Para itong anime na nanglaki ang mata at ilong with matching teary eyes pa.

"H-hindi mo na a-ako baby?" Nakangusong tanong nito at iiyak nanaman.

"Hindi na, diba ayaw mo ng binebaby ka? At isa pa I'm not your nanay anymore right?" Pang-aasar ko dito at tuluyan na nga itong umiyak.

Naawa man ay hindi ko nalang ito tinignan.

Sa pag-iwas ko ng tingin ay nagawa ako kay prince na nakatitig din sa akin.

"M-mommy witch im s-sorry." Biglang sabi nito na medyo ikinagulat ko.

"It's okay, sabi ko nga past is past." Sabi ko sa kanya kaya napayuko siya.

Masama na ba akong ina? T__T e kasi natutuwa ako sa nakikita kong reaksyon nila ngayon.

T__T

Huhuhu! Bad mommy Astrid!

Nagtataka ako dahil parang may mali pero nalaman ko kung ano ang mali ng mapatingin ako kay cylan.

Kaya pala tahimik ang kupal dahil busy ito sa pakikipaglandian sa isang waitress. Kaagad na sumama ang timpla ng mukha ko sa aking nakita.

Akala ko ba tutulungan ako nito sa plano ko? Bakit parang oumunta lang siya dito para makipag-landian?

Dahil sa inis ko ay nasipa ko ito at wala akong pake kung makita man ng lahat ng tao dito sa resto.

"OUCH! Ano ba? Napaka-amazona mo talaga kahit kailan!" Naiinis na sabi sa akin ni cylan.

Alam ko na hindi talaga ito galit kaya hindi ko nalang ito pinansin.

"Pumunta ka lang ba dito para makipag-landian?" Gigil na tanong ko kaya napatawa naman siya.

Kunot noo ko siyang tinignan at tinanong. "At anong tinatawa-tawa mo d'yan?" Bugnot kong tanong.

Inilingan lang ako nito at tumayo.

"PAGPASENSYAHAN N'YO NA PO ANG GIRLFRIEND KO, BUNTIS PO KASI KAYA MASUNGIT HAHAHA." Halos mamula ako ng sobra sa isinigaw ni cylan kaya napingot ko nanaman ito pero ang loko tawa lang ng tawa.

"What the hell?!" Naagaw ang atensyon namin ni cylan ng marinig naming nagsalita si luci kaya agad kaming tumingin sa kanya.

"What's the problem dude?" Natatawang tanong ni cylan kay luci kaya sinuko ko ito.

Halatang galit na kasi si luci pero hindi ko alam kung bakit.

"Ang what the fuck is that huh?!? Girlfriend?! Baby?! Are you fucking kidding me?" Mapang-uyam na tanong ni luci.

Sasagot na sana ako pero kaagad na kinapitan ni cylan ang kamay ko na parang sinasabi na siya na ang sasagot kaya pinabayaan ko nalang.

"Yes dude, she's my GIRLFRIEND and we're having a BABY." Sabi ni cylan at inikbayan ako sabay halik sa aking sintido.

"You can't be serious." Sabi ni luci na parang kahit kailan ay hindi mangyayari ang mga iyon.

"Bakit? I'm a boy, she's a girl." Pang-aasar pa lalo ni cylan kaya napa-face falm nalang ako.

Wala kasi sa plano namin na sasabihin na buntis ako pero itong tukmol na ito gumawa ng sariling kwento.

"Yeah, i know that you're a boy and she's a girl. Pero paanong mabubuntis s'ya kung nasa AKIN siya ng mga nakaraang linggo." Mahangin ba sabi ni luci na para bang alam niya na hindi iyon totoo at mapapahiya lang si cylan.

Ayan na nga ba ang naisip ko e! Kahit kailan talaga bugok itong si cylan.

"Are you sure na nasa IYO siya lagi? Paano kaya kung pumupunta AKO sa bahay MO at alam mo na?" Sabi nito sabay taas at baba ng kilay.

Halos makahinga ako ng maluwag sa sagot ni cylan. Kahit papaano ay may utak pala ito.

Natahimik si luci at kita ko sa mukha niya ang labis na sakit pero ipinagsawalang bahala ko ito. Kulang pa luci, kailangan mo pang masaktan kahit ngayon lang gusto kong bumawi.

"N-nanay totoo p-po ba iyon?" Nauutal na tanong sa akin ni duke kaya binaling ko dito ang tingin ko.

Matagal na nitong gusto magkaroon ng kapatid kaya hindi ko alam kung masaya ba ito o hindi sa kalokohang sinabi ni cylan.

"Oo, may baby ako sa tummy. Are you happy?" Tanong ko sa kanya.

"Opo! Super!" Masayang sagot nito sabay palakpak.

"Ofcourse you're happy, dahil japag lumabas na si baby magiging kay daddy ka na. Tapos may bago na akong baby kaya hindi mo na talaga ako magiging mommy." Dire-diretsong sagot ko pero mukhang mali ata ang mga salitang nasabi ko sa aking anak.

Kitang kita ko ang sabay-sabay na paghulog ng kanyang mga luha mula sa kanyang mata. Nakatulala ito at bakas ang sakit sa mukha. Hindi mab ito mag-salita alam kong nasaktan ko siya

Tama ba ang ginawa ko? Wala pang muwang sa mundo si duke, hindi niya alam ang mga sinabi niya nung araw na umalis ako.

Para akong sinaksak ng libo libong patalim at hindi ko na kayang tiisin pa.

Lalapitan ko na sana siya upang humingi ng tawad at yakapin siya ng biglang may humawak sa braso ko.

"Oh?! Kailangan na pala naming umalis may check up pa ang girlfriend ko sa gyno." At agad na akong hinila ni cylan palabas.

"C-cylan *sobs* b-balikan natin sila doon. P-please!" Nahihirapang pakiusap ko pero umiling lamang ito.

"Kahit hanggang bukas lang okay na, kahit hanggang bukas lang pahirapan mo sila pagkatapos ay bumalik ka na at patawarin sila. Kailangan nilang matuto astrid, dahil kung hindi sila masasaktan paulit-ulit lang nilang gagawin ang bagay na nakakasakit sayo!" Paliwanag sa akin ni cylan habang inaalog alog ang aking balikat

Tahimik akong napatango, siguro kailangan ko nga silang turuan ng leksyon para madala na sila.

Mga spoiled brat ang mga lalaking iyon!

"Isa pa, i want my brother to taste his own medicine." Dagdag pa ni cylan.

Yes, magkapatid sila ni luci...

Or should i say?

Half brother...

***
A/N: Inspired ako mag-ud ngayon HAHAHA, btw wala bang magtatanong kung ilang taon na ako? ayiieehh.

125 VOTES AND 90 COMMENTS alam na this HAHAHA.

This chapter is dedicated to all of youuuu<3

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now