kulinnn_

82 9 13
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Ang Lagim ng Unang Pagsinta na si kulinnn_! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Ang Lagim ng Unang Pagsinta na si kulinnn_! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang iyong maipapayo sa ibang manunulat?

"Alam kong nagsusulat ka dahil mahal mo ito kaya sana ay magpatuloy ka lang sa pagbabahagi ng magagandang kwento. Siguro tulad ko, may mga pagkakataong panghihinaan ka ng loob, pero sana ay mahanap mo sa puso mo ang saya kapag nagsusulat ka. Isulat mo ang nais mong isulat."


2. Ano ang pinakapaborito mong naisulat na akda sa ngayon at bakit?

"Shattered Hearts. Bukod sa ito ang unang akda na naisulat ko, naging pinto rin ang akda kong ito para makilala ang mga kaibigan kong writers. At espesyal ang kwentong ito sa puso ko dahil matagal na sa isip ko ang mga characters ko rito."


 3. What inspires you to write?

"'Yung kagustuhan kong mabigyan ng buhay'yung mga kwento sa isip ko. Noong una iyan lang talaga, gusto ko lang sumulat ng kwento. Pero nadagdagan na iyon ngayon. Naiinspire ako sa mga kaibigan kong nagtutulak sa akin na 'wag isuko ang bagay na ito. 'Yung mga kaibigan kong nagbibigay ng kumpyansa sa akin."


4. What can you say about the prompt?

"Nakakatakot? Char. Hindi na bago ang mga kwento ng ganoong nilalang sa atin pero ang gawan ng kakaibang kwento tulad ng nasa promot ay malaking challenge."


5. How did you come up with Aghoy: My Little Guardian?

"Nagbasa lang ako ng tungkol sa Aghoy at ilang beses na nag-isip kung ano ba ang magandang kwento. Naging inspirasyon ko rin ang lugar dito sa amin. Tulad kasi sa kwento, may daan dito na wala masyadong bahay. Doon ko inihalintulad ang lugar nila Althea. Habang iniisip ang daan na 'yon gumagawa ako ng senaryo sa isip ko. Hanggang sa nabuo ko ang kwento ng Aghoy: My Little Guardian."


6. Ano ang mensahe mo sa iyong mga bida na sina Cein at Althea?

"Cein at Althea, magkaiba man kayo pero pinatunayan n'yo na hindi sa katauhan nasusukat ang pagmamahal ng bawat isa. Masaya akong maisulat ang kwento n'yo. Mananatili kayo sa aking puso."


7. Kung malalaman mo na ang iyong sinisinta ay hindi katulad nating tao, tatanggapin mo ba siya? Bakit o bakit hindi?

"Siguro naroon ang takot sa umpisa pero matatanggap ko siya. Dahil ganoon naman tayo. Basta nagmahal tayo, kahit ano pang katangian o ugali ang mayroon sila nagagawa natin 'yong yakapin ng buong puso. Kaya kung malalaman kong hindi tulad kong tao ang kasintahan ko, buong puso kong mamahalin kung ano pa siya."


8. When did you start writing in wattpad?

"December 15, 2020. Tandang tanda ko iyan dahil mag-isa akong naka-quarantine ng mga panahong iyan. Sinubukan ko lang naman para may mapaglibangan. Hindi ko alam na aabot dito."


9. How did you come up with your username?

"Nickname ko sa side ng father ko ang usernam ko. Kaysa umisip pa ng iba, iyon na lang ang ginamit ko. Namimiss ko rin kasi na may tumatawag sa akin ng ganoon."


10. What is your message to your co-contest writers?

"Tara magpatuloy sa pagsali sa ganitong contest. Bukod sa nahahasa ang pagsusulat natin, nakakatuwa rin na magkaroon ng kaibigan na nakikilala natin dahil dito. Sana ay makasama pa kita sa iba pang writing contest ng RomancePH."


Writer's CatalogWhere stories live. Discover now