CHAPTER 26✔

22.8K 517 10
                                    

CHAPTER 26

Nandito kami ngayon sa isang park. Ako, si Luci at si Prince.

Nakaupo kami sa latag na ginawa ni Luci kanina, ang sabi ko nga ay ako na lang ang maglalatag pero ayaw niyang pumayag.

Si Prince ay busy-ng busy sa pagkain ng ice cream. Halos hindi na nga kami nito pansinin dahil doon.

"Let's take a picture." Biglang suhestyon ni Luci kaya nagulat ako.

"K-kayo nalang." Naiilang na sabi ko.

"Noooo." Biglang sagot ni Prince at lumapit sa akin at kumandong.

"Pictureee." Makulit na sigaw ni Prince sabay wacky kaya natawa kaming dalawa ni Luci.

At nagpicture na nga kami.

"Let's gooo, magpalipad tayo ng kite!" Excited na sambit ni Prince habang hila hila kaming dalawa ni Luci.

"Okay ako ang maghahagis." Pagpi-prisinta ko at dali-daling kinuha ang saranggola. Si Luci naman ang may kapit ng tali.

"1..2..3 GOOO!" Sabay na sigaw namin ni Prince at pinalipad na nga ni Luci ang saranggola.

Tuwang-tuwa si Prince lalo na nung siya ang pinakapit ng tali ni Luci.

"Hmm ang sarap diba?" Out of the blue na sabi ni Luci.

"Masarap?" Nagtatakang tanong ko.

"Yeah, ang sarap ng feeling na para tayong isang masayang pamilya." Nakangiting page-explain nito na parang nagi-imagine ng mga bagay.

"Oo, sana ganito nalang tayo 'lagi." Tugon ko at pareho naming pinanood si Prince na tuwang tuwa na nagpapalipad ng saranggola.

"Pwede naman na maging ganito tayo, basta wag kang aalis sa tabi namin ni Prince." Luci said.

"I will." Nakangiti kong sagot.

I will do everything just to keep my promise...

"Tara kain na tayo ng cake na binake ko." Biglang yaya ko sa kanilang dalawa.

"Let's go." Sabi ni Luci at siya na ang naglabas ng cake na ginawa ko.

"Sana magustuhan ninyo, hindi yan kasing sarap ng mga nakakain ninyo sa mamahaling bake shop." Nahihiyang paliwanag ko pero sinamaan ako ng tingin ng dalawa.

"Don't say that mama witch ko, para po sa akin ang gawa mo ang pinaka-masarap." Nakangiting sambit ni prince.

"Yeah, for me too." Sabat ni Luci.

"Paano kapag naggawa din ng cake si Fiona, kanino ang mas masarap?" Biglang tanong ko kaya natigilan ang dalawa.

Dahil sa reaksyon nila ay napailing iling nalang ako.

"Sorry if i asked, don't bother to answer." Biglang bawi ko.

Hindi ko man sabihin pero alam kong naramdaman nila na na-disappoint ako sa naging reaksiyon nila.

"M-mama witch." Mahinang sambit ni Prince yung tipong parang natatakot sa akin.

"Ano ba kayo, cheer up. Let's just eat okay?" Sabi ko at pinipilit na baguhin ang atmosphere namin ngayon.

Agad akong kumuha ng cake at sinubuan si Prince.

"Masarap ba?" Nakangiting tanong ko.

"Opo, sobra *0*" nagnining-ning ang natang sagot nito.

Bumaling naman ang tingin ko kay Luci na masayang nanonood sa amin.

"At ikaw Mister Buenavista." Sabi ko.

"Bakit Mrs. Buenavista." Nagulat ako sa sinabi ni Luci.

"Mrs. Buenavista?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.

"Yes, Mrs. Buenavista. Because someday you'll become one." Nakangiting paliwanag ni Luci kaya napailing-iling nalang ako.

At kumuha ng cake pagkatapos ay sinubuan din siya.

"Sarap naman." Nakangiting pangu-uto niya sa akin kaya napairap ako.

"Pero mas masarap siguro ito kung ilalagay ko sayo." Pilyong dagdag niya kaya agad akong namula, alam ko sa sarili ko na kasing pula na ako ng kamatis ngayon.

"Mama witch ko, you're so red." Natatawang sabi ni Prince kaya mas namula ako.

"Baby, you're mommy is blushing." Tudyo sa akin ni Luci kaya sinamaan ko ito ng tingin pero ang loko kinindatan lang ako.

"Bakit po siya nagba-blush daddy?" Inosenteng tanong ni prince.

"Because I'm going to eat your mama." Sambit ni Luci kaya 'agad konsiyang hinampas.

"Ouch! Ang sadista mo na ngayon ha." Nasasaktamg sabi niya sanay himas sa braso na hinampas ko.

"Dapat hindi mo sinasabi sa bata ang mga salitang iyun." Naasar na sabi ko.

"Hindi naman niya alam yun." Natatawang paliwanag ni Luci. "Kahit na!" Gigil na tutol ko.

"D-daddy b-bakit mo po *sobs* kakainin m-mama ko?" Umiiyak at inosenteng sabat ni Prince kaya napa-face palm ako.

At binigyan ko ng *ikaw-ang-magexplain-sa-kanya-nyan-look*

"No baby, I'm just kidding." Sabi ni luci pero iyak pa din ng iyak si Prince.

"Tignan mo ang ginawa mo." Sabi ko sabay buhat kay prince.

"Shh baby tahan na, your daddy is just kidding." Pag-aalo ko sa kanya.

"Really?" Pagsisigurado ng bata.

"Yes, really." sabi ko at pinakain nalang si Prince hanggang sa makalimitan na nito ang sinabi ng ama.

Hindi nagtagal ay uuwi na kami.

"L-luci" nahihiyang sambit ko sa pangalan niya.

"Bakit?"tanong nito sabay tingin sa akin pero agad akong nag-iwas ng tingin.

" a-ahh w-wala."nahihiyang sagot ko.

Grabe! Ang kapal naman ng mukha ko kung sasabihin ko yun diba?

"Heyy baby, 'wag ka ng mahiya." Sabi niya na may malambing na boses. Nandito kami sa loob ng sasakyan at natutulog ulit si prince.

"Wala talaga hehehe." Sabi ko with matchig iling-iling pa.

"You tell me or else." May pagbabanta sa boses nito.

"P-pwede ba n-na sa b-bahay nyo muna a-ako tumira?" Nahihiyang request ko, kitang kita sa mukha niya ang labis na pagkagulat.

"Ahh okay lang naman k-kung h-hindi ka papayag hehehe, ang kapal naman kasi ng m-mukha ko para magrequest sayo ng ganon diba?" Nahihiyang sambit ko.

T__T This feeling is so embarrassing.

"No baby, okay lang sakin. In fact dapat nga ay doon na kita patitirahin. Wala akong pake kung ayaw mo. Dadaanin kita sa dahas kung hindi ka sumama sa akin but it's look like destiny wants us together." Nakangiting paliwanag niya kaya napangiti din ako dahil doon.

Bigla nalang kinapitan ni luci ang kamay ko na nakapagpagulat sa akin.

"L-luci." Gulat na sambit ko pero hindi ako nito pinansin.

Hinalikan nito ang kamay ko na kapit niya habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela.

"I really love you Astrid. Please don't break my heart." Madamdamin nitong sabi sa akin..

To be continue...

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now