CHAPTER 6

34.2K 798 80
                                    

Astrid's P.O.V

Nakatunganga ako dito ngayon sa sofa sa sala ng bahay ni boss habang nakaupo, wala akong magawa dahil tulog naman si Prince.

Ayoko namang manood ng TV dahil paniguradong walang magandang palabas ngayon, gusto ko na sanang umuwi kaso ang bilin sa akin ni boss ay 'wag aalis hanggat hindi pa ito umuuwi. Kaya ito ako ngayon, no choice!

Ganoon nalang ang aking gulat ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong nabalitaan na uulan ngayon at naganda rin naman ang panahon kanina, parang may bagyo na may kasamang kulog at kidlat.

Paniguradong ibabalita mamaya na may bagyo, ganoon talaga siguro dahil sa climate change.

Naisip ko naman bigla si boss, may dala kaya itong payong? Paniguradong mababasa 'yun kung nagkataon na wala.

Tumayo nalang ako at dumiretso sa kusina upang magluto, hindi sa pakielamera. Alam ko lang kasi na paglulutuin din ako nito oagdating niya kaya ako na ang magkukusa—mabait ako, e.

Hindi nagtagal ay natapos na rin ako sa pagluluto ay doon ko lang rin narealize na may sumisigaw mula sa labas.

Akala ko kanina guni-guni ko lang ito, ganoon nalang ang paglaki ng mata ko ng mabosesan ang taong sumisigaw—si boss!

Dali-dali akong naglakad at binuksan ang pinto, do'n ko nakita si boss na basang-basa ng ulan.

"Nako boss, basang-basa ka na po!" Natataranta kong sambit at hindi ko alam ang gagawin.

Hindi ko alam kung saan hahanapin ang pamunas o kung hahawakan ko ba siya.

"Its your fault." Paninisi niya sa akin. Ako? Bakit ako, hindi naman ako ang tangang hindi nagdadala ng payong.

"Hala s'ya! Pa'no ko po naging kasalanan? E kayo po ang naligo sa ulanan."

"Ang tagal mo akong pagbuksan ng pinto kaya nabasa ako." Malamig na sabi ni boss at pumasok sa loob.

'yun pala ang kanina ko pa naririnig na kumakatok at sumisigaw, akala ko ay guni-guni ko lamang iyon kaya hindi ko pinansin.

Nang maisara ko na ang pinto ay 'agad na akong sumunod sa kan'ya.

At dahil nga basa si boss ay hindi ko napansin na nabasa na rin nito ang sahig na naging sanhi ng aking pagkadulas.

"WAAAAHHH!" Sigaw ko at napakapit kay boss sungit dahil sa aking labis na pagkagulat.

Napapikit nalang ako habang hinihintay ang pagbagsak ko sa matigas na sahig ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin. Unti-unti kong minulat ang aking mata at doon ko lang napansin si boss, pareho kaming nakahiga sa sahig at nasa ibabaw niya ako.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kanya na dumadaing ngayon dahil naitukod nito ang kanyang siko ng bumagsak kami.

"F*ck!" Marahil ay nagulat din ito at hindi nakatyempre kaya pareho kaming nadulas.

"Boss, Sorry po!" Hinging paumanhin ko habang dahan-dahan siyang inaalalayan patayo.

At doon ko naramdaman na mainit si boss, ang bilis naman nitong dapuan na sakit? Ilang minuto pa lang naman itong nababasa.

"May lagnat po kayo boss." Nag-aalalang sambit ko, hindi ko maiwasang hindi makonsensya dahil paniguradong ako ang dahilan ng pagkakasakit niya.

"Tss." Tanging tugon nito at 'agad na dumiretso paakyat sa ikalawang palapag ng bahay niya.

Dali-dali kong inayos ang basang sahig dahil baka madulas din si prince, pagkatapos ay 'agad akong umakyat upang sundan si boss doon.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now