yumenanashi

37 1 0
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng April Blues na si  yumenanashi! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng April Blues na si  yumenanashi! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ano ang iyong inspirasyon para sa iyong winning entry na "445: Tayo Lang Naman?" 

"Sa katunayan, walang pinagmulang ugat kung bakit ko naisulat ang maikling kuwento na 'to. Ang tanging naisip ko lamang noon ay ang kasagsagan ng summer season noong panahon na iyon; at dahil hindi pa ako puwedeng magbakasyon, e, sa pamamagitan ng pagsusulat ay mararanasan ko ito—iyon nga lang, break up-themed ang kuwento."


Nais mo pa ba na ulit sumali sa mga susunod na contests? 

"Ang mga oportunidad sa pagsusulat ay laging nariyan, talagang minsan e, pinapangunahan ako ng katamaran at bulto-bultong doubt sa sarili kaya hinahayaan ko na lamang na anurin ito papalayo sa akin. Pero kung magkakaroon man ako ng 'drive' at maganahang sumali, hinding-hindi ko ito palalagpasin."


Ano ang iyong maipapayo para sa mga baguhang manunulat? 

Ugaliing mag-SHABU. 

 S - ana ay panatilihin mong mag-alab ang iyong pasyon sa iyong ginagawa't hilig, lalo na sa larangan ng pagsusulat. 

 H - uwag kang matakot sa mga kritisismong darating, bagkus ay gawin itong inspirasyon na magpursige. 

 A - ng iyong mga hinabing salita ay maaaring magbigay-liwanag sa ibang kapwa kaya magtiwala ka sa iyong sarili. 

 B - igyang halaga ang bawat tagumpay na nakamit, maliit man ito o malaki. 

 U - galiing magkape sa araw-gabi—biro lamang—araw o gabi nalang pala. 


Ano pa ang iyong goal sa pagsusulat? 

"Nais kong mailahad ang aking mapaglarong imahinasyon sa mga mambabasa at mapabatid."


Ilang taon ka nang magsimulang magsulat? 

"Katorse ang edad ko noong nang mapukaw ang aking interes sa pagsusulat. Nakahiligan ko noon ang pagsusulat ng mga tula dahil panahon iyon ng pag-usbong ng 'spoken word poetry' sa makabagong pagbabahagi ng sining. Kalaunan, nagsusulat na rin ako ng mga maikling kuwento at iilang screenplays para sa klase. "


Mayroon ka bang rules sa pagsusulat? 

"Sa totoo lang, inaaral ko ang mga tamang paraan sa pagsusulat subalit hindi ko rin naman nasusunod kalaunan [tumawa]. Kaya ayon, malayang pagsusulat ang ginagawa ko (pero hindi talaga ito advisable, nyark!)" 


Mayroon bang kilalang tao na naging insipirasyon para sa isa sa iyong mga karakter? Sino ito at bakit?

"Wala sa partikular. Karamihan sa kanila ay tampok sa mga ordinaryong taong ating nakakasalamuha sa paligid na may mga sari-sariling kuwento sa buhay."


Ano ang iyong greatest fear bilang writer? 

"Iyong naliligaw pa rin ako kahit alam ko namang ito ang bagay na gusto kong gawin."


Ano ang iyong akda na nais mong ibahagi sa amin? 

"Wala pa gaanong laman ang aking profile pero isa sa mababahagi kong akda ay ang 'darling delusions', tandaan lamang na mag-ingat sa mga babalang inilathala 'pagkat ang ibang bahagi nito ay naglalaman ng sensitibong konteksto."


May mensahe ka ba para sa iyong mga mambabasa?

"Hello ! Kung sino ka man o kung ano ka man (kahit robot ka na hindi pumasa sa captcha test), lubos akong nagpapasalamat na pinaglaanan mo ng oras ang aking /mga/ akda at binigyang pansin ito [pang-FAMAS awardee na iyak, charot!]. Nawa'y suportahan niyo rin ang mga kapwa kong bagong manunulat u___u. Wala na akong masabi pa, basta salamat. Mag-ingat ka lagi at stay hydrated (*˘︶˘*)"

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now