clam11th

8 1 0
                                    


Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Ripple of Unexpected Encounters na si clam11th  ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Ripple of Unexpected Encounters na si clam11th  ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang unang tumakbo sa isipan mo nang mabasa mo ang tungkol sa patimpalak at ang tema nito? Ano ang inspirasyon mo sa pagsulat ng FLIP N SIP? 

Ang unang tumakbo sa isipan ko ay gusto ko pong i-challenge ulit ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsali sa patimpalak kahit hindi ko forte ang romance, na-excite din po ako dahil interesting at magaganda ang prompts. At sa pagkakataong 'yon ay balak kong bigyan ng happy ending naman ang mga characters ko.

Ang inspirasyon ko po sa pagsulat ng FLIP N SIP ay ang dalawang tipo ng tao na nakikita ko sa social media, ang palaging nagrereklamo at ang nag-po-post ng encouragements/motivations. Pati na rin po ang kanta ni Zack Tabudlo na Asan Ka Na Ba. 

2. Paano ang iyong writing process? 

Gumagawa po ako ng guide, pinaka-importante po ay ang magiging character development and/or plot twist. Sinasama ko rin ang theme at prompt kapag short story at entry po sa contest para hindi lumayo ang plot ng story. Kapag may chapters naman po, may outline ako na keywords lang per chapter. Minsan may character profile po pero madalas naka-mental note na lang ang about sa characters (e.g. personality, physical appearance, voice) pati target na bilang ng chapters at word count. Ang pag-re-research ko naman po ay minsan bago simulan ang story o kaya habang sinusulat ang story. Ang self-editing ko naman po, minsan per chapter o kaya kapag completed na ang story.

3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay sa isa sa mga kwentong naisulat mo, alin ito at bakit? 

Pipiliin ko po ang We Can't See You dahil connected po rito ang ibang stories kaya may appearances ang ibang characters. Ito rin ang pinaka na-enjoy ko pong isulat so far dahil sa mga bida at settings.

4. Ano ang iyong greatest fear as a writer?

Maging victim po ng false accusations.

5. Kung may nais kang puntahan na lugar, saan ito at bakit? 

Japan, dahil sa sceneries, para din makabili po ng official merch ng mga paborito kong anime at makabisita sa manga cafe. 

6. Favorite food?

Chocolate 

 7. Sino ang iyong first celebrity crush?

Milla Jovovich (Ultraviolet) 

8. Ano pa ang iyong goal sa pagsusulat? 

Sa ngayon, matapos po ang bagong ongoing story ko at maisulat pa ang ibang mga nasa lineup. Manalo sa Wattys. Magkaro'n ng published book and to keep improving.

9. Ano ang iyong maipapayo sa ibang manunulat?

Focus on self-improvement, set goals, and enjoy the process. 

10. May mensahe ka ba para sa iyong mambabasa?

Maraming salamat po sa pagbibigay ng chance sa mga stories ko 

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now