? 

-Biggest accomplishment ko as a writer ang makatapos ng libro at maipublish ito. "A Search for Love" ang kauna-unahan kong libro na naipublish at iyon ang isa sa inspirasiyon ko kung bakit ninanais ko pa na madagdagan ang mapupublish kong libro. Hindi kasi madali na matupad ang pangarap na ito dahil dalawang beses din na nareject iyong manuscript ko ng ibang mga Publishing house. Halos di talaga ako makapaniwala nang malaman ko na nakapasa iyong manuscript ko sa pangatlong pagkakataon ng aking pagpasa dahil hindi na talaga ako umamasa. Well, it's God blessing. Sabi nga nila, expect the unexpected.

7. Ikwento sa amin ang pinaka nakaka kilig na Wattpad experience mo. Ito ba ay with the first ever vote you received? 

-No. Ang pinakanakakakilig na wattpad experience ko ay ang makatanggap ako ng comments sa libro ko na interested sila rito. Dahil doon nagkaroon ako ng lakas ng loob na tapusin ang kauna-unahan kong libro na hindi ko inaasahan na matatapos ko sa madaling panahon. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa mga feedbacks at private messages sa akin ng mga readers ko na nagsasabing inspirasiyon nila ako. 

8. Mayroon ka bang genre na natatakot na isulat? 

-Meron. R-18 hahaha Strict parents ko sa part na ito. Kaya natatakot ako na lumagpas ako sa imahinasiyon ko habang nagsusulat. Some writer even dared me to write one pero masunuring bata ako eh. char Pero I know one day darating din ang tamang oras at maisusulat ko din iyan. For now, light romance muna besides pwede namang mag-enjoy ang mga mambabasa ko kahit walang bed scenes sa sinusulat ko.

9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong akda and tell us we should read it. 

-Jigsaw Hearts and Love Scars. Iyan ang mga libro ko na gusto kong i-share sa inyo. Iyan kasi iyong mga libro na saobrang nag-enjoy ako habang nagsusulat. Iyan din iyong mga libro na masasabi kong nakita ko iyong improvement ko as a writer. Hindi kayo magsisisi na basahin ang mga ito---ayon na rin sa mga readers na nakabasa ng mga libro kong ito na totoo naman na nag-abang sa bawat kabanata hanggang sa matapos.

10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers? 

- To my readers, thank you. My heart is full of happiness and gratitude for your unwavering support on my stories. Thank you for inspiring me. Alam kong lagi kayong nagpapasalamat kasi nai-inspire ko kayo but the truth is kayo talaga ang gusto kong pasalamatan dahil naa-appreciate niyo ang mga librong isinusulat ko. Salamat dahil andiyan kayo para samahan ako sa journey ko. Salamat sa readers ko na bumili ng libro ko at sinabing worth it ito. Gusto kong malaman niyo na ang kasiyahan ko lang ay ang ma-inspire kayo at may matutunan kayo sa mga libro na ginagawa ko. 

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now