Prolouge

32 1 0
                                    

Kite's Point of View

Being a bread winner of the family is not easy.. Kailangan madiskarte ka. Hindi ta tamad tamad. Dapat pursigido sa lahat ng bagay dahil ikaw lang ang maaasahan ng lahat. Masakit sa pakiramdam kapag na disappoint ang isang miyembro ng pamilya  kapag nag kamali ka sa isang bagay na inaasahan nilang magagawa mo ng tama.

Well, being a bread winner also has an advantage. Kapag nag bunga ang pag hihirap mo ikaw, at ikaw lang naman ang dahilan ng lahat ng iyon. Dahil ikaw ang inasahan, ikaw ang nag hirap, nag pursigi at nangarap. Lahat ng magandang bunga ng pag hihirap mo ay dahil sayo, at nakaka proud dahil paunti unti ay may napapatunayan ka sa sarili mo at sa pamilya mo.

Marami akong pangarap na gusto matupad para sa pamilya ko. Marami akong gustong gawin, subukan, matuklasan at mapag aralan ng ako lang. Pero sa sitwasyon ko ngayon.. mukhang mahirap. Malabo. May pumipigil sa mga gusto 'kong gawin, natatakot ako na baka hindi ko na nga kayanin at maiwan ang pamilya ko sa wala. Sa–

"Miss Kite Manalo?"

Napa balikwas ako ng upo nang marinig ko ang pangalan ko. Naka ligtaan ko na nasa isang kumpanya pala ako para sana mag hanap ng trabaho. Kumbaga extra income ko na ito kahit may dalawa pa akong trabaho na pinapasukan. Doble kayod dahil saaming apat na mag kakapatid ay ako palang ang nasa kolehiyo. Kaya kailangan ko talaga ng pera dahil minsan lang swertihin sila nanay at tatay sa trabaho. Labandera lang si nanay at minsanan lang din na may mag palaba sakanya. Barker naman si tatay, papasok lang sya kapag niyaya sya ng kaibigan nyang jeepney driver.

Hmm, nasan na ba ako? ayun! tinawag nako ng isa sa mga sekretarya ng magiging boss ko kung sakaling matanggap ako.

"Ma'am ako po," sabay taas ng kamay.

"K-kite Manalo po." Kalma lang kite..

"Ah yes. Miss Kite, im sorry to say but hindi ka naka pasa sa standards ni Mr. Griego.. It's because you have a weak heart and baka maging kargado pa ng kumpanya ang mangyayari sayo.."

And there. May sakit nga ako sa puso na syang dahilan kaya't nahihirapan ako mag hanap ng isa pang trabaho. Eto rin yung pumipigil saakin na matupad lahat ng pangarap ko para sa pamilya ko. Iniisip ko nalang kung anong magiging buhay nila kapag wala na ako. Although alam naman nilang may sakit ako na syang namana ko sa nanay ng nanay ko. Sa lola.

Ang hirap. Ang hirap na makita silang nag luluksa at the same time walang mapag kuhanan ng pang araw araw na pangngangailangan, dahil saakin lang naman sila umaasa.

Napapa isip nalang rin ako na ano kayang buhay ang nakalaan para saakin?

Bakit hanggang ngayon hinahayaan pa rin ako ng panginoon na mabuhay kung gayon ay iisa lang naman ang ka-hahantungan ng lahat ng ito?

_____

My Kite, My Life, Im Sorry.Where stories live. Discover now