Napailing nalang ako at hinarap siya. Kasama niya ang doctor na mag-oopera kay prince.

"Si astrid! Gusto niyang maging heart donor dahil ang akala niya ay wala pang donor!" Diretsong sabi ko kay fiona.

"What? Tanga talaga yung babae na yun ano? *roll eyes* kahit kailan idiota." Maarteng sagot nito

Bilib din ako kay fiona dahil nagagawa pa din niyang magtaray sa mga panahong ito.

"Hey you doctor! Ako ang nagiging donor got that?" Sabi nito sa doctor.

Lito naman itong napatingin sa akin.

"Yes, siya ang donor" sabi ko.

"Paano si Ms. Ramirez?" Tanong nito.

"Don't mind that idiot girl." Nakangiwing sagot ni fiona.

"Ako ng bahala doc, basta ito ang plano." Sabi ko at in-explain ang plano sa kanila.

Tumango tango naman sila kaya hinanda ko na ang lahat.

At iyon nga, tama kayo ng naiisip. Ako ng lalaking nagpa-amoy ng pampatulog kay Astrid.

*END OF FLASHBACK*

ASTRID P.O.V

Ganoon ang nangyari, kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya.

Sa isang kwento hindi pwedeng walang kontrabida, sila ang nagpapaganda at nagpapa-excite ng kwento.

Kung wala sila, walang saysay ang isang kwento. Parang ang ama ni juliet sa romeo and juliet. Parang si lola nidora sa aldub, parang si damulag sa doraemon.

Sila ang nagpapaganda sa kwento, kaya fiona.. Kung nasaan ka man thank you..

"Heyy baby, malalim nanaman ang iniisip mo." Malambing na yakap sa akin ng lalaking mahal ko.

Hindi pa din ako makapaniwala na asawa ko na siya.

"Mama!" Sigaw ni prince.

Nang malaman ni prince na wala na ang ina niya ay sobrang nasaktan ito. Pero tinulungan namin siyang makabangon hanggang sa matanggap niya ang lahat.

"Bakit baby?" Tanong ko.

Kapit nito sa kamay ang kapatid na si duke na nakatingala din sa amin.

Si cylan at luci naman ay unti-unti ng kinikilala ang isa't isa.

Mayroon silang brother bonding tuwing sabado.

"Mama, kailan lalabas si baby princess sa tummy mo?" Tanong ni prince.

Yes, buntis ako. And she's now 9 months old.

Mabilis na naka-recover si prince noon sa operasyon at kaagad na bumalik ang kanyang lakas.

"Nanay, bakit mo po nikain s-si *sobs* b-baby princess n-namin?" Umiiyak na tanong ni duke.

Natawa naman kami sa kainosentehan ni duke.

"Baby, malapit ng lumabas si baby princess. Don't worry okay? Hindi kinain ni nanay si princess." Paliwanag ko.

"R-really?" Nagdududang tanong ni duke kaya tumango kami.

"Duke! I want baby princess to be my roommate!" Sabi ni prince kay duke.

"Nooo! Ako katabi niya sa room!" Pagtutol ng isa.

Natawa naman kami ni luci sa ka-kyutan ng dalawa.

At sa pagtawa ko ay biglang sumakit ang aking tiyan.

Mayroon ding basa sa aking hita.

"Nanay, umihi ka po?" Tanong ni duke habang nakatingin sa hita ko.

Naoatingin ako doon at kinabahan ako ng malamang pumutok na ang panubigan ko.

"L-luci ahh!" Nahihirapang sambit ko.

"WAZZUP PIPOL!" Sigaw ng bagong dating na ugok. Walang iba kundi si cylan.

"Bakit baby?" Tanong sa akin ni luci.

"MANGANGANAK NA AKO AHHH!" Biglang sigaw ko ng mas sumakit pa ang aking tiyan.

Nakita ko itong napatulala and unexpected thing happen.

HINIMATAY SIYA!

"Aarrgghh! Cylan dalin mo ako sa hospital!" Sigaw ko dahil ang walang kwenta kong asawa ay nasa sahig ngayon.

"How about kuya?" Natatarantang tanong ni cylan.

"D-duke, prince ahh! K-kayo na ang bahala sa daddy nyo." Utos ko kaya tumango naman ang dalawa.

Parang katulad noon ay nataranta nanaman si cylan.

Kahit masakit ay napangiti ako, hindi ako magsisisi sa lahat ng ginawa ko.

And I'm happy to say that I'm the billionaire's secretary..

"CYLANNN BILIS! MANANG PAKIASIKASO PO YUNG DUWAG NA LALAKI SA TAAS!"

~~THE END~~

***
A/N: Thank you sa lahat ng sumubaybay sa kwento ni astrid..

And now, let's say goodbye to them byeeee!

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now