BWY 20: Determined Luwie

32 0 0
                                    

"Anong sinabi mo?"

Tinakpan niya ang tenga niya nang tila mabingi sa halos sabay na sabi nila Lin at Rica ng mga salitang iyon. Ito ay matapos niyang sabihin ang balak niya sa dalawa matapos niya itong yayain na kumain sa labas.

"You're living with whom? T-teka, hindi ako makasanod, girl. Parang nabibingi ako." Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Lin sa kanya.

Tinignan niya ito na mukhang nalilito pa rin sa nangyayari tapos ay tinignan niya si Rica na mukha namang mas relax na at kalma.

She then look at her, seriously staring her bago ito nagsalita.

"So, sinasabi mo na aalis ka ng bahay para tumira sa bahay ng iba?" Kalmadong sabi nito sa kanya ngunit hindi iyon nagtagal dahil mayamaya pa ay bigla na lamg tumalim ang tingin nito at saka siya bahagyang pinagtaasan ng boses. "Ano ka teenager?"

Maging si Lin ay natigilan nang marinig nito si Rica, tinignan lang siya nito at saka iminuwestrang tatahimik muna siya.

She knows her sister, they both do at alam nilang dalawa na pwedeng maging walang preno ang bibig nito lalo na kapag dating sa mga nagiging desisyon niya sa buhay.

Luwie can still recall that she did the same thing, sinigawan rin siya nito nang malaman nito na hindi siya tumuloy sa school na dapat ay papasukan niya noon dahil kailangan niyang unahin ang magtrabaho para sa kapatid niya.

At dahil sa maaga silang naiwan na dalawa ay walang ibang magawa si Luwie. She gave up her dream school and strive para mabuhay sila. She worked parttime

She can see frustration in her eyes, at tulad noon ay hindi ito marunong magtago ng emosyon. She thought that her sister is the type of person  who will bluntly show and tell you how she feels about something na para bang ito ang panganay sa kanilang dalawa at siya ang bunso.

"Paano kang titira sa bahat ng isang lalake eh wala ka namang boyfriend, wala kang ipinapakilala sa amin ni Ate Lin at higit sa lahat... wala akong kilalang lalakeng magtsatyaga sa kawirduhan mo." Dirediretsong sabi nito sa kanta na siya namang ikinagulat niya at ikinatulala.

"Hoy, huwag mong kalimutang ate mo pa rin ako."

"Ate nga kita pero hindi ka naman nagpapakaate sa mga desisyon mo."

Bigla siya napahiya sa mga sinabi nito sa kanya, what Rica said feels like a stone hitting her in the head and waking her up to her senses.

Saglit siyang nabalik sa reyalidad, then she look at the back of her palm after, seeing her lifeclock slowly decreasing this time.

90 days 23 hours 30 minutes and 10 seconds

At pabawas iyon ng pabawas habang nag-uusap sila.

May tatlong buwan na lang siya paraabuhay at kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon ay hanggang doon na lamang siya. Kaya naman kailangan niyang ipaintindi kay Rica ang lahat without her knowing the truth, atl least not this early.

Hindi pa ngayon, and this is not the right time for her to know that she'll be gone in three months time.

Dahil sigurado siyang kapag nalaman ng kapatid niya na tatlong buwan na lang silang magkakasama ay magiging mabigat iyon para rito.

At hindi niya iyon kakayaning makita.

They are both what's left with each other, simula ng mawala ang mama at papa nila ay wala nang ibang nagdadamayan kung hindi sila lang na magkapatid kaya hindi niya alam kung paano niya sasabihin dito ang lahat at kung paano nito tatanggapin iyon.

She doesn't want to know, at least not now.

Dahil ang importante ay mapahaba niya pa ang oras niya kahit na konti pang panahon.

"I have to and I have my reasons for doing this."

"Reason? Anong dahilan?" Nagsimulang mag-usisa si Rica, Luwie knows that she's trying her best na intindihin ako pero sa hulit ay iling lang ang isinagot ko sa kanya.

"You'll know it when it's the right time, pero pagbigyan mo muna ako, ha? I'll be okay, hindi ako mapapaha-"

"You know I don't trust you ate," she stops her from talking. "Ilang beses ka nang muntik na mapahamak because of your wrong judgement. Ilang beses ka ng nawalang na oportunidad dahil sa mga desisyon mo na akala mo makakabuti sa iyo. Well reality check ate, your decisions are not the type na pwedeng pagkatiwalaan so better tell me what's happening bago pa ako mainis ng tuluyan."

"Not now, Rica."

"Hep, wait lang kasi." Si Lin iyon na inawat na silang magkapatid bago pa mapunta iyon kung saan. "Pwede bang kumalma muna kayong dalawa? Pwede ba iyon?"

"Pagsabihan mo iyang ate ko, Ate Lin. Mukhang kailangang alugin ng utak para matauhan." Then Rica stood up, and left their table.

Lumabas ito ng cafe bitbit ang gamit nito at saka naglakad palabas at palayo sa kanila. Wala naman nang nagawa pa si Luwie, she tried to follow her pero pinigilan siya ni Lin.

"Maybe it's best to let her be, nagulat iyon sa sinabi mo kaya ganoon na lang ang naging reaksyon niya. Well, kahit naman akp nagulat."

"Alam ko naman iyon, at alam ko rin na nag-aalala lang siya sa akin but I have to do this, Lin. I have to do this dahil wala akong choice."

"Ano ba kasi 'to, Luwie? At sino namang lalake ang isasama mong tumira sa iyo?"

"Raiyan Alcantara."

Halos lumuwa ang mata ni Lin nang marinig nito ang pangalang binanggit niya.

"H-ha? T-teka, tama ba ako ng dinig?"

"Si Raiyan, as in Raiyan ng iDreams?" Muli itong nagtanong na agad naman niyang tinugon ng pagtango.

"Yes,"

"Wait lang," she tried her best to absorb everything. Tumahimik muna ito saglit, marahil para iproseso ang mga sinabi niya rito. "You mean to say si Raiyan Luis Alcantara ang lalakeng niyaya mong tumira kasama mo? Bakit?"

"Remember when I told you that my lifeclock stopped nung minsan na hawakan ko siya? It happened again at this time ay hindi lang ito huminto, for some odd reasons, my time is inscreasing kapag malapit siya sa akin o sa tuwing hinahawakan ko siya."

"Totoo ba?" Hindi naman makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"Noong una ay hindi ko rin mapaniwalaan ang nangyayari. Akala ko coincidence lang na makitang humihinto ang life clock ko kapag nandiyan siya but it seems na totoo ang lahat." Tapos ay tinignan niya ang kaibigan ng buong pagsusumamo. "Lin, ayoko rin namang gawin ang bagay na ito pero wala akong ibang pagpipilian. I want to live, at least a little longer than what I have right now. Gusto kong makasama pa kayo, ikaw at si Rica. Gusto ko pang magawa iyong mga bagay na gusto ko at gusto ko pang maranasan ang lahat ng pwede kong maranasan habang may oras pa ako."

"Pero Lu-"

"And I am making it happen. Gagawin ko ang lahat para magawa ang mga iyon kahit pa umabot ako sa pagiging desperada asking him to live with me."

"Teka, alam niya ba iyong sitwasyon mo?"

"He doesn't have to know, Lin. Hahayaan ko na lang na isipin niyang nababaliw na ako. I am okay with that kung kapalit naman noon ay konti pang panahon para makasama ko kayo."

Narinig niyang bumuntong-hininga si Lin. Tapos ay hinawakan siya nito sa kamay at pinisil iyon nang marahan.

"Then do your best to convince Rica about what you're planning to do. Mahal ka noon at alam kong natatakot lang siya para sa iyo pero maiintindihan ka niya, she's a bright kid, mature mag-isip at kapag ipinaliwanag mo sa kanya kung bakit mo gagawin ang bagay na iyon, I think she will accept it."

"Ayokong malaman niya na mamatay na ako at iiwan ko na siya matapos lang ang tatlong buwan, Lin."

"Then don't tell her that, think of other reasons or ways to convince her, Luwie."

Siya naman ang napabuntong-hininga.

Alam niyang hindi magiging madali ang lahat pero hindi niya alam na ganito iyon magiging komplikado.

But she's willing to do whatever it takes.

At wala nang makakapagpabago pa ng isip niya.

Be With YouWhere stories live. Discover now