BWY 9: Raiyan Who?

51 7 47
                                    

Kahit pa nasa trabaho na ay pilit pa ring inaalala ni Luwie ang mga nangyari kagabi, may ilan siyang tagpong naaalala pero hindi lahat at kabilang doon ang pangyayaring nasampal siya ng babaeng hindi niya naman kilala.

Wala sa loob na nasapo niya ang kanang pisngi, para bang ramdam pa rin niya ang paghapi noon at nang tignan niya ang sarili sa maliit na salami sa mesa niya ay napansin niyang tila namumula pa.

"Ayos ka lang ba?" bigla siyang nag-angat ng tingin at nakutang papalapit si Lin sa kanya na may dalang isang tasa ng kape.

Napahawak siya lalo sa setodo niya nang makita ito at saka siya yumuko at isinubsob ang ulo sa mesa.

"Tell me hindi ako gumawa ng kagagahan kagabi."

Nasa harapan siya ng kompyuter at kanina pa may binabasa ngunit wala ni isang pumapasok sa utak niya. Kasalukuyan rin siyang tumitingin ng bagong kwento na ipu-roofread niya ngunit para bang hindi gumagana ang utak niya mang mga sadaling iyon kaya minabuti niyang tumigil muna.

"Wala kang matandaan sa nangyari?"

"Bukod sa pakiramdam ko ay nasampal ako kagabi," at saka siya umiling paglatapos. "Wala nang iba pa. May alam ka ba? Anong nangyari kagabi?"

"Sire ka na iyon lang?"

Tumango naman siya bilang tugon sa kaibigan. "Ang sakit ng ulo ko."

"Paano ba namang hindi sasakit iyan eh nilaklak mong lahat ng beer na sinerve sa atin kagabi. Nahiya sa 'yo yung mga tomador ng sambayanang Pilipinas, girl."

Natigilan siya at saka nag-angat ng tingin kay Lin.

"Ano ngang nangyari?"

"Nangyari?" nakita niyang umupo si Lin sa upuang nasa harapan ng mesa niya. "Wala kang maalala?"

"May dapat ba akong maalala?"

"Raiyan Luis Alcantara,"

"Raiyan... who?"

"Hala! Iyong presidente ng iDREAMS."

"Ah, iyong antipatiko. Ano namang meron sa hambog na iyon? Wala akong pakialam sa kanya, bakit siya napasok sa usapan?"

"Why don't you ask him yourself para malaman mo ang buong detalye ng nangyari kagabi."

"At bakit ko naman siya tatanungin? Isa pa, ayoko nang pumunta sa iDREAMS. Ayoko nang makita ang pagmumukha niya."

"Sinong nagsabing kailangan mong pumunta ng iDREAMS para makausap siya?"

"Anong ibig mong sabihin?" napatitig siya sa kaibigan at napalunok habang hinihintay ang sagot nito.

"Well, iyong antipatiko lang naman na sinasabi mo eh nandito ngayon at kausap si Mr. Go sa opisina niya." maiksing pahayag ni Lin. 

"Bakit nandito siya?"

"From what I heared ay matalik na kaibigan ng lolo nila si Mr. Go. Ang sabi pa ng ilang mga mas matatagal dito ay palagi naman daw narito iyang si Raiyan para dalawin iyong matanda, pero iba raw ang pagbisitang ito. Mukhang seryoso raw iyong antipatiko pagpasok nang opisina ni Mr. Go. Parang galit pa nga raw."

Bigla na lang nakaramdam si Luwie ng kaba. Naisip niyang paano kung sabihin nito lay Mr. Go ang nangyari lahapo sa iDREAMS pati na rin ang engkwentro nila sa isang bar kagabi. Paano kung bigla siyang ipatanggal nito sa trabaho at kung totoong malaput ang pamilya nito kay Mr. Go, paano niya mapagpapatuloy ang naumpisahan niya?

"Oo nga pala, siya rin ang naghatid sa iyon kagabi. Nag-collapse ka pagkatapos kang sampalin noong babaeng kasama nila. Hindi ko alam kung papaano kitang iuuwi kaya nagpresinta siyang iha-"

Be With YouWhere stories live. Discover now