BWY 17: One Nightmare

75 0 0
                                    

"Oh Luwie, are you sure you're okay? Don't you think you're over doing everything."

Natigilan siya sa ginagawa nang makita si Carly na papasok sa pintuan ng opisina nito. Magdadalawang araw na ang nakalipas mula nang makalabas siya sa ospital, sa nakalipas na araw na iyon ay nagawa niya ang pinapa-revise na parte ni Raiyan kaya agad siyang nagtungo sa opisina ng iDREAMS para ipasa ito. Ngunit pagdating niya roon ay nabanggit sa kanya sa reception na wala ang binata kaya si Carly na lang ang hinanap niya.

"Ayos na ako, noong isang araw pa naman ako nakalabas at nakapagpahinga na rin naman ako ng husto. Oo nga pala," sabi jiya pa sabay abot sa kaharap ng dala-dala niyang envelop.  "Iyan iyong pinaparevise sa akin ni Raiyan na part, hindi ko alam kung ia-approve niya na niyan pero pakibigay na lang sa kanya."

"Pasensiya ka na sa kapatid kong iyon kung pinapahirapan ka masyado. Nagkulang kasi iyon sa aruga noong mga bata pa kami, palaging masungit at mainit ang ulo kaya ayun hanggang ngayon dala-dala " natatawa namang sabi nito sa kanya.

Muntik na rin siyang mapangiti sa sinabi nito ngunit pinigilan lamang niya ang kanyang sarili.

"Ayos lang naman sa akin iyon. Isa pa, baka marami rin siyang iniisip sa trabaho kaya naiintindihan ko naman kung bakit siya ganon. Ako na lang mag-a-adjust."

Sa pagtatakha niya ay biglang itinigil ni Carly ang ginagawa nito at saka tumitig sa kanya. Sinipat nitong maiigi ang mukha niya na para bang may hinahanap na kung anu roon.

"B-bakit g-ganyan ka makatingin?" naguguluhan namang tanong niya.

"Wala naman, bago lang sa pandinig kong ipinagtatanggol mo siya." nagdududang sabi nito sa kanya sabay balik sa ginagawang pagtingin sa envelop na iniabot niya.

"H-hindi ko naman siya pinagtatanggol, may mga pagkakataon pa ring ang sarap niyang tirisin... ang ibig kong sabihin eh may mga pagkakataon pa rin na mainitin ang ulo niya pero naisip ko rin na siya pa rin naman ang masusunod. Isa pa, gusto ko rin talagang matapos itong project sa inyo nang maayos dahil ayokong biguin si Mr. Go."

"At ayaw rin naman naming sumuko ka. Alam mo bang sa lahat ng mga naging candidate namin para sa project na ito ay ikaw na ang pinakamatapang."

"Ha? M-matapang, paano mo naman nasabi?"

"Tinatanong pa ba iyan? Nakita mo naman siguro kung gaano kapili iyong kapatid ko, isa wala pa akong nakikitang taong nakakasabay sa kanya kapag mainit ang ulo niya, ikaw pa lang." Sa pangalawang pagkakataon ay muling huminto si Carly sa ginagawa nito at saka tumingin sa kanya. "Kaya I'll give all the credit to you, keep it up." dugtong pa nito sabay kindat sa kanya.

Hindi na niya alam ang isasagot rito kaya ngumiti na lamang siya.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Carly ay nagpaalam na siya rito at nagpasyang bumalik sa trabaho.

Dalawang araw na niyang hindi nakikita si Lin at pihadong nag-aalala na ito sa kanya, kinailangan nito maglamay ng ilang trabaho dahil sa deadline kaya hindi na siya nito nadalaw pa sa bahay. Tanging si Rica lang ang nag-asikaso sa kanya na akala mo mas matanda pa sa kanya kung pagsabihan siya.

"Bakit ba kasi nagpapakapagod ka, ayan tuloy nagkakasakit ka." anito sa kanya habang inilalapag ang pagkaing inihanda nito para sa kanya sa harap niya.

Hindi siya hinahayaan ng kapatid na magkikikilos simula nang makauwi siya mula sa ospital, ito ang lahat ng umako ng lahat ng gawain sa bahay, bagay na hindi nito parating ginagawa.

"Ikaw ata ang may sakit," sabi niya rito nang maupo ito sa tabi niya. "Ang sipag mo eh."

"Para namang may iba pang kikilos dito eh may sakit ka nga. Hayaan mo na at minsan lang naman iyan, sa susunod kapag galing mo eh ako naman ang babawi sa iyo. Matagal-tagal pa naman tayong magsasama, I swear babawian kita."

Be With YouWhere stories live. Discover now