Pero nung kaharap na niya si Hannah....

"A-Ace?" para siyang gulat na gulat. Namumutla pa nga siya. At halatang nanginginig siya. Nagtataka ako sa reaksyon ni Hannah. Tumingin ako kay Ace, parang naging maka-Ice siya. Pokerface. -.- Parang wala siyang pakialam.

"Hello.. Hannah" Is it just my imagination or he acted cold towards Hannah?

"pa-Paanong.. ikaw..ikaw ang?"  Nanginginig na tanong niya. 

"Teka.. Magkakilala kayo?" tanong ko. Pareho silang napatingin sakin. Ngumiti si Ace samantalang si Hannah ay parang gulong gulo.

"Yup.. in Korea" nakangiting sagot ni Ace.

"Hannah" lumabas si Ice mula sa van at pinapasok na si Hannah sa loob. Okay. May mali.Parang may hindi magandang nangyari kina Ace at Hannah. 

"Papasok din ba tayo?" kaming dalawa na lang ni Ace ang nasa labas. 

"Okay tara"Dun kami sa pinaka dulo ng van. Katabi si Ice at Hannah. Ganito ang pwesto

Ace,Daniel,Ice,Hannah

Kyo,Dars,Sae

Raj,Keith,Janine

Lance... Manong Driver

Pagpapalitin lang ng pwesto so Kyo at Raj, love triangle na ang magkakatabi =___=

"Okay ka lang? Gusto mo bang-" narinig kong bulong ni Ice kay Hannah. "No, Im fine. Okay lang" sagot naman ni Hannah. At nakita ko na lang na pinatong ni Hannah ang ulo niya sa shoulders ni Ice. At nag hawak kamay silang dalawa.

</3

I closed my fists at tumungo. PAKSHIT ANG SAKIT.

Umandar na ang sasakyan, papunta na kaming Batangas for our vacation, I hope with this.. makaka get over na ako.

~After 3 hours.

Tulog na ang lahat. Ako na lang ata ang gising. Paano nga ba ako makakatulog kung katabi ko ang taong mahal ko at katabi naman niya ang mahal niya. 

"Gising ka pa pala Kyo" tumingin lang siya sa akin. Nasa unahan ko lang naman kasi siya.

"Makakatulog kaya ako?" tanong niya at saka tumingin sa magkatabing si Janine at Keith na kapareho ang pwesto tulad nina Ice ang pinagkaiba lang, nakaakbay si Keith kay Janine.

Si Raj naman mukhang tulog din. Nasa likod naman niya si Dars at Sae. Tumingin ako kay Sae, ang aliwalas ng mukha niya. Parang walang problema. Sana maging masaya na siya.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now