BWY 19: Let's Live Together

28 0 0
                                    

"Live with me," walang kurap na sabi niya habang nasa harapan niya at nakatingin lamang sa kanya si Raiyan.

He doesn't seem surprise, in fact ay wala siyang mabasang reaksyon sa mujha noon at tanging blangkong ekspresyon lang ang ipinapakita nito sa kanya.

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko tum-"

"Hindi ako bingi, narinig kong lahat ng sinabi mo."

"I-iyon naman pala, bakit hindi ka nagsasalita?" She almost mumbles, dahilan para hindi halos marinig ni Raiyan ang sinasabi niya.

"Can you speak louder, wala akong maintindihin sa mga sinasabi mo."

"Akala ko ba narin-"

"Narinig ko nga," then he looks at her na para bang sinusukat nito ang mga tinging ibinabato sa kanya.

She was always curious kung anong sasabihin nito sa kanya oras na sabihin niya rito ang gusto niyang sabihin. May ilang araw rin niyang pinag-isipan ang bagay na iyon at ilang pagkakataon na mula nang subukan niyang ilang ulit na kausapin ito, hanggang sa ngayon lang siya naging matagumpay.

Hindi niya alam kung paanong mapapapayag ei Raiyan gayong alam niya ang ugali nito at sa totoo lang ay ayaw niyang gawin ang bagay na iyon, pero wala siyang ibang magawa.

She has to do it dahil iyon lang ang paraan para mapahaba pa ang buhay niya.

At sa ayaw o sa gusto man niyang aminin ay kailangan niya ito.

She needs him more than anything and anyone in this world.

Kaya naman inipon niyang muli ang lahat ng tapang niya at saka ulit ito hinarap. Bumuntong-hininga pa siya at saka tumitig dito bago muling nagsalita.

"Live with me, kailangan mo ng writer para sa project mo. Kailangan kita para matapos 'to kaya magsama tayo." Halos kumabog nang husto ang puso niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Marahin ay iniisip nitong nasisiraan na siya ng bait o hindi kaya ay may iba siyang gustong marating pero hindi na iyon ang nasa utak niya.

She needed to do something to survive or atleast prolong what's left of her dahil hindi pa siya handa, hindi niya pa kayang mawala. 

Hindi pa pwede.

Tumingin lang si Raiyan sa kamay niya, partikular sa likod ng palad niya na hawak niya ng mga sandaling iyon. It was as if he's looking at something tapos ay umangot  ang tingin nitong iyon sa mukha niya.

He's blankly staring at him na para bang sinusukat nito ang mga tinging ibinabato niya habang siya naman ay naghihintay lang ng isasagot nito.

"What is it for me kapag pumayag ako sa gusto mo?"

"I'll be able to finish this project of yours, you can do whatever you want me to do sa project na 'to at hinding-hindi ako kokontra."

"Does that mean... I can also do whatever I want with you?" He looks her in the eyes, tapos ay kusa siyang umiwas doon dahil mistula itong apoy na nakakapaso.

"A-anong whatever you want?"

"Whatever pleases me, lahat-lahat!"

"P-pwede bang may exemption?"

Pero sa halip na sagutin nito ang kabadong tanong niya ay narinig lang ni Luwie ang pagtawa nito, pero hindi iyon basta kaswal na pagtaw. May halo iyong panunuya at pang-aasar.

"At sa tingin mo ba... ganon lang iyon kadali? Why would you think na papayag ako sa gusto mo? Sino ka ba?" Saka siya nito matalim na tinignan bago muling kumilos upang buksan ang pintuan.

"Dahil gagawin ko ang lahat para mapapayag ka, I wanted it so badly that I am willing to do whatever it takes para lang makumbinsi kita." Muling sabi ni Luwirle na siyang otomatikong nagpatigil sa pagkilos ni Raiyan.

His hand is left hangin on the doorknob, he can sense full determination with her words at alam niyang seryoso si Luwie sa mga binitiwan nitong salita sa kanya.

"I wanted to live, I want to make the most out of what's left for me at gusto kong matapos ang project na 'to. At magagawa ko lang ang mga bagay na iyon kung papayag kang tumira sa iisang bubong kasama ako."

"Tell me, Luwella." Bumaling ng tingin sa kanya si Raiyan, hinarap siya nito at saka muling tumitig sa mga mata niya na para bang binabasa nito kung ano ang naroon. "Bakit ako?"

She just smile at him, hindi rin niya alam ang sagot sa tanong nito dahil kahit siya ay nagtatakha rin na makitang tumitigil ang life clock niya at nababawasan iyon nang dahil sa presensya ng binata.

Umiling siya bilang tugon bago nagsalita. "Hindi ko rin alam kung bakit ikaw, basta ang alam ko lang ay ikaw ang kailangan ko ngayon. Kailangan kita at gagawin ko ang lahat para mapapayag ka sa sinasabi ko."

"What if I declined,"

"Then you'll have an unfinish project at hindi ko na magiging kasalanan ang bagay na iyon." She held onto her hand, habang marahang hinahaplos ang likod ng palad niya.

Her lifeclock stopped again and that's not it, its gradually increasing at that very moment.

Nadadagdagan ang oras niya at iyon ay dahil kaharap niya si Raiyan.

Muling tinignan ni Raiyan ang kamay niya at sala ito nagsalita, ang buong akala niya ay tatanggihan muli siya nito knowing that he might be thinking that she's crazy at na nasisiraan na siya na ulo.

Who would invite a guy to live with her kahit na mortal niya itong kaaway at alam niyang hindi sila magkakasundo?

At sinong matinong babae ang basta na lang magyayaya sa lalake na tumira kasama ito gayong wala pang isang linggo na magkakilala sila.

She must be crazy, and she will continie to be crazy for an assurance of a longer time in her life clock.

She wants to be with Rica, siya na lang ang meron ito kaya naman gusto niyang bago man lang siya mawala ay maihanda niya ang kapatid niya. Gusto niya pang magsulat at higit sa lahat ay gusto pa niyang gawin ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa bago siya mawala, gusto niya pang maranasan na magmahap at mahalin.

That's her reason at kahit pa ang kasamaan ng ugali at pagiging antipatiko ni Raiyan ay hindi mahahadlangan ang mga gusto niyang gawin.

"Sige, let's live together."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito sa kanya, she wanted him to agree with her pero hindi niya alam na magiging ganoon iyon kadali.

"H-ha? A-anong ib-"

At bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay bigla siyang hinawakan ni Raiyan sa kamay niya kung nasaan ang life clock niya at saka marahan siyang hinila papalapit rito, creating just a little distance between his and her face.

Tingin niya ay may isang dangkal na lang ang layo ng mga iyon sa isa't isa kaya naman napalunok siya nang mapagtanto iyon.

She has never been so close to a guy like this, oo may ilan silang mga encounter ni Raiyan but those were different to what they have now.

And to where she is.

Iyong sa bar ay medyo nakainom siya at pwedeng excuse na hindi niya alam what's happening bit this is different dahil walang alak na involve. Si Raiyan lang at siya habang hawak siya nito at nakatitig sa mga mata niya.

"Let's do that, Luwie. Let's live together... at my house."

Sa bahay niya?

B-bakit sa bahay niya?

Be With YouWhere stories live. Discover now