CHAPTER 4

36.3K 959 31
                                    

Astrid's P.O.V

"Boss!" sigaw ko habang patuloy pa din sa paglakad, kanina ko pa kasi hinahabol sila boss. Kanina pa nila ako pinapasunod-sunod!

Habang ang mga ito enjoy na enjoy, ako naman at halos hindi na makakita sa sobrang daming paper bag na dala ko. Para na akong walking paper bag nito.

"Hey witch, faster!" isang matinis na boses ng isang chanak ang narinig ko. Hindi ba nito nakikita na hirap na hirap na ako.

Mga walang awa, taga-api ng mahihirap! Asar ko nalang silang inismiran at nagpatuloy sa pagbuntot sa kanilang dalawa.

Hindi nagtagal ay pumunta ang mga ito sa loob ng world of fun, habang ako ay patuloy pa din sa pagsunod sa kanila. Naglaro ang mag-ama sa basketball area at ako naman ito walang magawa, nakaupo sa isang tabi at parang basang sisiw.

Dahil sa sobrang boring ay pumunta nalang ako sa claw machine na malapit sa akin favorite panda ko pa ang nakalagay sa loob. Excited akong nagpapalit ng token at ibinaba ang mga paper bag sa aking tabi at pagkatapos ay naghulog ng dalawang token. 

Nag-concentrate ako pagkatapos ay napangiti ng sobrang laki dahil mabilis ko lang na nakuha ang isang panda. Buti nalang at expert ako sa pagkuha sa claw machine.

At dahil may token pa akong natira ay 'agad ko itong hinulog sa claw machine, ilang minuto pa ang nagtagal ay tumigil na ako. Ayos na rin naka-tatlo rin akong panda!

Okay na sakin na sinama ako ng boss ko dito, at least nakakuha ako ng tatlong panda stufftoy. Kaagad kong kinuha ang paper bag at nilagay doon ang aking nakuha, kukunin ko nalang mamaya at umupo na akong muli sa inuupuan ko kanina, tumayo kasi ako upang mag-concentrate.

Hindi nagtagal ay dumating ang mag-ama at itong si chanak gustong kunin yung panda, tignan nga natin kung marunong si boss sungit ng larong ito.

Kaagad na lumapit doon ang dalawa at kaagad na nag-hulog ng token at nagsimula na silang maglaro.

"Daddy! I want that pandaaaa!" sigaw ng sigaw na naman ng spoiled na chanak habang hinihila ang laylayan ng damit ni boss.

**

"DAMN THIS MACHINE! I'LL FUCKING SMASH THIS URGHH!!"

"Pfftt!" muntik na 'kong humagalpak ng tawa dahil sa pulang -pulang mukha ni Boss Sungit, niwala itong nakuha maski isa.

"What are you laughing at?" isang nakakatakot na boses ang narinig ko, at para akong tuod na napatigil kaagad sa pagtawa. Nakakatakot ito at tila mananakmal na anytime.

"N-nothing *pffft* b-boss," sabi ko sabay iwas ng tingin. Kahit anong pilit ko ay natatawa pa din ako dahil ang cute ni boss, gigil na gigil ito sa kagustuhang makuha ang panda ngunit hindi naman niya magawa.

He's so cute!

"Prince lets go," bugnot na aya nito ng hindi na talaga siya makakuha.

Laugh trip men!

"B-but dad i w-want p-panda," naiiyak na sambit ni Prince at ayaw umalis, parang anytime ay iiyak na ito.

Mukhang gusto n'ya talagang makuha ang laruan na iyon.

"No, may daya ang laro na iyan." masungit na sabi ni boss. Hindi lamang nito matanggap na natalo siya sa isang laro, I think hindi siya sanay na matalo dahil parnag perfect na 'to.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن