mairisian

119 8 6
                                    

Are you ready for another exclusive treat? Get to know the writer of To Love Again and Malditah Series 1: My Married Life mairisian as she talks about her ideal person, dreams and more!  

Are you ready for another exclusive treat? Get to know the writer of To Love Again and Malditah Series 1: My Married Life mairisian as she talks about her ideal person, dreams and more!  

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Bukod sa pagiging writer, ano ang iyong dream sa buhay? 

 -Ang maging culinary chef. Mahilig kasi akong magluto.

2. What's your worst habit? 

-Ang pagiging babad ko sa phone. Grabe, hindi ko maiwasan pag nasa bahay lang ako at walang work.

3. Anong time-clock niyo po sa pagsusulat? Anong oras kayo nagsusulat? 

-For me, walang time clock sa pagsusulat. Because everytime I generates some scenes in my head. Gusto ko isulat ko agad iyon everywhere I am. Except nalang pag nasa work.

4. Anong genre ng kuwento ang gusto niyong isulat? 

-I choose sexy-romance with some drama. Feeling ko kasi doon ako magaling. (Haha)

5. If magkakaroon ka ng librong na-publish, sino ang una mong bibigyan? 

-My ultimate bestfriend's cousin. Dahil kasi sa kanya natuto akong magbasa noong HS pa ako ng mga pocketbooks. Doon ko rin nasabi sa kanya, na sana maging writer din ako someday at naalala pa pala niya nang sinabi kong yun.

6. Kung maiiwan ka sa isang deserted island na isa lang ang pwedeng maksama, sino ang pipiliin mo? 

-Hindi na po ako magpapaipokrita sa tanong na ito. (Haha) Malamang isang tunay na lalaki. Yung lalaking tinatangi ng puso ko, yung lalaking magpapasaya sa akin kahit pa nagaalala ako kung anong buhay ang mangyayari sa amin sa islang iyon. 

7. Saan ang iyong dream destination at bakit? 

-Marami akong dream destination. Pero ang pinaka gusto kong mapuntahan kahit noong bata pa ako, ang bansang Mexico. Noon kasi mahilig akong manood ng mexican telenovela, ang astig rin ng lengguwahe nila kaya para sa akin ang ganda-gandang pumunta roon at para ma meet ko narin si Thalia. (Haha)

8. What's your ideal person? 

-A person with one word. Isa talaga yun sa gusto ko dahil ayaw ko kasi ng paasa talaga na tao. At isang tao rin na marunong makinig, masasabayan ang gusto ko and also a man that know how to cook. Napaka romantic na kasi sa isang babae na maipaghahain ka ng taong mamahalin mo. But lastly, a man who will stay forever till my last breath. I hope God will give me that kind of person. Yun ay kung handa na akong magmahal muli na hindi masasaktan. (Charut) 

9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong sariling akda and tell us why we should read it. 

-I choose my story on Wattpad Paid Program. "To Love Again" Para sa akin ay pinaka the best siya, I wrote it with a filled with emotions, heartaches and suffering. Maniwala kayo sa hindi, lumuluha ako sa part kung saan masakit na masakit na yung nagiging situation ng bidang babae, feeling ko kasi ako yun e at grabe, ramdam na ramdam ko yung sobrang sakit. Nagmahal narin ako at nasaktan, kaya ramdam ko siya. Isa pa po, maraming aral ang pwedeng makuha sa kwento, kahit pa may pagka sexy-romance siya. (Haha) yun lang. 


10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers?

-Sa mga mahal kong taga subaybay.Sana po huwag kayong magsawang suportahan ako, at lalo na sa ipa-published kong mga akda sa taong ito at sa mga susunod pa. Thank you rin, dahil sa inyo ay medyo nakilala ako at nakilala ang mga akda kong naisulat. I love you with all my heart po. God bless us always. 

 Best, 

-Mairisian

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now