Chapter 21: Goodbye

Start from the beginning
                                    

Napalingon ako kay Louise. I saw her staring at them both. I saw her smile but I see sadness in her eyes. I know she finally realize what's happening. Realize that........ WE can't be because our parents love each other.

And you know what I'm feeling right now? It hurts like a f*cking bitch!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Eleanor's POV

Kakatapos lang namin mag dinner at nag serve nalang sila ng dessert ng biglang nag start ng conversation si Tita Anne. She insist I call her tita at nag insist din si dad na tawagin siyang tito ni Drei. Natapos din ang dinner na tahimik lang kami ni Drei habang nakatingin sa parents namin.

"Prince diba same kayo ni El ng pinapasukan na school? Mag kakilala ba kayo or classmates?" Tanong ni tita Anne kaya napatingin ako kay Drei. I look at him meaningful habang nakatingin naman siya sakin na parang hindi niya gusto to. Na kung ano man ang kalalabasan ng gabing ito ay parehas naming hindi gusto.

"Hindi kami magkakilala........ although I see her in school."

Hindi ko mapigilan masaktan sa sinabi niya. I'm expecting that response pero masakit padin pala kahit na alam naming parehas na yun yung tama. One thing special about me and Drei? Kahit hindi na namin sabihin sa isa't isa parang automatic ng naiintindihan namin ang isa't isa. Ganon pala talaga pag masyadong naattached ang isang tao sayo. Na kapag nakilala mo na sila ng husto, even little things that he do alam mo na ang ibig sabihin. And it hurts that we both don't like this pero hindi namin kayang sirain yung kasiyahan ng parents namin.

"Yeah...... we don't know each other." Dagdag ko.

"You should be friends. Para in future maybe maging mag kapatid kayo." My dad said making my heart beats faster. I plastered a fake smile.

"Yeah. That's a good idea."

After that hindi na ulit sila nag tanong samin at nag kwentuhan na ulit sila ni tita Anne. I can't erase the thought of Drei's going to be my brother. Diba dapat masaya ako kasi may balak si daddy mag pakasal ulit at mag kakaron ulit ako ng mommy? Pero bakit parang iba yung nararamdaman ko? Bakit ang sakit? Bakit parang pinipiga yung puso ko iniisip ko palang na hindi kami pwede ni Drei dahil magiging step brother ko na siya?

Nararamdaman ko ng maluluha ako kaya agad kong inayos ang sarili ko. Pagkatapos nilang kumain ng dessert ay nag aya nadin silang umuwi. Gusto sanang ihatid ni daddy si tita Anne pauwi pero tumanggi ito at sinabing kaya na nila ni Drei. Yinakap ako ni tita Anne bago pumasok ng kotse ni Drei habang sandali naman akong tinitigan ni Drei bago nag paalam kay daddy. Sumakay nadin kami ng kotse pagkatapos makaalis ng kotse nila Drei.

Huninto yung sasakyan sa tapat ng building ng penthouse ko ng nag salita si daddy.

"Eleanor, thank you for accepting Anne and I." Nagulat ako ng biglang ngumiti sakin si dad. I never thought I'll see him smile. Parang gusto kong umiyak na masaya.

"I just want to see you happy dad. Whatever it takes." Ngumiti ako sakanya at bumaba na ng kotse.

Papasok ng ko ng building ng biglang nag vibrate yung phone ko.

From: Your Handsome Boyfriend <3

Meet me at the rooftop

Napabuntong hininga nalang ako. May kinuha muna ako sa kwarto ko bago umalis ulit. Hindi na ko nag abala pang mag palit. Pag labas ko pumara agad ako ng taxi. Pagdating sa school ay nag bayad na ko't bumaba. Nakita naman ako ng guard. Hindi naman ako hinarang marahil ay alam nilang pupunta ako. Bawat hakbang ko parang ang bigat bigat. Hindi ko na nga halos alam na nakarating na ko sa taas dahil sa dami ng iniisip ko. Parang gusto ko nalang tumalikod at tumakbo palayo pero alam kong mas lalo lang kaming mahihirapan. Nasa tapat na ko ng pinto ng rooftop ng huminga muna ako ng malalim habang unti unting binuksan ang pinto at dahan dahang lumabas.

Doon nakita ko siya. Nakaupo sa bench kung saan madalas kaming nakaupo. This our haven. Ang dami naming memories dito. Away, lambingan, selosan, tampuhan pero mostly pag mamahalan. Mostly magagandang memories ang nandito. Pero ngayon mukhang madadagdagan na ang hindi magandang memorya dito. Dito kami nag umpisa and sadly dito nadin kami mag tatapos.

Nakatalikod siya sakin at nakatingin sa langit. Ganon padin ang suot niya kagaya ng sakin. Mukhang dito na siya dumeretso pagkatapos ihatid si tita Anne. Napansin ko namang may hawak siyang bote at mabilis yung ininom. Habang papalapit ako sakanya parang dinudurog yung puso ko.

Umupo ako sa tabi niya ngunit hindi ako tumingin sakanya. Ayokong makita yung itsura niya at baka bigla nalang akong mag breakdown at humagugol sa harapan niya.
Ang panget ko pa naman umiyak baka tawanan lang ako nito. Knowing Drei, hindi malabong mangyari yun.

"I can't believe this. I can't believe this is happening to us." Mahina at puno ng lungkot niyang sabi sabay inom ng alak. Unti unti ng nag tutubig ang mga mata ko.

Me neither Drei. I can't believe this.

"Nawala ka lang saglit ganito naman agad pag balik mo." Tumawa pa ako ng kaunti pero sa totoo lang unti unti ng sumisikip yung puso ko sa sakit na nararamdaman ko.

"TANG*NA! BAKIT KASI SILA PA?! BAKIT SATIN PA NANGYARI TO?!" Bigla siyang tumayo at hinagis yung bote at sinuntok yung pader. Sa takot ko ay agad akong napatayo at yinakap yung likod niya. Sinubsob ko yung mukha ko sa likod niya at hindi na napigilang umiyak.

"D-Drei..... T-tama na."

"B-bakit kasi tayo pa? Ano bang nagawa nating mali? Bakit satin pa napunta tong ganitong problema? Ang sakit Louise! ANG SAKIT SAKIT!" nanginginig na balikat niya. Alam kong pinipigilan niya lang umiyak.

"Habang tinitignan ko sila kaninang nakangiti at tumatawa parang hindi ko kayang sirain yun. Parang hindi ko kayang mawala yung ngiti na nakita ko kay daddy kanina kasi after all these years ngayon ko lang siya nakitang ngumiti at tumawa. Alam mo bang nag thank you pa siya sakin kanina? Tapos ngumiti pa siya sakin. Hindi ko kayang makitang mawala yun. And I saw you looking at your mom. I know you love your mom as much as I love my dad. Alam kong parehas lang tayo ng nararamdaman at gusto. Ang makita silang..... m-masaya." humigpit yung yakap ko sakanya.

"Even if it takes US seperating."

Naramdaman kong may tumulo sa kamay ko kaya lalo kong sinubsob yung mukha ko sa likod niya. I can't see him like this. Seeing him crying breaks my heart.

"F*CK! TANG*NA! BAKIT NGAYON PA?! BAKIT SILA PA?!" Patuloy lang siya sa pag suntok sa pader habang umiiyak.

Unti unti akong bumitaw sakanya humarap naman siya sakin. Patuloy lang ang pag agos ng luha sa mata ko ganon din ang sakanya. Hinawakan niya ang kamay ko. He laugh bitterly.

"How ironic. This is where I claim you officially mine. This is where we proclaim our love for each other. And now this is where were breaking up. How f*cking ironic!" I can't help the sobs that are now escaping my lips. Unti unti niya kong yinakap. 

"A-And it f*cking hurts." Mahinang bulong niya.

Bakit kami pa? Bakit kailangan ganito pa? Ang sakit! Ang sakit sakit!

Kahit ayoko dahan dahan akong bumitaw sakanya. Ngumiti ako kahit mahirap at kinuha yung scrap book na dala ko. Bumalik pa ko sa bahay ng maalala ko to. Inabot ko to sakanya kahit nanginginig na yung kamay ko.

"I-I know I shouldn't give this to you since were breaking up but I have to. Atleast for the last time right? Always remeber that I love you and that will never change."

Nakatitig lang siya sa scrapbook. Ibinaba ko na yung kamay ko ng tumingin siya sakin. I saw pain in his eyes. And maybe he can see mine too. May kinuha siya sa bulsa ng coat niya at inabot ito saakin.

It's a CD

Yinakap ko siya for the last time. Tumalikod agad ako after ko siyang yakapin.

"I love you Drei. Goodbye." I whisper. Nag lakad na ko paalis habang pinipigilan kong humikbi. I hear him whisper words that makes my sobs escape my lips.

"I love you Louise. Always and Forever."

Almost (Under Revision)Where stories live. Discover now