33

318 13 0
                                    

Minsan pag nagmamahal ka, hindi mo na naiisip ang sarili mo. Hindi mo na napapansin na habang binubuo mo ang isang tao ay sinisira mo na pala ang sarili mo. 

Pero ano nga ba ang magagawa mo?

Mahal mo eh

-//-

Maaga kami nagising ni Esran dahil ngayon ang Bachelorette Party at ang Ladies' night out namin ni Crystal. Meron ding Bachelor party si Larkin but we don't know anything about it. 

"Esran, paabot nga nung lotion ko" pakiusap ko kay Esran, inabot naman niya ito sa akin. 

"Excited na ako sis, saan kaya tayo kakain?" tanong sa akin ni Esran

"Pagkain lang talaga habol natin dito eh" sabi ko at parehas kaming natawa dahil pagkain nga lang talaga ang pinunta namin dito sa Korea.

"Alam mo ang saya saya ko kaya! Di natin kasama yung mga lalaki ngayon." sabi ni Esran

"Lalaki? O yung isang lalaki lang?" biro ko

"Sis, naiinis talaga ako dyan kay Melo. Bestfriend ko siya, pero alam naman nating iba tingin niya sa akin eh." sagot naman ni Esran, nakatingin siya sa salamin at sinusuklay ang kanyang buhok.

"What do you feel about it?" Tanong ko sa kanya, habang ipinapahid ang lotion sa aking mga braso.

"Sanay na ako, ano ka ba? Its been 9 years. Its just may mga times na ngapaka protective niya sa akin, akala mo jowa ko eh. He's the reason kung bakit wala pa akong jowa" Sagot sa akin ni Esran.

"Eh bakit kasi hindi nalang siya jowain mo?" Tanong ko naman.

"Di ko siya gustooo"

"I figured" Sabi ko at natawa ng mahina

Melo is a great man, loving someone who can't love him back. I know it hurts him but he's loving the wrong person. Why? Because he's destroying himself in the process of loving Esran. 

Nagbihis na ako at naglagay ng make-up. 

I'm wearing a black oversized hoodie and a denim roll up high waisted shorts. This is one of my favorite hoodies. Bigay kasi ito ni Marco as a Christmas gift. He has the same one, kaya minsan akala ng iba ay naghihiraman kami sa iisang jacket. Tapos kapag ineexplain ko sa kanila, sasabihin naman nila sa akin na parang couples jacket daw. When clearly, it isn't.

Si Esran naman ay naka simpleng T-shirt lang na yellow at shorts lang din. The reason why we dressed so simple today ay dahil sabi ni Crystal ay magshoshopping daw kami at pupunta sa iba't ibang lugar. 

After we finished preparing, nagpunta kami sa kwarto ni Alystra para sunduin siya. We knocked on the door and agad agad itong bumukas. Alystra is also done preparing and like us, simple lang rin ang pananamit niya. Alystra usually wears casual clothes, so it wasn't a big deal for us to see her wearing just a simple t-shirt and shorts.

"Tulog pa si Eleven, tara na" sabi ni Alystra at lumabas ng kanyang hotel room.

Crystal is downstairs, waiting for us in the lobby. Bumaba na kami at nakipagkita kay Crystal. When we saw her, nakasuot lang rin siya ng simple clothes but dahil ibang level ang ganda ni Crystal, she looks good with anything. Kahit siguro magsuot yan ng kumot o kurtina ay maganda pa rin siya.

"Tara na?" Aya ni Crystal

"Let's go" We went outside the hotel, and we decided to ride a taxi instead because we'll be walking a lot and bringing a car isn't ideal for our trip. It's just the four of us since Alissa couldn't make it. After this, we'll be going into a bar and Alissa couldn't leave Yna alone so she won't be able to come with us.

Mahal nga kasi kitaWhere stories live. Discover now