Naalala ko pa ang paulit-ulit nitong sinabi.

"H'wag kang umiyak *sobs* b-bigboys d-don't cry *sobs* a-are you g-gay?"

"Tawagin mo na ang kuya mo prince, umiiyak na iyon kasi masakit yung finger nya tapos iiyak nanaman yun kasi hungry na si kuya." Bakas sa mukha nito pag-aalala at dali-daling tumakbo sa kwarto ng kanyang kuya na katabi lamang namin.

"KUYAAA! LET'S GO WE'LL EAT DOWN STAIRS!" Rinig ko pang sigaw ni duke bago ako tuluyang makababa.

Kaagad ko namang sinuot ang apron pagkatapos ay hinanda ko na ang nga gagamitin.

Maya-maya ay dumating na ang dalawang chanak at kaagad akong pinanood.

After 30 minutes ay natapos na ang adobo at sinigang na niluto ko.

Kaagad ko ng inayos ang aming pag-kakainan at saktong naayos ko na ang aming pagkain ng marinig ko ang ugong ng makina ng kotse.

At sigurado ako na si luci ang may-ari ng sasakyang iyon.

Hindi nga ako nagkamali ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang gwapong mukha ni luci. Naka-office suit ito pero kahit na maghapon siyang nagtrabaho ay parang ang bango bango pa rin nito.

"K-kain ka." Nauutal na alok ko pero hindi ako nito pinansin kaya napa-yuko ako.

"Hello babies how's your day?" Bungad nito sa dalawa at kaagad na sinalubong ng yakap.

Habang ako ay nanonood lamang sa kanila.

"Daddy where's our pasalubong?" Tanong ni prince kaya napa-chuckle ang kanilang ama.

"Ofcourse hindi ko makakalimutan ang pasalubong ko. Nasa kotse kunin n'yo nalang." And with that nag-unahan na ang dalawa sa pag-punta sa sasakyan niya.

"What the fuck is that?" Pagalit na tanong niya sa akin pero mahina lang.

Napayuko ako at napatingin sa ulam na aking niluto.

"S-sinigang na b-baboy at a-adobong manok." Mahinang sambit ko na nauutal pa.

"Nagmamagaling ka nanaman? Ilang ulit ko ng sinabi sayo. H'wag mong gagalawin ang kahit anong nandito sa bahay, sabit ka lang kaya wala kang karapatan." At tuluyan na itong umalis.

Mas napayuko nalang ako at unti-unting lumalabas ang mumunting luha sa aking mga mata pero kaagad ko itong pinunasan ng marinig na pabalik na ang mga bata.

"Nanay! Binili ako ni tatay ng robot at car!" Excited na salubong sa akin ni duke.

Habang prince naman ay hawak ang dalawang libro na sa tingin ko ay pang-high school.

Masyado ng matured ang isip ni prince at pang-high school na ang IQ nya kahit na bata pa lamang.

Nagtataka siguro kayo kung bakit tatay ang tawag ni duke kay luci. Sinabi ko nga na daddy ang itawag niya dito pero ayaw niya, sabi niya na mas gusto niya ang tatay kaya hindi ko nalang pinakaelaman.

"Kids, itabi n'yo muna yan. Nasa hapag kainan tayo." Sabi ko sa kanila kaya napasimangot ang mga ito.

Excited na kasi silang gamitin ang bigay ng kanilang ama pero kailangan muna nilang kumain.

"Pero mama witch i want to read it now." Sabi sa akin ni prince.

"Ako din po mama, gusto ko na po maglaro." Nakangusong duktong ni duke.

"Duke, prince don't be so stubborn." Suway ko sa kanila.

"Nanay pleaseeee!" Naka-puppy eyes na pakiusap ni duke pero hindi ako natinag.

"Mama witch saglit lang poooo?" Sambit din ni prince pero hindi ako papayag.

"I said no h'wag ka----

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang sumabat si luci na kababa lamang at bagong bihis.

" it's okay kids. Just go and play and we'll eat later. Don't mind her." Sambit nito ng hindi tumitingin sa akin kaya napa-iwas nanaman ako ng tingin.

Napatingin sa akin ang dalawang bata pero hindi ko na iyon pinansin. Naalala ko wala na nga pala akong karapatan..

Sampid nalang ako dito sa pamamahay na ito, hihitayin ko nalang talaga ang araw na papalayasin na nila ako. Dahil sa pagiging pakielamera ko alam kong naiirita na sila.

Mukhang naramdaman ng dalawang bata na nasaktan ako sa sinabi ng kanilang ama dahil bigla nalang nilang binitawan ang kanilang mga kapit at bumalik sa lamesa.

"Gutom na po ako nanay." Malambing na sambit sa akin ni duke.

"Yeah. Bigla po akong nagutom mama witch." Segunda ni prince kaya napangiti ako.

Atleast may pakielam pa rin sa akin ang dalawa kong anak...

***
A/N: 50 votes and 20 comments for next ud.

PASILIP SA NEXT CHAPTER: Nakakaiyak!!

Sorry duke, sorry for being imperfect mom...

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now