BWY 10: To Meet You Again

49 6 36
                                    

Ilang saglit pa ay nasa tapat na siya ng pintuan ng opisina ni Mr. Go. Nakasarado iyon ay at nakalagay roon ang karatula nitong "Do Not Disturb".

Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa nabasa, nakagawian na ni Mr. Go na maglagay ng ganoong mga paalala sa pintuan ng opisina nito tuwing ayaw nitong magpaistorbo o kaya ay may kausap ito sa loob. Ang sabi nito sa kanya nang minsang tanungin niya ito tungkol sa mga nakapaskil doon ay upang hindi na raw mag-aksaya pa ng oras ang mga tao na kumatok sa pintuan niya at upang hindi sila maistorbo ng kausap niya.

Lihim na natawa si Luwie, saglit ay parang nakalimutan niya ang pakay ng pagpunta niya sa opisina ng matanda, nakatingin lang siya habang binabasa ang mga letra na nakapaskil sa pintuan. Hanggang sa dumating si Lin na hinampas pa siya sa braso, tinignan niya ito ng masama habang sinesenyasan naman siyang huwag maingay.

"Don't tell me mag-de-demand ka ng apology sa lalakeng iyan."

"Lin, hindi ko na aaksayahin pa ang oras ko sa paghingi ng apology sa antipatikong 'yan. Baka maputi na pati itim ng mata ko, hindi pa rin siya nagso-sorry sa akin."

"Eh bakit nandito ka?" usisa pa nito sa kanya.

Magsasalita pa sana si Lin ngunit sinenyasan niyang ito naman ang tumahimik, kaya sa huli ay pabulong na lang siyang kinausap nito.

"Eh ano ba kasing binabalak mo?"

"Aalamin ko kung bakit siya narito."

"Hindi ako nainform na chismosa ka na rin pala ngayon."

Muli niyang sinenyasan ang kaiban upang manahimik at saka nagpatuloy sa pagdiin ng tainga niya sa pintuan upang pakinggan sana ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Wala siyang marinig kaya pinagbuti niya pa ang pakikinig ngunit hindi siya handa sa mga sumunod na nangyari. Walang anu-ano ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Mr. Go, ikinagulat niya pa iyon dahil halos dumantay na siya rito para lang makausyoso sa pinag-uusapan nila. Ang mas hindi niya pa napaghandaan ay ang pagbungad ng lalakeng kinaiinisan.

Nataranta na siya nang tuluyan, dahilan para mawalan ng balanse dahil na rin sa pagkakahilig sa pintuan. Pilit man niyang bawiin ang balanse ay huli na ang lahat dahil, nagulat na lang ang mga taong natoon maging si Raiyan nang diretso siyang bumagsak sa binata. Mabuti na lang at naagapan siya nitong masalo dahil kung hindi ay maghe-hello siya sa malamig na semento.

"Luwie?" narinig niyang sabi ni Mr. Go mula sa likod ng binatang ngayon ay hawak-hawak siya. "Anong ginagawa mo rito? Ikaw rin Lin?"

Hindi niya magawang maitaas ang ulo niya at umayos ng tayo dahil sa kahihiyang dulot ng posisyon niya. Ipinanalangin niyang sana ay lamunin na lamang siya ng lupa dahil sa nangyari, hindi pa rin siya gumalaw, narinig na lang niyang nagsalita ang lalake ng may malamig at matigas na tono.

"Tapos ka na ba, ang bigat mo eh. Baka naman gusto mo nang umayos ng tayo?"

Pagkarinig noon ay mabilis pa sa alas-kwatro na umalis siya sa pagkakasandig dito at saka tumabi kay Lin. Tumikhim pa siya habang inaabala ang sariling ayusin ang hindi naman magulong buhok pati na rin ang damit niya. Naging malikot rin ang mata niya at sinigurong hindi magtatama ang tingin nila ng lalake. May ilang ulit niya nang pinagalitan ang sarili sa isip niya dahil pakiramdam niya'y pahingang-pahiya siya sa nangyari.

"May problema ba, Luwie? Lin? Bakit narito kayo sa opisina ko?"

"P-po?" sa isang iglap ay nawala sa isip noya ang balak niyang gawin. Halos pamulahan siya ng magkabilang pisngi habang nakatingin sa matanda at sa katabi nito.

"G-galing po kami ng pantry, na-curious kami dahil may nakapaskil sa pintuan ng opisina niyo," si Lin na ang nagsalita oara sa kanila. "Na-curious po kasi kame, ngayon na lang ulit kami nakakita ng ganito sa pintuan ninyo kaya huminto po kami saglit."

Be With YouWhere stories live. Discover now