loveisnotrude

94 7 22
                                    


We're back! Excited na ba kayong makilala ang writer for today's interview? RomancePH gladly presents to you an exclusive interview with loveisnotrude. Halina't mas kilalanin pa natin siya. 

1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. What's the story behind your username/pseudonym?

Halos lahat ng nagtatanong sa akin nito ay ini-expect na makabuluhan ang kahulugan sa likod ng aking username o pseudonym na "lovesinotrude", but the truth is, ang funny ng story behind it—well, at least for me, sobrang funny niya. Ganito kasi iyon:

Year 2015, bago ako mag-sign up sa Wattpad, nag-iisip na ako ng puwede kong gamiting username. Tamang-tama, I was writing a YA Romance novel that time habang nakikinig sa kanta ni Miss Yeng Constantino. Ito na nga—the funny part of the story: In my five years on Wattpad, every time na may nagtatanong sa akin about the story behind my username, ang sagot ko palagi ay, "Nakuha ko lang iyan sa adlib ng kanta ni Miss Yeng na Jeepney Love Story." And yesternight (May 9), sinampal ako ng katotohanan ng mga kaibigan kong writers (shout out to some of the GR peeps) na hindi pala sa kantang Jeepney Love Story ang adlib na iyon kundi sa Pag-ibig! And I was like, "Is this the feeling of the Top 10 Anime Betrayals na meme?"

Anyway, you've read it right—sa kantang "Pag-ibig" ko nakuha ang "loveisnotrude", sa part ng adlib ni Miss Yeng. See? Hindi makabuluhan, 'di ba?

2. Kung may isa kang genre na nais mo ring subukan pero takot kang gawin, ano po ito?

It's not that "takot akong subukan" ang genre na ito kundi literal na takot akong magsulat sa genre na ito—and it's none other than . . . Horror!

Honestly speaking, matatakutin talaga ako in real life. And as a writer na ang lala nung takbo ng imagination kapag nagsusulat ng mga eksena, every time na sinusubukan ko ang Horror na genre, ang nagiging dating ay parang tinatakot ko lang ang sarili ko. Gano'n kalala. Kaya kahit gustuhin ko mang magsulat ng nakatatakot na kuwento, hindi talaga kaya ng puso ko.

3. Ano ang motivation mo sa pagsusulat?

Deadlines. HAHAHAHAHA EME!

Motivation? Hmm . . . Sarili ko kasi motivation ko, e. Like, I'm writing for myself. Don't get me wrong, ha? Yes, nagsusulat ako para mabasá ito nang nakararami (specifically ng mga readers ko—kung meron man) pero bago iyon, nagsusulat talaga ako para sa sarili ko. Because I, myself, want to tell a story. I personally want to share it. Kaya nga bago ko ipabasá sa iba ang mga isinusulat ko ay dapat ako muna ang masa-satisfy. Ako muna ang mag-e-enjoy. Ako muna ang dapat magandahan dito. In that way, I don't need any kind of validation na from others. Iyong tipong, hindi man nila magustuhan ang isinulat ko, ayos lang sa akin. Kasi una pa lang, hindi ko naman isinulat iyon para sa kanila. Saka literal na sarili ko talaga iyong pinaka nagpu-push sa akin to write, tell, and create stories.

4. Sinong character sa iyong akda ang maihahalintulad mo sa iyong sarili?

Wala akong specific na maibibigay kasi sa dami ng mga characters na nalikha ko, nagbibigay ako ng kapiraso ng pagkatao ko sa kanila. Like, hindi ko lang kasi ibinubuhos sa isang character iyong buong personality ko. Hinahati ko ito at saka ko kino-contribute sa bawat character na ginagawa ko.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now