BWY 15: It's You

41 0 0
                                    

Mag-aalas diyes ng umaga nang mapagpasyahan niyang sumaglit sa ospital kung nasaan si Mang Carlo. Dala ang sandwich at isang cup ng kape para kay Lira ay agad siyang nagtungo sa Ward kung saan ito dinala. Hindi pa man siya nakakalapit sa pintuan ng ward ay nagkakagulo na ang mga tao papasok sa loob nito. Napatakbo naman siya at nakita si Lira habang takot na takot na pinagmamasdan ang tatay nitong pili na nirerevive ng isang doctor.

Nabitawan na ni Luwie ang dala niya at agad na nilapitan ang dalaga, inalo niya ito habang patuloy sa pag-iyak dahil sa nakikita hanggang sa tuluyan nang mapahagulgol nang tumigil ang doktor.

"Hiwag po kayong tumigil, iligtas po ninyo ang papa ko. Parang awa na ninyo, huwag po kayong tumigil!" nagsumamo si Lira sa mga taong naroon ngunit katahimikan lang ang sinukli ng mga tao roon sa kanya.

"Ate, sabihan mo sila na huwag tumigil. Parang awa mo na, parang awa mo na dok, iligtas mo ang papa ko. Hindi pa siya pwedeng mawala, hindi pa pwede." hanggang sa lumuhod na ang dalaga sa harap ng mga taong naroon.

Mabilis niyang inalalayan na makatayo ang dalaga, maging siya ay nanlalambot na rin ang tuhod ngunit nilakasan na lamang niya ang loob niya. Itinayo niya si Lira at hinayaang makalaput sa ama nito.

"Time of death, 10:20am." deklara ng doktor nang hindi na nito ma-revive si Mang Carlo. Kasabay naman noon ay ang pagbawas ng kahuli-hulihang segundo sa life clock nito.

Pumalahaw ng iyak si Lira nang mayakap ang ama, napuno ng kalungkutan ang paligid at ang iyak lamang ni Lira ang tanging maririnig doon. Kinausap nito ang ama, kinausap niya ito na para bang nahihimbing lang itong matutulog, humingi ito ng tawad at sinabing makakapagpahinga na ito ng mapayapa.

Sa huli ay wala ng nagawa pa si Luwie kung hindi ang aluin na lang ang dalaga. Wala na siyang ibang nagawa pa rito kung hindi ang kahit papaano ay pagaanin ang bigat na nararamdaman nito sa pagkawala ng ama.

At nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang naisip kung hindi ang kapatid na si Rica. Hindi niya lubod maisip kung paano na ito kung siya naman ang mawala, ang isiping labis itong iiyak at malulungkot ang mas makapagpabigat ng nararamdaman niya.

She felt helpless at hindi niya kakayanin ang bagay na iyon.
-----

Mag-aala una na ng hapon nang magising siya nang masama ang pakiramdam. Mag-aalas dos na soya ng madaling araw nakauwi dahil kinailangan noya pang tulungan si Lira para asikasuhin ang ama. Hindi niya alam kung bakit pero nagsimula siyang mag-alala para rito, lalo na nang malaman niya wala na itong makakasama. Nasa probinsiya ang halos lahat ng kamag-anak ng mag-ama na nagpasya namang lumuwas nang malaman ang sinapin ni Mang Carlo.

Wala siyang ibang maramdaman para kay Lira kung hindi awa. Halos wala naman nang maiiiyak ito dahil sa hinagpis ng biglaang pagkamatay ng ama na ngayon ay payapang nang nakaburol sa isang purenarya.

"Ate, p-paano niyo pong nalaman na mawawala na si tatay?" Hindi nito naiwasang tanungin siya nang mailagak si Mang Carlo sa pagbuburulan nito.

Saglit siyang hindi nakapagsalita, hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ng dalaga. Nakatitig siya sa puting kabaong ng matanda habang inaalala ang unang pagkakataong nakita niya ang lifeclock nito. Pagkatapos ay binalingan niya si Lira at saka ngumiti.

"Mabait ang tatay mo, Lira. Palagi ka niyang ikinukwento sa akin sa tuwong maisasakay niya ako sa taxi ninyo. Ang sabi niya ay masaya siyang ikaw ang naging anak niya."

Pagkasabi niyang iyon ay lalo namang gumuhit ang lungkot sa mukha ni Lira. Paminsan-minsan ay pinupunasan nito ang mga matang nahihilam sa luha dahil sa pagdadalamhati sa pagkawala ng tatay nito. Muli niyang inalo ang dalaga at marahang tinapik ang likod nito, wala na siyang iba pang masabi dahil sa hindi maipaliwanag na bigat na nararamdaman niya sa dibdib niya.

Be With YouWhere stories live. Discover now