"Sa village, phase 2." Sabi ni ehem. sorry. Sabi ni Yohan yung kaklase kong ubod ng sungit.
Juscolored! Sa lahat ng pwedeng makasabay si Yohan pa? Yung taong pinaglihi sa sama ng loob ng nanay nya? Si Yohan na kapit bahay ko? si Yohan na Vice president ko? Si Yohan talaga? Dapat sumama nalang ako kay Katsu eh. How malas naman. Tsk.
"Baka gusto mong umusog ng magkasya naman tayo diba?" Reklamo netong @#^%%
"Sorry ah. Oh ayan na po." Sabi ko with a sarcastic tone.
"Tss." Ugh! Ansungit talaga!
[Sa village]
"Dito nalang po sa kanto." Napatingin kami sa isa't isa ng sabay kaming magsalita. Syempre nauna sya bumaba.
Pagkababa ko, dukot agad sa backpack. Nakakainis talaga 'tong wallet ko, laging napupunta sa ilalam ng mga libro ko. Hay, nakuha ko din. Pagbukas ko ng wallet, ay ba't parang may lumipad? Lumingon lingon ako para makita kung ano.
"Baka gusto mong bilisan ng mabaryahan 'to diba?" Aynako talaga! Puro sya reklamo, kasalanan ko bang wala syang barya? Hayaan na nga yung kung anong lumipad baka di naman importante.
"Tss. Oh kuya bayad po." Sabi ko sabay alis. BADTRIP TALAGA.
[Sa bahay]
"Mama, andito na po ako." Sabi ko kay mama sabay mano.
"Bakit nakabusangot ka?"
"Aynako mama, nakakahawa yung kapitbahay nating masungit eh."
"Baka kayo ang magkatuluyan ni Yohan ah. Sabihin mo lang para makapaghanda kami ng mama nya. Hahahaha. Mabihis ka muna tas bumaba ka dito para magmeryenda."
"Ewan ko sayo mama." Sabi ko sabay punta sa kwarto.
Eto pa yung nakakainis e. Pinupush nila ng mama ko at mama ni Yohan na kami yung magkakatuluyan. Kesyo, ganyan din nagsimula sina mama at papa. At kung anong madami pang mga paniniwala at mga eklabu. Like Duuh with a capital D, He hates me and the feeling is mutual, I hate him too. Ewan ko ba tuwing nakikita ko yang nakabusangot nyang mukha nabibwiset ako. Ay nakaka-bad vibes talaga.
[After 60 minutes]
MMT ~ Chapter One
Magsimula sa umpisa
