"I'm fine," paniniguro ni Maxwell, na para bang nahulaan na ang mga tingin at susunod na sasabihin ni Maxpein sa ganoong reaksyon pa lang nito. "I wasn't even able to answer her calls when she needed help,"malungkot at mahina niyang dagdag. "Wala akong nagawa."

"Maxwell," mahinang pagtawag ko, hindi niya na dapat sabihin 'yon.

"And don't you dare," nagbabanta ang tinig ni Maxpein.

Napatitig sa kaniya si Maxwell at sa kawalan ng masasabi ay napapailing lang siyang bumuntong-hininga. Hindi ko sila naintindihan sa sitwasyong 'yon. 'Ayun na naman 'yong mga ugali nilang tila nagkakaunawaan kahit walang sabihin ang isa at hindi na kailangang sumagot ng iba pa. Kahanga-hanga ang gano'ng ugali ng mga Moon sa t'wing nahuhulaan ko ang gestures at pinag-uusapan nila. Pero sa sandaling 'yon, ang nagbabantang tinig ni Maxpein at malalim na pagpapakawala ng hininga ni Maxwell ay blangko sa 'kin. Hindi ko 'yon nasakyan.

Muling tumikhim si Mokz. "Hindi para sa iyo ang ganoong sitwasyon Maxwell Laurent."

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko sila lubos na naiintindihan pero pakiramdam ko ay pareho nilang pinipigilan si Maxwell na iligtas ako kung sakali mang maulit ang ganoong sitwasyon. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman. Gusto kong maiyak na lang bigla.

"Tss. Kaya pala nagkulang ang demonyo sa norte, narito ang isa," makahulugang ani Maxpein. Nasisiguro kong ang pumasok sa suite ni Maxwell ang tinutukoy niya. At sa tono ng pananalita niya mukhang sigurado na siya sa pagkakakilanlan niyon.

"He knows how to speak Tagalog," dagdag ni Maxrill.

Tumaas ang kilay ni Maxpein. "Really?" seryosong tanong niya.

Naiinis na tumango si Maxrill. "But he has this...Pyongan accent." Umiling siya nang umiling. "Just like us."

Pumitik si Maxpein. "Sigurado akong si Hwang 'yon,"baling niya kay Mokz. "Pero...ano'ng kailangan niya?"Malalim na nag-isip si Maxpein.

"Let's talk about it later, Maxpein," makahulugan ang tinig ni Mokz.

"Please excuse me," nagsalita si Maxwell mayamaya. "I have to go back to work." Saka siya lumingon sa 'kin. Awtomatiko akong ngumiti, itinatago ang pag-aalala. "See you later."

Matagal na tumitig si Maxpein sa kamay ko saka nag-angat ng tingin sa 'kin. Nilingon niya ang pinto, sinigurong wala na si Maxwell, saka siya nagsalita.

"Importante para sa amin ang kamay ni Maxwell,"mahinang aniya saka nasapo ang noo. Pumikit si Maxpein at marahang bumuntong-hininga. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung nagkataong sa kaniya nangyari 'to."

Hindi ko naman maintindihan ang kabang nabuhay sa dibdib ko. Umawang ang labi ko pero walang salitang lumabas. Sa unang pagkakataon ay hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Napakaraming sandali na parati akong may naisasagot sa kaniya, ngayon lang ako naubusan.

"I'm so sorry for what happened, Yaz. Hindi ko rin ipinagpapasalamat na sa 'yo nangyari ito imbes na sa kapatid ko, maniwala ka," sinserong ani Maxpein. "Matagal nang kalaban ng aming pamilya ang lalaking tinutukoy ni Maxrill. Masyado pa siyang bata noon para matandaan ang taong 'yon ngayon ngayon."

"I understand," hindi ko maintindihan ang kaba ko.

"Don't worry, mananatili kami rito hangga't hindi kami nakasisigurong ligtas kayo."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at emosyonal siyang niyakap. "Thank you, Maxpein." Hindi ko napigilang maluha. "Ang totoo ay takot na takot ako."

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon