CHAPTER 30✔

22.8K 562 34
                                    

CHAPTER 30

Nandito ako ngayon sa bahay nila Luci. Nandito na kasi ang mga gamit ko. Balak kong kunin lahat at wala ng itira dahil iyon naman ang gusto ni Luci.

Ang umalis ako...

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na. Basta makalayo lang ako. Para sa ikasasaya ni Luci at nilang lahat.

Sabit lang naman ako dito, secretary lang na nag-feeling importante.

Secretary lang naman ako na nag-assume na mahal talaga siya ng taong mahal niya, tao lang ako na umasa na pagkakatiwalaan niya ako.

Pero hindi e, hindi siya nagtiwala sa akin. Naniwala siya sa narinig niya at hindi niya pinakinggan ang explanation ko.

Kung maibabalik lang ang panahon sana bumalik ako sa time na nag-apply palang ako sa kanya
Para naka-antras ako at hindi na nakilala pa si Luci.

Pero sabi nga nila, nangyari na wala na tayong magagawa. Kung baga past is past and never comeback.

Nang matapos kong ilagay ang mga gamit ko sa isang maleta ay dali-dali na akong tumayo. Pero bago ako umalis ay nag-iwan ako ng sulat para kay Luci at nilagay ko iyon sa bed side table.

Nanginginig pa ang aking mga tuhod na naglakad palabas ng kwarto.

Naglakad ako hanggang sa makalabas ako sa village.

Naramdaman kong sumasakit ang tiyan ko kaya napakapit ako dito.

Mukhang nasasaktan din ang baby namin ni Luci sa mga nangyari.

"Baby kapit ka lang kay mama ha? Wala kasi si papa mo galit kay mama. sorry ha? Nadadamay ka pa sa problema ni mama don't worry matatapos din ito." Kausap ko sa aking anak.

Umiiyak pa din ako hanggang ngayon. Lahat ba ng pinagsamahan namin ni Luci wala lang para sa kanya? Wala ba talaga siyang tiwala sa akin? Ganoon ba niya ako kadaling i-give up?

"Sana Luci, maging masaya ka sa bagong buhay na wala ako." Huling sambit ko bago.

BEEEEEPPPPPP!!!!!

And everything went black.

***

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko, kaagad ko na iginala ang aking paningin para lang mapag-tanto na nasa hindi ako pamilyar na lugar.

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil doon, dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili ko pagkatapos ay lalabas na sana ng pintuan ng may naunang magbukas niyon.

0__0

Ganoon nalang ang gulat ko ng makilala kung sino ang nagbukas ng pintuan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"IKAW?!?!" Gulat na gulat na sambit ko.

"Yeah it's me, sexy or should i say Miss Manggo adik?" Natatawang sabi niya sa akin.

And yes! Siya yung lalaki na nagta-trabaho sa kumpanya ni Luci.

"Oh? Hindi mo na agad matandaan ang pangalan ko? Ouch! You hurt my feelings." Sambit nito na may pahawak-hawak pa sa kanyang puso na tipong parang nasasaktan talaga siya.

Pero totoo ang sinasabi niya ngayon. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Masungit na tanong ko.

Anong magagawa ko? E napapahiya ako kasi hindi ko matandaan ang pangalan niya.

"I'm Cylan 'pogi' Rodriguez." Pakilala niya ulit sabay pogi sign pa.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now