Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Eleven.

"Oh nasaan na ang pasalubong?" I joked

"Kapal talaga ng mukha mo, ngayon ka nga lang pupunta nanghihinga ka pa ng pasalubong?! Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko!" Sigaw naman ni Esran at nagtawanan naman kaming lahat.

"Oy tama na mga bata!" Saway sa amin ni Iron, tawa kami ng tawa dahil mukha siyang pirata. May eye patch kasi ang kaliwa niyang mata.

"Maka-bata naman to! Magkakaedad lang tayo dito" sabi naman ni Blast, halatang nagdidiet itong si Blast. May girlfriend na kasi kaya nagpapa-pogi

"You guys never change do you?" Sabi naman ni Melo. Englishero pa din siya at weird. He's even more successful and we're all proud of him. Officially basted na rin siya kay Esran. Wala na talaga siyang pagasa at bestfriend lang ang tingin sa kanya ni Esran.

"Change change ka dyan, kumain ka na nga lang" Sabi naman ni Nich sa kanya. Enjoy na enjoy pa rin ang isang to sa married life niya. Sayang nga lang ay hindi niya kasama ang magina niya.

"Tama ka dyan! Kumain nalang tayo!" Sabi naman ni Alystra

"Teka, hindi ka pa naghuhugas ng kamay" Paalala sa kanya ni Eleven.

Going strong pa din silang dalawa, sweet pa rin sila. Mas busy ngayon si Alystra dahil reporter na siya at may documentary series pa siya. Wala namang pinagbago kay Eleven. He's still a nurse, mas mataas nga lang ang sweldo niya ngayon dahil ilang years na siyang nagtratrabaho.

"Bakit ang tagal dumating nung pancit na inorder natin? Melo sermonan mo nga yang mga chef mo" Sabi naman ni Neivan. Neivan's been really busy with his career. Puro trabaho ang inaatupag niya at swerte na nga lang na nandito siya.

"Ikaw nalang kaya magluto?!" Sigaw sa kanya ni Larkin.

"Oo nga! Akala mo ba madali magluto?!" Sigaw naman sa kanya ni Crystal

Crystal and Larkin went through a lot in 3 years. I can't even imagine the pain they've experience and their struggles.

I'm so glad they lived.

Nagkwentuhan kami habang kami ay kumakain. Mga kwento, mga tawanan, at asaran.

Just like the good old days.

"Mas masaya sana kung nandito si Kalirea no?" Sabi ni Crystal habang nakangiti

"Nako! Talaga yung babaeng yun! Di na nagpakita" Sabi ni Blast

"Kung nandito yung babaeng yun, mas maingay tayo! Mangaasar lang yun" sabi naman Alystra

"Nasaan na ba kasi si Kalirea?" Tanong ni Nich

"Babalik rin yun, you know her." Sabi ni Iron

"Yeah, tiwala lang. Babalik siya" Sabi naman ni Neivan

I know she will. She promised me that she will come back.

10 PM na nang matapos ang reunion namin. Gusto pa nila uminom pero hindi na ako sumama sa kanila dahil maaga pa ako bukas.

Nagdesisyon akong maglakad lakad muna bago umuwi. Malamig kasi at masarap maglakad kapag gabi. Gusto ko rin kasing magisip isip.

3 years have gone by, I finished medical school and I'm already an intern. Sa tatlong taon na iyon ay wala akong inatupag kundi ang medical school. I didn't take the money like everyone suggested. I just worked my butt off to finally graduate since Tito Kalix stopped sponsoring me. Wala na akong balita dun, ang alam ko lang ay nasa ibang bansa ito ay inaasikaso ang kanyang business.

Mahal nga kasi kitaWhere stories live. Discover now