ANAtheCowgirl

216 8 0
                                    

Halika't sabay nating kilalanin ang writer ng Alphabet of Erotica Series and Paid Story writer na si ANAtheCowgirl! Learn more about her celebrity crush, aspirations at message para sa kaniyang mga fans. 

Samahin rin kami sa pag silip sa love advice na ibinigay ni Ana para sa isa nating heartbroken reader sa Dear RomancePH: Your Survival Guide on Loving.

Samahin rin kami sa pag silip sa love advice na ibinigay ni Ana para sa isa nating heartbroken reader sa Dear RomancePH: Your Survival Guide on Loving

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang bagay na nagmomotivate sa iyo para ikaw ay magsulat?

 - Ang mga bagay na kadalasang nagmomotivate sa akin para magsulat ay kape, inspirasyon at mga readers ko. Coffee keeps me awake. Inspiration helps me imagine scenes that I can write, and I don't stop until I've written them. At siyempre, mas lalo akong napapasulat sa tuwing pinapaalala sa akin ng mga readers na nandito sila at naghihintay sa susunod na kabanata. 

2. Kapag ikaw ay nakaranas ng writer's block, ano ang iyong ginagawa? 

- Sa tuwing nakakaranas ako ng writer's block, pinagbibigyan ko ito na ikonsumo ako. Para sa akin, ang writer's block ay isang senyales na kailangan ng isip na magpahinga. We all deserve a good rest and to relax a bit. Iyon ay kapag napapasobra ka na sa pagsusulat o masyado ka na nape-pressure sa pag-iisip ng mga eksena. 

3. Ano ang masasabi mo sa mga taong nais na magsulat pero nahihiya dahil takot sila na baka mabash lang sila? 

- Sa mga nais magsulat, ayos lang na matakot dahil sa mga pangba-bash. Pero itutulak at itutulak ka pa rin ng pagmamahal at passion mo sa pagsusulat para magpatuloy. So just prepare yourself. You can't avoid encountering one every once in a while! You already know that you will encounter them, so what is there to fear? If you already know they exist before you start writing, then you have the advantage to prepare yourself before you even meet them! 

4. Sa lahat ng sinulat mo, alin sa mga iyon ang pinaka-paborito mo at bakit?

- "Peak" ang pinakapaborito kong akda dahil sa tuwing binabalik-balikan ko ang istoryang ito, hindi ko maintindihan kung paano ko siya naisulat. It is just too good beyond my standards. Basta, in-love ako sa kung paano ko ito nasulat. Dito ko rin nailabas ang hilig ko sa action-spy genre. Isa na rin sa dahilan ay ang pagdala sa akin ng nobelang ito sa Russia at Pulau Sapi, Malaysia kahit sa imahinasyon pa lang muna.

5. Ano ang maipapayo mo sa mga baguhang manunulat? 

- Ito ang maipapayo ko para sa mga baguhang manunulat: laging maging handa, at alagaan ang sarili. Follow instructions when joining contests and learn to discern constructive criticism from disrespect. 

6. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong akda and tell us we should read it.- Isa sa mga paborito kong akda ay ang "The Tale of Despereaux" ni Kate DiCamillo. Sa likod ng tila inosenteng libro, may mga metaphor ang istorya na sobrang applicable sa tunay na buhay at maire-relate mo sa iyong sarili. Isa sa mga pinakamasakit at tumatak na linya ng istorya sa akin ay: "I will have something beautiful. And I will have revenge." 

7. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers? 

- Thank you for always being there for me, and for inviting your friends to join us, hahaha <3 I love you all, my dearest readers. 

8. Saan ang iyong dream destination at bakit? 

- Dream destination ko talaga ang Russia, kasi may ilang mga lokasyon ito na parang pang-fairytale; tulad ng mga onion domes at palasyo nila. 

 9. Tell us about your first celebrity crush. 

- My first celebrity crush is Thomas Anders. Hindi niyo kilala kasi 80s singer siya, vocalist ng bandang Modern Talking. XD Basta cute siya nung 80s, tapos long-haired. Malakas ang appeal sa akin ng mga lalaking long-haired tapos bagay sa kanila. Ilang beses na akong nagsulat ng mga karakter na long-haired dahil dito. Thank you, Thomas, hahaha <3 

10. Ano ang iyong mga goals para sa taong ito? 

- Isa sa mga goal ko para sa taong ito ay katulad din nung nakaraang mga taon, to find ways on becoming a better person and a better writer.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now