MMT ~ Chapter 1
Breanne's POV
"Bree, bilis na kasi samahan mo na ko. Sandali lang naman yun eh." Pangungulit ng kaibigan kong nagpapasama sa kung saan.
"Kat! Ang kulit mo ah hindi nga pwede."
"Hindi pwede o ayaw mo lang talaga? Bree naman eh!"
"Para mas masaktan ka? Both. Kat, wag ka na kasing makulit."
"Grabe ka Breanne Gomez! Makakapaghintay naman yang wattpad, di naman yan lalayas." Pamemelosopo nya.
"Ewan ko sayo Katsu Ong. Malay mo layasan nga talaga ko, saan ko hahanapin yun?"
"Sa google! Aynako, minsan talaga sa sobrang talino nata-tanga na no?"
"Tas tina-tanga mo pa ko. Mas lalong di na ko sasama sayo. Pasama ka kanila Marcus."
"Ihh, kenekeleg eke eh. AW!" Yan nabatukan tuloy kita.
"Talande ah! Marcus! Halika dito." Tawag ko sa CRUSH ni Katsu.
"Yes, Pres. Uy, nagra-rhyme yun ah." Yep, president ako. President sa classroom.
"Ngayon mo lang nalaman? Tss. Samahan nyo si Kat sa kung saan man 'to pupunta, tas ihatid nyo ah. Pagkahatid nyo kay Kat, uwi agad. Baka sisihin pa ko ng mga mama nyo. Patay pa ko kanila tita."
"Yes, Pres. Uy ah! Pa-good shot ka kanila mama. Sabi ko na eh may gusto ka sakin." Pang-aasar nya. Oo, kilala ko mga magulang ng mga kaklase ko.
"LA? Humangin bigla ah. Kapal mo oy. Gusto mong masama cleaners ngayon?"
"Sabi ko nga hate mo ko eh."
"Ge, alis na bago pa tumulo laway nyang si Katsu."
"Oy sinong tulo laway? *Punas bibig*"
"Ewan ko sayo, ingat nalang. TRICYCLE!" Sabi ko sabay tawag ng trycicle
"Kuya sa village po, phase 2." Pumasok na ko sa tricycle. Maghihintay pa kasi ng isang pasahero.
