Papansin lang 'yan kaya ganan.

Lalagpasan ko na sana si Carlos para tumungo sa uupuan ko ng hawakan nito ang palapulsuhan ko na siya kong ikinatingin dito.

"Ano na naman bang problema mo, ha?" Nagtitimpi kong tanong dito.

"Dito ka uupo.. sa tabihan ko." nangingiti nitong sagot sa itinanong ko.

"Natatanga ka na ba?" pabalang kong tanong dito.

"Hmm. Hindi pa naman, pero malapit na kung hindi ka uupo sa tabi ko." sabay kindat pa nito na ikinaismid ko.

Hinawi ko ang kamay nito na nakahawak pa rin sa palapulsuhan ko. Bahala ka d'yan sa buhay mo.

"Bahala ka, wala ka ng uupuan d'yan." giit ni gago na hindi ko na lang pinansin. Sino ba namang naluko--

Nakarating ako sa upuan ko at nakita si Andrei na nakapikit at nakasandal ang ulo sa headrest habang nakaheadphone.

Ginagaling yata ang isang ito?

Kaagad kong tinagtag ang headphone nito kaya napatingin ito sa akin, tsaka ngumiti.

"Ba't ka nandyan?" tanong ko rito.

"Kasi.. dito ako pinaupo?" inosente nitong tugon sa akin.

"Riel! Ba't nandito 'toh!?" sumbong ko kay Riel na nakatulala lamang sa labas ng bintana.

Bawian ba naman ako? Lintek na 'yan.

"Kung nandito ka, eh di walang katabi si MJ?" tanong ko kay Andrei na napatingin sa kanina niyang inuupuan.

"Ha? Of course, not. Naroon si Papa DJ, pinalipat niya ako dito. Ngayon lang naman raw kami mag-eexchange ng upuan. Edi nag-okay naman ako," mas lalo kong ikinasimangot ang sagot nito sa akin.

"Dein, wala kang katabi? Pwede ka dito!" Napalingon naman kaming tatlo nina Andrei at Riel sa gawi ni Gelay nang magsalita ito.

"What the hell?" pagmumura ni Kendrick nang marinig ang sinabi ni Gelay.

Nakita ko naman ang papalapit na si Carlos na dahilan ng aking pag-irap. Nandito na naman si Jollibee.

"Hindi ka tatabi sa kanya, Dein. Sa akin ka tatabi.. ngayon.. mismo." pakikisawsaw na naman ni Carlos sa usapan na ikinangiwi ko.

"Sino ka ba para diktahan ako, ha? Uupo ako kung saan ko gusto. Tanginang 'toh." pabalang na sagot ko dito na ikinabusangot din ng kanyang mukha.

Magsasalita naman sana si Kendrick nang biglang sumigaw ang adviser namin sa may bandang unahan na nakapag patahimik sa amin.

"UUPO BA KAYO O LALABAS KAYO NG BUS NGAYON.. MISMO?" nakatalikod ako sa adviser namin kaya naman nagawa kong umirap.

Takot ko na lang kapag nakita ako ni Ser na umirap ako sa kanya. Baka ibato pa'ko nito palabas ng bus pag nagkataon.

"Since wala na akong choice, sige na. Okay na, panalo ka na. Pasalamat ka na lang kay Ser at sumawsaw sa usapan. Kung hindi, ay talaga namang hindi ako magpapatalo hangga't hindi ko nakakatabi si Gelay." pang-mamaldita ko kay Carlos tsaka nagdire-diretso patungo sa tabihang upuan nito.

Kaagad naman akong naupo at humalukipkip na lamang tsaka tinitigan ng masama ang gagong papalapit.

"Sabi ko naman sa'yo Dein wala ka ng choice kung hindi ang tumabi sa akin. Ikaw naman kasi, nangungulit ka pa. Ayan tuloy, nasayang pa 'yung ilang oras." nangingisi nitong sambit sa akin.

"Pwede bang manahimik ka na lang? O gusto mong busalan pa kita ng isang bagay para sapilitan kang tumahimik, ha? Daldal naman, lintek na 'yan." nagtitimpi kong sambit dito na ikinahagikhik na lamang niya at tsaka tumango.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Where stories live. Discover now