"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Natatawa ngunit nagtatakang tanong ko.

"Nanay ko," mahinang tawag nito sa akin.

"Hmm?" Sagot ko na lamang.

"Bakit po hindi mo na ako nikikiss at niha-hug?" Simula kasi kanina ay hindi ko pa ito nakikiss at nayayakap bagay na lagi ko namang ginagawa sa kanya maya't maya.

"Diba bigboy ka na? Ang nga bigboy ayaw sa kiss at hug." Oaliwamag ko.

"Pero diba po anak mo po ako?" Nakangusong tanong nito sabay yakap sa bewang ko.

"Hindi kita anak." Pilit ko pang pinaseryoso ang mukha ko dahil natatawa ako sa mukha ni duke na gulat na gulat.

"N-nanay?!" Naiiyak na sigaw nito sa akin.

"Panahon na siguro para sabihin ko sayo na hindi talag kita tunay n----

"NOOOO!" Sigaw nito sa akin at tuluyan ng umiyak natatawa man ay pinigilan ko para madala si duke.

Nagiging masungit na kasi ito sa akin this past few days at gusto ko na lagi ako nitong nilalambing.

"Sorry duke pero totoo iyon. Ayaw mo noon? Hindi na kita baby e diba ayaw mong tnatawag kang baby?" Seryosong sambit ko.

"Nooo! *sobs* i-ikaw nanay ko! Huhuhu! *sobs* b-baby mo ako! I-im not bigboy! Huhuhu! Nanay koooo!" Sabay yumakap ito ng sobrang higpit sa akin na parang anytime ay mawawala ako sa kanha.

"Hindi talaga kita anak dahil anak ka ng tatay mo HAHAHAHAHAHHA." At bumunghalit na ako ng tawa.

Nakita ko naman itong kaagad na nagpunas ng mata at tinignan ako ng masama.

"Nanay y-you're so baaaaddd!" Busangit na busangot na sabi nito habang nakanguso.

Mukhang nagtatampo ang bulilit.

"Baby sorry na." Natatawa oa din na hingi ko ng pa-umanhin pero sinamaan lang ako nito ng tingin at humalukipkip.

"Okay para makabawi si nanay bibili kita ng ice cream okay ba iyon?" Pang-uuto ko pero mukhang tumalab dahil kaagad na nagliwag ang mga mata nito at tumango tango.

Natatawa naman akong tumayo at nakita kong nasa kabilang side pa ng park ang nagtitinda ng ice cream kaya kailangan ko pang tumawid.

"Kapitan mo muna itong bola okay? Huwag kang aalis dito? Don't be so stubborn duke. Alam mo naman kung paano ako magalit," paliwanag ko kaya tumango naman kaagad si duke alam kong naintindihan nito agad ang ibig kong sabihin kaya naman walang paga-alinlangan akong umalis doon.

THIRD PERSON'S P.O.V

KAAGAD na tumawid si astrid sa kabilang kalye para bumili ng ice cream habang si duke naman ay busy sa paglalaro sa kanyang bola.

Hindi ito lumayo katulad ng pinangako sa kanyang ina.

Habang bumibili si astrid ay kaagad na gumulong ang bola ni duke na kaagad namang sinundan ng bata.

At sa pagsunod nito ay hindi nito napansin ang mabilis na sasakyan na pabulusok na pumunta sa direksyon ng bata.

"YUNG BATA MASASAGASAAN!" Sigaw ng isang ginang na kaagad na narinig ni astrid.

Sobrang kaba ang naramdaman niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kaagad niyang nilingon ang tinutukoy at kaagad na tumambol ang kanyang dibdib ng makilala kung sino ang batang masasagasaan.

"DUKEEEE!!!" Sigaw niya at kaagad na tumakbo sa kanyang musmos na anak pero sobrang takot ang naramdaman niya ng makitang tuluyan ng bumangga ang sasakyan sa napakaliit na katawan ng bata.

"N-no! *sobs* nooo duke!" Kaagad na nilapitan ni astrid ang anak na ngayon ay wala ng malay.

"*sobs* C-CALL THE AMBULANCE! huhuhu!" Sigaw niya agad naman na tumawag ng ambulansya ang mga tao habang naawang nakatingin sa mag-ina.

"Baby *sobs* w-wake up huhuhu! *sobs* d-don't scare nanay *sobs." Umiiyak na pakiusap ni astrid pero ganoon pa din ang nangyari. Wala pa din malay ang kanyang anak.

Labi-labis ang kaba na nararamdaman niya at parang anytime ay hihimatayin na din pero nilakasan niya ang kanyang loob kailangan niyang lumaban para sa anak.

Hindi nagtagal ay dumating na ang ambulansya at kaagad na isinugod si duke sa pinakamalapit na hospital.

"K-kapit ka lang *sobs* b-baby malapit na t-tayo!" Umiiyak at nanginginig na pakiusap ni astrid.

"Ma'am hanggang dito nalang po kayo." Pigil sa kanya ng isang nurse ng akmang sasama siya sa loob ng emergency room.

"M-miss p-please *sobs* p-pagalingin n'yo po huhuhu! Ang *sobs* a-anak ko." Humahagugol na pakiusap ni astrid at halos lumuhod na.

"Gagawin po namin ang aming makakaya." Iyon lang at pumasok na ang nurse sa loob ng E.R

Napaupo naman kaagad si astrid sa isa sa mga bench ng hospital at kaagad na taimtim na nagdasal.

Diyos ko! Iligtas n'yo po ang aking anak. Alam ko po na hindi ako pala dasal na tao pero sana po ay bigyan ninyo ng pagkakataon na mabuhay ang akin anak. Bata pa po siya at madami pang mag-dadaanan hindi ko po kakayanin kung mawala sa akin ang anak ko.

*AFTER HALF HOUR*

MAYA-MAYA ay lumabas na ang doctor na nagganot kay duke kaya kaagad na lumapit si astrid.

"D-doc kamusta n-na po ang a-anak ko?" Nanginginig na tanong niya.

"Maayos na po ang lagay ng inyong anak, natahi na po namin ang sugat sa ulo niya at wala naman pong internal bleeding. Ang kaso po ay madami po ang dugo na nawala sa anak n'yo at kailangan po siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon." Kaagad na nakahinga ng maluwag si astrid na sa narinig na sinabi ng doctor.

"Ako p-po doc p-pwede po akong mag-bigay ng d-dugo sa anak ko." Mabilis na sagot ni astrid.

"Type B po ang anak ninyo misis." Pagbibigay alam ng doctor kaya napatigil kaagad si astrid.

"T-type A p-po ako." Alanganin na sagot ni astrid.

"Pasensya na misis pero kailangan po natin ng type B na dugo. Mayroon po sana tayo pero nagamit na kaya nagkaubusan." Paliwanag ng doctor kaya kaagad na nanghina ang loob ni astrid.

"Wala po ba kayong kamag-anak na may dugo na type B?" Tanong ng doctor kaya napaisip siya.

"W-wala po doc." Nahihirapang sagot niya.

"Maghintay po tayo ng dugo baka po may magdonate this day pero misis daoat po masalinan kaagad ng dugo ang anak n'yo within 24 hours or else manganganib ang buhay niya. Excuse me." Paalam ng doctor.

Nanginginig si asritd at hindi alam ang gagawin.

Nakayuko siya at nag-iisip ng paraan upang makahanap ng dugo para sa anak niya.

Mauubusan na sana siya ng pag-asa ng biglang may isang tao na sumagi sa isip n'ya na alam niyang type B ang dugo dahil sa anak niya.

Luci.....

Nasambit ni astrid sa kanyang isipan at dali-daling tumayo at nagpunta sa taong makakapagligtas sa buhay ng anak niya.... Sa anak nila.....

***
A/N: Penge load para may pang-ud ako HAHAHA.

90 votes, 40 comments and 50 load HAHAHAHA penge poooo wala na pong mapa-load-an dito sa amin HAHAHAHA charott

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now