BWY 13: I Had A Bad Day

36 1 0
                                    

"Saan ka pupunta?" hinarang pa siya ni Lin habang palabas sa opisina nila. Nakasalubong niya ito na may bitbit na isang kahong halos hindi nito madala-dala.

"Sa iDREAMS, nag-set ng biglaang meeting sina Carly kaya sasaglit ako doon bago magpunta sa printing house."

"Okay, sige na at mabigat 'tong dala ko."

"Bakit kasi ikaw ang nagbubuhat niyan? Nasaan si Leo?" inilibot pa niya ang paningin sa buong opisina para hanapin si Leo ngunit hindi niya ito makita kahit saan.

"Huwag mo nang hanapin iyon, wala kang mapapala roon ngayon. Inutusan ni Mr. Go, pinapunta yata sa isa nating writer."

"Ganon ba?"

"Oo ganoon, kaya lumayas ka na diyan sa dadaanan ko at baka ipabitbit ko pa 'tong dala ko sa iyo."

Mabilis siyang gumilid para bigyan ng daan si Lin, nagpaalam muli siya dito at saka tuluyan nang lumabas. Naghintay siya ng taxi na pwedeng parahin nang makalabas siya. Agad namang may huminto sa harapan niya hindi katagalan at mabilis siyang sumakay roon.

Dahil abala sa sa paghagilap ng cellphone sa bag niya ay hindi niya napansing tinatawag na pala siya ng driver ng taxi na sinsakyan niya. Tinignan niya ito sa salamin at nagulat pa siya nang makilala niya ito.

"K-kuya," bigla niyang bulalas rito. Lalo niyang hindi nakita ang cellphone niya dahil natuon ang atensyon niya sa driver, ang parehong taxi driver na nakilala niya noong isang gabi.

"Buti naman at natatandaan niyo pa ako. Kamusta po kayo?" nakangiting bati nito sa kanya habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"O-oo naman po. T-teka, ayos lang po ba kayo?"

"Ayos lang ma'am,"

Mayamaya pa ay huminto ang trapiko dahil sa stop light. Doon niya sinamantala ang pagkakataon at humilig pahap sa gawi ng driver, nagulat man ay nginitian lang siya nito habang siya naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita niya.

Mabilis siyang umayos ng upo habang halos pagpawisan dahil sa nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang mararamdaman at kahit pa malamig ang loob ng sasakyan dahil sa aircon nito ay ramdam pa rin niyang para siyang pinagpapawisan.

"Ma'am, ayos ka lang ba?"

Pinilit niyang ngumiti sa matanda, bago alanganing tumango. Bigla ay napahawak siya sa likod ng kanang palad niya, nandoon pa rin ang life clock niya at patuloy na nababawasan pero hindi iyon kasing bilis ng pagbawas sa life clock ng taxi driver.

Makalipas pa ang ilang saglit ay narating na nila ang tapat ng building ng iDREAMS. Hindi pa niya namalayan ang paghinto ng sasakyan kung hindi pa sa pagkuya ng driver sa atensyon niya.

"S-salamat po." iyon lang ang nasabi niya pagkatapos niyang iabot ang bayad at saka siya bumaba.

"Thank you rin, ma'am."

Ngunit bago pa man makaalis nang tuluyan ay taxi na sinakyan niya ay muli niyang kinatok ang binatana nito. Agad namang binaba ng driver ang salamin ng bintana para marinig ang sasabihin niya.

"A-ayos lang po ba kayo? Wala po ba kayong kakaibang nararamdaman?" nag-aalalang tanong niya rito.

Agad namang napansin ng driver kilos niya, nagtataka man ay magiliw pa rin nitong sinagot ang tanong niya.

"Wala naman, ayos lang naman ako. Ikaw, ayos ka lang ba? Namumutla ka kasi kanina pa, gusto mo bang ihatid kita sa ospital?" ito naman ang kinakitaan niya ng pag-aalala nang tanungin siya nito.

"A-ayos lang po ako." sabi niya eito bago kumuha ng ballpen at papel sa bag niya. Sinulat niya roon ang pangalan at numero niya bago inabot sa matanda. "Ito po iyong number ko, pwede po ba ninyo akong i-text para makuha ko po iyong number ninyo? Gusto ko po sana kasi kayong kunin na regular na taga hatid kapag may pupuntahan ako."

Be With YouWhere stories live. Discover now