zyronzester

54 1 0
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng April Blues na si zyronzester! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng April Blues na si zyronzester! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ano ang iyong inspirasyon para sa iyong winning entry na "Malaya?" 

"Gusto ko talagang nagsusulat ng mga sakitan na scenarios—tapos realism pa. Solid yung gano'n for me. Nakakabuhay ng dugo. Kaya sobrang hyped talaga ako magpasa for April Blues. Una kong pinakinggan yung Paubaya at Malaya ni Moira, pero hindi enough yung sakit para mapilit akong magbuhos ng mga salitang maikli lang pero tagos na agad sa puso. No'ng pinakinggan ko yung Kalachuchi ng Munimuni, doon lang dumaloy nang maayos yung mga salita. Naging kalmado yung utak ko. Wala pa yatang isang oras, tapos ko na agad. Isang araw pa naman ako abutin tuwing nagsusulat.And yes, freedom.As a gay and a Christian, matagal ko nang pinaghaharap—kung hindi man kailanman maipagtatagpo—yung radically different concepts of liberation between the gay community and the Christian community. I do not mean to undermine anyone's experiences, dahil hindi ko naman kilala ang bawat bakla, Kristiyano, at mga baklang Kristiyano. Nandoon si Ian to speak for himself and those who resonate with him; isang bakla all his life who genuinely found solace revolutionizing his identity at the streets with Aaron . . . yet later realize na hindi na siya para doon. Pagod na siya. Hindi na siya malaya. Kaya no'ng nadiskubre niyang may sariling daan para sa kanya, natatakot man, sumubok siya."


Nais mo pa ba na ulit sumali sa mga susunod na contests? 

"As an unnecessarily competitive guy, oo naman! xD Actually, nasimulan kong sumali sa The Fire Ladies dahil sa pag-introduce ng friend kong si Endee sa amin doon. Sobrang nag-enjoy ako sa pagsulat ng entry ko for women's month. Saka nahahasa rin kasi yung sipag ko sa pagsulat dahil may time, style, at word-count constraint, at yun talaga ang kailangan ko—challenge. Habang sinasagutan ko nga 'to, nakapagpasa na rin ako ng entry sa Behind The Vows. Hehehe."


Ano ang iyong maipapayo para sa mga baguhang manunulat? 

"Ay, atras na, beh. HAHAHAHAHA JK! Ang hirap talaga ng tanong na 'to. No'ng nagsulat kasi ako no'ng 2014, gusto ko lang talagang magbida-bida, eh. Nando'n yung simple joys kahit walang nagbabasa o nagco-comment. Nando'n yung kahit mema lang at korni, walang pakialam. Hindi ko inisip no'ng una na, "ay, gusto ko maging writer kase *insert many noble reasons here*." Walang gano'n. Gusto ko lang talagang may sabihin. Gusto ko lang na sumubok dahil ang cute ng mga nababasa ko noon, ta's ang sarap lang sa feeling kapag ako na yung bumubuo ng sariling mundo. Siguro start from there. Ano bang gusto mo? Kwento mo lang. Hindi mo kontrol kung sinong matutuwa sa gawa mo, pero makokontrol mo kung anong kwento ang natutuwa ka tuwing ibinabahagi mo. Kapag puno ka, nagbibigay ka, hindi nanghihingi. Kapag umaapaw ka, bumubuhos ka, hindi sumasalok. Pero ang catch, we are empty-handed people. Walang manunulat na may laman agad. Lahat tayo, nanlilimos ng inspirasyon mula sa sari-saring karanasan. Kaya tumanggap ka muna mula sa mundo; para kapag oras na ng pagbabalik, bunga na lang lahat ng pasasalamat. O galit? O lungkot? Ewan. Kanya-kanya tayo, eh."

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now